Chapter 19: Plan

2.5K 87 2
                                    


3RD PERSON'S POV



Ilang araw matapos ang encounter nina Reira, Zhiea, at Rebecca during lunch time ay napiling dumistansya ni Reira kay Rebecca na ikinahalata nito. Kahit anong gawing pagpapapansin ni Rebecca ay nagbalik sa dating hindi sya basta kibuin ni Reira. At isa lang ang naisip nyang dahilan, si Zhiea na president ng Science club nila.



Pero hindi sya makakapayag. Kailangan nyang makuhang muli ang loob nito para di sya maitsapwera.



Nakita nyang naglalakad papunta sa parking lot si Reira kaya naisipan nyang sumulpot sa harapan nito.



"Hi Reijhi!",masiglang bati nya at halatang nasurprise naman ang babaeng gusto.



"Rebecca",nakangiting bati rin nito pero di nakaligtas sa kanya ang paglinga nito sa paligid. Tsk.



"Pauwi ka na? Halika hatid na kita",di nawawala ang ngiting alok nya pero umiling ito.



"May pupuntahan pa kase ako eh kaya salamat na lang. Mauna na ko ah",magalang nitong paalam pero halatang gusto nang umalis kaya napabuntong-hininga na lang sya.



"Sige Reijhi. Ingat ka ha",peke ang ngiting sabi nya at tumango naman ito bago kumaway nung umalis. Naiinis na napatanaw na lang sya sa papalayong pigura na kahit ano atang gawin nya ay di nya magagawang makuha ang atensyon dahil may mahal ito.



Nasa ganun syang pwesto nang may magsalita sa kanyang likuran.



"Ang pagmamahal na hindi mapupunan, makakamit kung aalisin ang hadlang",makahulugang sabi nito kaya lumingon sya. Isang babaeng nasa edad thirty plus ang nakita nya na kahit mukhang normal ang itsura ay halatang may kakaiba sa kung pano nito dalhin ang sarili.



"Anong ibig nyong sabihin?"



"Yung babae kanina, mahal mo sya di ba? Bakit di mo gawan ng paraan ang iniibig nya? Alisin mo sa landas mo ang babaeng yun at makukuha mo ang taong gusto mo",nakangising sabi nito pero di nya maabsorb ang gusto nitong ipahiwatig.



"Bakit naman kita susundin?",pagtataray nya pero lumawak lang ang pagkakangiti nito.



"Ang manatiling anino o taong hindi kailanman magiging bida ang isa sa pinakamasaklap na parte ng buhay, subalit ang bagay na gusto mong makuha pag ginawan mo ng paraan ibayong saya ang magiging kasuklian",malalim na pahayag nito kaya napaisip sya bigla.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon