Chapter 1

1.9K 58 2
                                    

Sa Studio...

I've been calling Sahlee but she won't answer her phone at di ko alam kung paano ko iko-kontak ang Zach na yun. Ang camera ko! kainis! It's not that I don't have other camera's but yung naka Zach ay yun ang pinaka favorite ko kasi classic yun regalo yun ng Lolo ko.

"Hoy insan! ano ba yang mukha mo parang binagsakan ka ng langit at lupa?" hahaha asar ni Gilliane sa akin.

"Eh kasi, yung camera na binigay ni Lo..."

"Naiwala mo?!!"

"Hindi.."

"Nasira mo?!!!"

"Hindi! kasi nga patapusin mo ako sa sasabihin ko."

"Ayy, o cge insan explain."

"Kasi nga nandun ang camera ko sa boyfriend ni Sahlee, kinuha nya kanina sa akin at pinaka worst hinalikan nya ako!" yung manyak na playboy na yun. Kainis!

"ANOOO???!!! ------> O_O  Bakit kinuha nya? Bakit hinalikan ka? Hala! patay ka kay Sahlee the bitch."

"Yun na nga! kasi nahuli ni Sahlee si Zach kanina na may kasamang ibang babae at ang sweet nila. Kala mo walang girlfriend ang kurimaw nakikipag landian sa ibang babae. Na stolen shot ko kasi sila dahil diba? alam mo naman na mahilig ako sa stolen shots ng mga couples na sweet for my samples. Ayun! huling-huli ang loko, nakita ni Sahlee sa cam ko nang magpakita ako sa kanya ng samples."

"O bakit ka hinalikan?"

"Di ko rin alam, trip siguro ng loko, walang hiya talaga!" matapos makipag landian sa iba hinalikan pa ako! Aish! Kainis!"

"Uy insan! first time mo yun diba? first kiss mo? Beke nemen..."

"No! No! No! that will never happen at ang swerte nya dahil sya ang naka una ng halik sa akin." haaaay alam mo naman na dapat yung future bf ko ang gagawa sakin nun pero hindi ko sya bf for God's sake! yung promise ko sa sarili ko hindi na natupad hindi na romantic to, horror na eto!. huhuhu"

"Ang O.A naman neto! halik lang yun insan."

"You don't understand insan, dapat kasi in a romantic way with my future bf dapat yun. I'm looking forward that scene to happen in my life, nasan naba kasi si the one? buti ka pa may Edwin ka na."

"Speaking of Edwin, nandito na sya in 3.. 2.. 1 tsaraaaaan! andyan na sundo ko insan may date kami ngayon quarter to 7 na pede ikaw nlang muna dito sa studio ?" malapit nadin tayo mg close diba?"

"Oo na! cge na, umalis kana! ikaw na ang may lovelife!."

"Ang bitter!! o cge na ba-bye na." muah! humalik muna sya sa pisngi ko bago umalis yun na ang nka ugalian naming gawin.

Nag-iisa na naman ako dito sa studio, mag ba-browse nalang ako ng pictures para sa isang client namin for editing ipapasa ko kay Jun-Jun yung isa kong pinsan na kinuha namin ni Gilliane kasi master sya ng photo editing. Habang naghahanap ako ng final photo for editing narinig kong bumukas ang pinto sa shop may nilagay kasi kaming chimes para sa pintuan upang malaman kung may papasok. Seryuso ako sa paghahanap nang pictures nang may pumunta sa desk.

"Excuse me miss, pwede bang mgpapicture?" tanong nung customer.

"Sure sir, paki fill-up lang po yung form dyan sa may counter." sabi ko sa customer nang hindi tumitingin kasi abala pa ako sa paghahanap ng pictures tatlong files nalang kasi ang kulang.

"Eto na miss, tapos ko nang mafill-up to."

"Thank you po, punta lang po tayo dun sa studio room for picture taking." sabay tumayo ako at kinuha ang camera, hindi ko na nakita ang customer kasi nakapasok na sya sa studio. I turned on the light pagpasok ko sa studio, hindi ko masyadong naaninag ang mukha ng customer. 

"Ok sir, Please stay still lang po tayo for the whole body shot at free pose muna tayo." akmang nilagay ko na ang eyepiece ng camera sa mata ko nang  *Whaaaat! bakit nandito tong impaktong to? talagang ngpakita talaga dito ha, hindi man lang ako pinahirapan mghanap sa kanya.

"Nice to see you again George, I guess the feeling is mutual, since mukhang gulat ka nang makita ako." nakangising  turan nya.

Aba't ang kapal talaga ng pagmumuka netong lalaking to. "Anong ginagawa mo dito playboy?" tanong ko sa kanya na ngpabago ng itsura sa mukha nya.

"Diba sabi ko sayo wag mo ako tawagin ng ganyan? sinasabi ko sayo pag ako nagalit ulit hindi lang halik ang makukuha mo.

*Ha? eh ano paba ibibigay nya sakin bukod sa halik? hala! Hindi pwede, sabay takip sa katawan ko. ang sagwa ng isip mo Georgina! nakita kong tumawa sya baka nabasa nya ang nasa isip ko.

"Diba gusto mong makuha ang camera mo?" tanong niya.

Bumalik ang diwa ko sa sinabi nya. "OO! akina na ang camera ko, ibalik mo na sa akin please importante sa akin yun."

Nakita ko na naman ang nakakalokong ngiti nya, hudas talaga! ikulong ko kaya sya dyan sa studio room namin makaganti lang.

"Since importante pala yun sayo, paghirapan mong kunin sakin yun. Ang dali mong paghiwalayin kami ni Sahlee gamit yun. ngayon paghirapan mong kunin sakin." seryusong sabi nya sakin.

"Ano? hindi ko naman kasalanan na naghiwalay kayo ah, ikaw ang may kasalanan nun kasi playboy ka masyado, kung mahal mo talaga sya hindi ka makikipag-landian sa ibang babae." seryuso ko ring sagot sa kanya.

"Minahal ko si Sahlee, sya lang tong masyadong selosa."

Minahal? so meaning past na? Tapos na? tanggap niya nang naghiwalay na talaga sila? turan ng isip ko. "Hindi mo lang ba susuyuin si Sahlee? nag effort pa naman sya para sa 2nd anniversary nyo." sabi ko kay Zach.

"Patungo na naman din sa hiwalayan ang mangyayari sa amin, bakit pa ako mag aaksaya ng oras? masyadong selosa at nasasakal na ako sa sobrang pag control nya sa relasyon namin pinangungunahan nya ang lahat, sino bang maysabing gusto ko nang engrandeng anniversary? dapat nga ako ang gumagawa nun dahil ako ang lalaki. Minahal ko sya pero nakakasakal na hindi porke't mayaman sya magagawa na nya ang lahat. May pera din ako pero di ko aaksayin yun sa kanya." At saka hindi ba sabi mo playboy ako maghahanap nalang ako ng iba."

Wow ha, nagdrama ka pa dito talaga sa studio ko. He just smirked after telling me all that. pero may point din naman tong si loko pero walang modo talaga, pero si Sahlee naman ang nakipag hiwalay sa kanya so ok nayun. sino ba naman sya para tumanggi yun naman din ang gusto nya. ang camera ko nalang ang problema ko.

"Ibalik mo na sakin ang camera ko please?" pag-iiba ko nang topic ang drama nya kasi.

"Ibabalik ko lang yun sa isang kondisyon..." sagot nya saken.

"Ano? may kondisyon?" Aba't...

"Kung gusto mong makuha yun kailangan mong maging P.A ko in one month." sabat nya sa sasabihin ko sana.

*ANO DAW? P.A nya? Nasisiraan na ng bait tong taong to*. "Pano kung ayaw ko?" sagot ko sa kanya.

"Nasa sayo ang desisyon George, balita ko galing pa yun sa lolo mo. Cge, aalis na ako isinulat ko sa form yung address ko pumunta ka sa bahay bukas ng umaga. See you!"

"Hoy teka! pero umalis na sya. "Ano to? walang choice lang ang peg ko? ano bang nangyayari sa buhay mo Georgina? at teka, bakit alam nya yung tungkol sa camera na galing kay Lolo yun? ay oo mga pala may website tong shop namin baka dun nya nakita."Haaaay buhay! Nakakaloka na!"

A Beautiful Accident (Completed)Where stories live. Discover now