Chapter 12

1K 35 0
                                    

Nandito na ako ngayon sa studio namin tapos na ang pagiging PA ko kay Zach gaya nang ipinangako niya. Tapos nadin ang pagiging fake- magkasintahan namin. Tatlong araw na kaming hindi nagkita matapos niya akong ihatid sa bahay nung isang gabi galing Baguio. Medyo na mi-miss ko na rin siya pero nahihiya naman akong puntahan siya. Sa tuwing tumutunog ang chimes sa pintuan namin ay lagi akong napapatingin doon na parang hinihintay na darating siya.

"Uy insan, mukhang may hinihintay ka ah panay tingin mo dun sa pintuan. Sino ba?",nakangising tanong ng pinsan ko.

"Wala ah!" ,defensive kong sagot.

"Baka si papa Zach hinihintay niya ate Gilliane.",singit ni Chasey.

"Uy uy uy! Kayong dalawa diyan wag kang malisyosa busy nga ako dito oh."

"Anong busy? Naka sleep mode nga yang computer sa harapan mo oh!"

Napansin kong black screen nga pala ang nasa harapan ko kaya dali dali kong hinawakan ang mouse para lumiwanag ito.

"Hay naku Georgina! Wag kang magdrama diyan kung ayaw mong tawagan ko si Zach at papuntahin dito dahil sa pagse-senti mo diyan!"

"Subokan mo Gilliane at dadanak ang dugo mo dito!"

"Wow! Dinadaan sa rahas, grabeh ka naman insan napakadefensive mo naman. Tara na nga Chasey baka madamay ka pa sa karahasan niyang bigo kong pinsan.",nakangising sabi niya.

"Balakayojan!", nasabi ko nalang.

Biglang tumunog uli ang chimes sa pintuan at napa angat muli ang ulo ko para tignan kong sino yun. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala ang taong papasok sa loob. Ano kaya ang ginagawa niya dito? Baka iinisin na naman ako ng kurimaw nato. Diba Georgina ito din naman ang gusto mo ang makita siya kaya wag kang umarte diyan.

   

"Hi Georgina! Kumusta?", bati niya.

"O-okay lang Zach, anong ginagawa mo dito?", nauutal ko pang tanong sa kanya.

"Isusuli ko lang yung camera mo,pasensya nat natagalan may inasikaso pa kasi ako."

Oo nga pala nakalimutan ko na ang camera ko dahil sa pag-iisip sa kanya. Pasensya na lolo! May inasikaso siya, siguradong si Sahlee iyon. Kinuha ko ang camera na iniabot niya.

"Salamat.",malimit kong sagot.

"Amm, may inasikaso ka? Si Sahlee ba?",hindi ko na naiwasang tanungin siya. Shit ka Georgina! Pahamak!

Tumango lang siya sa tanong ko. Confirm! Nagkabalikan na siguro sila. Okay wag kang iiyak sa harap niya Georgina! Tumalikod kana!

"Nagkabalikan na kayo?",isang pahamak ulit na tanong ko. O sige Georgina patayin mo pa ang sarili mo. Masokista!

Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya nagsalita nalang ako ulit.

"Amm, sige Zach may gagawin pa pala ako medyo urgent kasi eh, sige maiwan na muna kita kung hinihintay mo si Jun-Jun nasa editing room lang siya pwede mo siyang pasukin doon.",sabi ko kanya na pinipigilan na ang luhang malapit nang tumulo. Tumalikod na ako sa kanya at umalis na.

"Hindi ko siya hihintayin George may lakad din kasi ako.",sabi niya.

"Ah okay, sige paalam Zach.",sagot ko na nakatalikod sa kanya.

"George...",narinig kong malumanay niyang tawag.

"Sige na Zach medyo busy din kasi ako",sabi ko sabay lakad na papunta sa office ko pinunasan ko ang luhang tumulo kanina pa.

Narinig kong tumunog ang chimes ng pinto at lumabas na siya. Umalis nga ang kurimaw!

Maya-maya narinig kong may kumatok sa pintuan ko. Tiningala ko kung sino iyo sumilip ang ulo ni Gilliane.

A Beautiful Accident (Completed)Where stories live. Discover now