Chapter 11

1K 33 0
                                    

Nagising ako na may nakayakap sa akin nilingon ko si Zach na ngayon ay payapang natutulog sa tabi ko. Unti unti kong kinukuha ang mga braso niyang nakapulupot sa akin ngunit bigla niyang hinigpitan iyon. Gising na siya pero nakapikit parin ang kanyang mga mata. Nakita ko ang suot kong jacket binihisan niya siguro ako kagabi. Thinking what happened last night made me blush atleast I controlled myself for what's going to happen I may feel his dismay but I think Zach understands it.

"Morning.",si Zach na medyo inaantok pa.

"Morning.",sagot ko na lumingon sa kanya.

Magka harap na kami ngayon habang nakahiga. Tinitigan niya lang ako, napangiti ako sa kanya kaya ngumiti din siya. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinalikan iyon. Napakislot ako sa ginawa niya. Kung ano man tong nangyayari sa amin ngayon masaya na ako. Kahit ngayon lang, hindi ko pagsisihan ito dahil maligaya akong nakasama ko siya. Wala man kaming sinasabi pero mukhang nagkakaintindihan naman ang nararamdaman namin.

"Anong gusto mong agahan George?",tanong niya at bumangon na.

"Bread and hot chocolate?",sagot ko.

"Hmm.., okay punta lang ako dun para mag order.",sabi niya at lumabas na.

Tumango lang ako at pinagmasdan ang papalayo niyang imahe. Bumangon na ako at lumabas sa may terasa. Malamig masyado buti nalang  may jacket ako ngayon. Naalala ko ang Crema de Fruta sa likod ng sasakyan niya baka sira nayun itatapon ko nalang mamaya. Nakita kong paparating na si Zach dala ang agahan namin, napangiti siya nang makita ako ginantihan ko din siya ng ngiti.

"Dito na tayo kumain.",sabi ko sa kanya.

"Malamig dito George."

"Okay lang may hot chocolate naman diba? gusto kong pagmasdan ang kapaligiran tapos umaambon pa minsan lang natin to ma experience."

"O sige, ikaw bahalag.",sabi niya at nilagay na ang pagkain namin sa maliit na mesa sa terasa.

Pumunta ako sa may hagdanan at doon umupo at inilagay ang mga paa sa ikalawang baitang ng hagdanan ngayon ko lang napansin na may medyas nadin pala ang mga paa ko. Sinuotan pala ako ni Zach ng medyas kagabi. Ang sweet talaga ng iniirog ko. Haaaay, sana totoo na kami nga. Kinuha ko ang mainit na tsokolate at nag umpisa nang uminom doon. Pumasok siya sa loob at lumabas na may dala ng kumot kinuha niya ang tsokolate niya at umupo sa tabi ko ibinalot ang kumot sa akin at sa kanya. Ang sweet namin tignan sa ayos namin kung  may makakita man siguradong mag aakalang magkasintahan talaga kami.

Iniangat ko ang ulo ko para tignan siya ngumiti lang siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Napatigil ako sa ginawa niya.

"What's that for?"

"Hmmmm..", sabi niya sabay kuha sa kamay ko at pinagsalikop iyon.

"Lets just stay like this for an hour George.", sabi niya sabay kuha sa bread at kinagat iyon isinubo niya sa akin ang bread na kinagatan niya kaya kinain ko nalang din.

We stayed like that for an hour,nang makita kong papasikat na ang araw at unti unti nang nawawala ang ambon ay niyaya ko na siyang tumayo para mghanda para paalis na papunta sa kanila dahil mamayang gabi ang flight namin pauwi sa Cebu.

Nahihiya akong tanongin si Zach kung ano na ang nangyayari sa amin kaya tumahimik nalang ako, isa sa pinaka ka ayaw ko ay mag mukhang assuming. Kailangan ko rin alagaan ang pride ko at puso ko. I'll just cherish this moment forever.

"Zach, teka kunin muna natin ang Crema de Fruta sa sasakyan mo baka makita pa yan ng mommy mo na hindi natin nakain.",sabi ko kay Zach.

"Oo nga noh? Nakalimutan ko din yan sige itapon nalang natin.",sagot niya.

A Beautiful Accident (Completed)Where stories live. Discover now