Pangatlong Araw

54 6 41
                                    

Songs for this chapter:

Stronger (What Doesn't Kill You)- Kelly Clarkson

Save The World- Swedish House Mafia

(Both songs will contradict this chapter. Pero ayoko namang mas maiyak kayo kapag inakma ko so I gave this chapter a motivational songs. Hope you like it. 😊)

NAPAKURAP-KURAP ako nang marinig ang sinabi niya. He also have CKD? Talaga?

"Kung congenital ang sa iyo, mine is different." Nagulat ako sa pagiging mahinahon ng boses niya ngayon,-"My CKD started when I have kidney stones. Lumala. Doon na nagkaroon ng complications which results into CKD."

"Papaanong...papaanong nagkaroon ka ng kidney stones?"

"Kakakain ko ng matatamis. Chips, chocolates, peanuts. Since bata pa ako kumakain na ako ng mga iyan pero hindi ko maintindihan kung bakit ngayon lang tinubuan ng sakit ang katawan ko! Kung kelan 17 na ako at magtatapos na ng SHS!

Alam kong malala na ang sakit ko. Ako ang may hawak sa katawan ko kaya alam ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit gusto mo pa akong pangitiin gayong hindi rin naman magtatagal pa ang buhay ko. Mawawala rin ako dito sa mundo."

Sa hindi malamang kadahilanan ay naiiyak ako. Pero hindi ko inalis ang ngiti.

"Hindi totoo iyan. Lahat tayo may dahilan pa rin para ngumiti. Kahit sa ganito pang sitwasyon mo. O sitwasyon ko. At dahil iyon ay buhay pa tayo—"

"Ayoko na ngang mabuhay!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya,-"Hindi mo ba nakikita kung bakit ganito na lang ako? Dahil ayaw ko na sa buhay ko! Kahit gumaling pa ako sa sakit ko, mas pipiliin ko pa ring mawala dahil wala na akong buhay na maisasalba!

Wala akong pamilya. At mas lalong ayoko nang makisiksik sa buhay ng iba. Kahit sa mga pinsan ko pa. Can't you see? I don't belong here. Hindi mo na ako mapapangiti. Nothing and no one in this world could make me happy again. This sickness is just my passport to escape that misery. Might as well let it eat me whole. Para wala nang problema."

Nag-freeze ulit ang ngiti ko. Pakiramdam ko nanginginig na ang mga kalamnan ko. Nagwa-warning ulit ang pagsikip ng paghinga.

Bakit—pati ang mga laman ng mga salita niya, the sadness, pain and even grief...katulad na katulad ng kung ano ako dati?

Huminga ako nang mas malalim. Nagbabanta talaga ang unti-unting pagsikip ng hangin sa katawan ko. Nararamdaman ko dahil unti-unti ring nanlalamig ang sistema ko. Para akong ibinibitin patiwarik.

"I told you that my CKD is congenital. Simula bata ako aware ako sa sakit ko. Pero kahit aware ako, kahit alam ko na ang mga dapat at hindi dapat gawin o subukan dahil sa kondisyon ko, naging matigas pa rin ang ulo ko. Nang mag-grade 7 ako sumali ako sa marathon. Hindi alam ni Lola. Naitatago ko kasi nang mabuti ang mga napapanalunang medals at trophies. Grade 8 sumali ulit ako. Hindi pa rin alam ni Lola. Basta ang gusto ko lang nun tumakbo. Masarap kasi sa pakiramdam. Yung may pupuntahan lahat ng pawis at pagod, na sa bandang huli may finish line. Mananalo ka. Yung pakiramdam na malaya. Nung grade 9 ako sinubukan ko na ang triathlon na ginanap lang sa school namin. Puro pa mga bawal sa akin ang sinubukan ko because triathlon consist of three common form: swimming, cycling, and running. It's an endurance sport. Doon na bumagsak ang katawan ko. Nahimatay ako kasagsagan ng huling parte. Ang pagtakbo. Hindi na ako nakaabot pa sa finish line at kaagad akong isinugod sa ospital. Ilang beses nasisisi ang school nun dahil bakit daw ako pinasali gayong may sakit ako. When the fact is, dinaya ko ang form at medical certificate ko. At si Lola..." I paused when my tears are on the verge of falling. Diretso lang siyang nakatitig sa mga mata ko,-"Si Lola, binigyan ko siya ng sakit ng kalooban. Pinag-alala ko siya. Pinaiyak. Doon na nagsimulang mas naglalagi kami dito for check-up. But I guess I test my body to it's limit na pagtuntong ko ng grade 10, second quarter, dumadalas na ang pagkakahimatay ko sa school because of sudden short of breath kaya mas napapadalas rin ang pag-stay ko sa ospital na umabot ng almost a month bago ako mapabalik sa eskwela.

A Woebegone's Message |✔️ #Wattys2019Where stories live. Discover now