Panglimang Araw

30 6 18
                                    

Songs for this chapter:

You Are My Sunshine- Moira dela Torre version

A Goodbye Joke- George Jones

NANATILI akong nakangiti habang hila-hila si Mr. B hanggang sa makalabas kami ng ospital dahil nagtago kami sa likod ng isang nurse na nagsugod ng pasyente. Ilang tago pa sa mga nurse ang nagawa namin bago tuluyang makalayo. Buti at hindi talaga kami napansin ng guard. Marahil ay alas kwatro y media na ng hapon nang makalabas kami.

Natabunan ang panlalamig at paninikip ng paghinga ko nang maramdaman na hawak ko pa rin ang kamay ni Mr. B.

Hawak lang pero pinapakalma na nito ang sakit na nararamdaman ko.

Hawak lang at nagagawa nitong maging totoo ang ngiti.

Sa isang hawak lang. Why am I feeling like this?

Nakalampas na kami sa forest park na katabi lang ng ospital para sa mga pasyenteng gusto mamasyal. Hawak ko pa rin ang kamay niya nang maglakad kami sa mataong pathway.

Nagtataka man dahil hindi pa siya bumibitaw, nagpapasalamat rin ako. I could still hold his hand for a long time.

Habang tumatagal ay unti-unti nang nagtatakip-silim kaya sa bawat pathway na madaanan namin ay isa-isang nagsisiilawan ang mga light post sa bawat gilid ng daanan. I find it entertaining that seeing it makes me smile more.

Napansin kong tila may nakatitig sa akin kaya napasulyap ako kay Mr. B. And I was right. Sa mukha ko siya nakatingin. Napatikhim siya bago kunot ang noo na nag-iwas ng paningin.

That made me smile wider.

Really. There's something wrong with me.

"I was just going to ask if where are we really heading? Kanina pa tayong naglalakad." Tanong niyang nakaiwas pa rin ang tingin. Sa kabilang light post naman siya nakamata. Habang ako ay sa kabila.

And then I stopped from walking. Kaya pati rin siya ay napahinto.

Mas lalong hindi nawaglit sa mga labi ko ang ngiti nang makita ko na ang lugar na tinigilan namin. Masaya akong tumitig sa umiindap-indap na kulay pulang ilaw sa pangalan ng lugar sa bandang itaas nito.

IniHow Comedy Bar.

Dinig na rin mula dito sa labas ang ingay ng mga tao na nanggagaling sa loob. May naririnig rin akong kumakanta na humahalo sa mga hiyawan.

Buo ang ngiti ko nang masulyapan ko ang seryosong mukha ng lalaking kasama.

"Here."

Napakunot ang noo niya. Balik Mr. B na naman si Juan Tarlo.

"Is this some kind of a joke, Olga?" Bahagya akong napangiwi sa nahimigang gulat at galit na umusbong sa boses niya. Natawag pa ako sa pangalan na hindi naman niya masyadong ginagawa. Is it a good thing or a bad thing? Tinuro niya ang sariling suot na pajama na uniform ng mga pasyenteng tulad namin doon sa ospital. Magkapareho kami ng suot. Nagkakaiba nga lang sa kulay. Kulay blue kasi ang suot niya habang pink naman sa akin. Umiling ako sa mala-singhal niyang tanong sa akin,-"Nakasuot tayo'ng pajama ng ospital tapos papasok tayo diyan? Are you real?!"

Smile, Olga. Napansin ko kasing napapatagal na ang ngiwi ko.

"Matagal ko na kasing gusto pumunta sa mga ganito. Masaya daw sabi ng mga kaklase ko noon. Hindi ako nakasama sa kanila nang mag-aya sila dahil..." nasa ospital na ako noon nung nahimatay ulit ako sa kalagitnaan ng klase. Sandali akong natahimik bago napapatikhim na nagpatuloy,-"Anyways, ayokong mag-isa lang na pumunta kaya perfect talaga na kasama kita ngayon."

A Woebegone's Message |✔️ #Wattys2019Where stories live. Discover now