Pang-anim na Araw

31 6 19
                                    

Songs for this chapter:

I Like Me Better When I'm With You- Lauv

Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong- JM de Guzman

AKO lang siguro ang masaya ngayon kahit ang daming kahit sa kabila ng kasayahan ko.

Masaya ako dahil hindi ako nag-iisa ngayon. Masaya ako dahil napuntahan ko ang gusto kong puntahan (yung comedy bar). At masaya ako dahil hawak ko ulit ang kamay ni Mr. B.

Kahit pakiramdam ko nagsisimula na naman akong mawalan ng hangin. Kahit ngayon lang ito. Kahit na nararamdaman kong mawawala na ako.

"Siguro naman pabalik na tayo sa ospital, diba?"

Napangiti ako. Maraming kahit sa isip ko ngayon pero kaya kong balewalain ito para sa kasiyahan ng puso ko.

Umiling ako,-"May pupuntahan pa tayo." Tumingin ako sa orasan ng simbahan na nadaanan namin. Three thirty a.m na pala. Ang bilis ng oras. Ang saya kasi kanina doon sa comedy bar e.

Napangisi ako nang maalala ang nangyari kanina nang paalis na sana kami doon dahil tapos na ang presentation ng KurDapia.

Nagpakuha pa muna kasi ng litrato yung bading kay Mr. B. Collection niya daw iyon sa tuwing may audience silang pogi. Sa ikalawang kuha sinama na ako dahil ako nga daw ang girlfriend. Baka pa daw magselos ako.

Natawa na lang ako sa kanila. Kung alam lang nilang hindi kami magiging ganoon.

"What?" Kunot na naman ang noo ni Mr. B,-"Olga, siguradong hinahanap na tayo doon sa ospital. Yung lola mo siguradong nag-aalala na sa iyo. At si Kellan..." napatigil siya. I smiled. He still really cares for his sister,-"Ang sinasabi ko, sa tagal na nating nawawala ngayon, siguradong pinaghahanap na tayo. Baka nga ni-report na tayo ngayon sa mga pulis—"

"Sige. Balik na tayo." Putol ko sa kanya,-"Pero sa rooftop muna tayo. Tutal mag-uumaga na, gusto kong manood ng sunrise. Ang tagal na nung huli akong nakakita noon e." I give him my warmest smile.

Nakatitig lang siya sa akin nung una. Maya-maya ay nagbuntong-hininga.

"O, sige." Nagulat ako nang higpitan niya ang hawak sa kamay ko,-"Madilim na ngayon. Baka madapa ka."

Hindi ko na alam kung ilang oras nang hindi matanggal-tanggal sa labi ko ang ngiti.

Isang mahabang lakaran sa ilalim ng buwan at sa mga nag-iilawang post light sa daanan bago kami nakabalik sa ospital. Doon kami dumaan sa forest park na katabi ng ospital dahil may shortcut doon papuntang likod ng ospital. Minsan na akong dumaan doon nang lumusot ako para magtungo sa forest park.

Na-excite ako bigla na makita ang sunrise at alam kong anumang oras ay mag-uumaga na kaya masaya kong hinila si Mr. B paakyat sa hagdanan na magtutuloy-tuloy hanggang sa rooftop.

"Hey!" Hindi magkandatuto si Mr. B sa pag-akyat habang hila-hila ko,-"Dahan-dahan, Olga."

Pareho kaming habol ang paghinga nang makarating kami sa pinakaitaas na palapag. Nasa harap namin ang isang two way door. Pagbukas namin nito ay bumungad sa amin ang napakagandang tanawin. Sumisilip na rin ang liwanag. Nagtungo kami sa may railings kung saan pwedeng umupo habang nakaharap sa magandang tanawin.

"Bakit ba gusto mong makakita ng sunrise ngayon? Kung pwede namang bukas."

Dahil baka wala nang bukas.

"Bakit mo pa ipagpapabukas kung meron ka pa namang natitirang oras na gawin ito ngayon? Bakit kailangan bukas kung meron namang ngayon?"
I smiled when I see his intense stares at me.

A Woebegone's Message |✔️ #Wattys2019Where stories live. Discover now