CHAPTER 4

67 6 0
                                    

CHAPTER 4

ALWIZA'S POV

Masaya kaming apat na kumakain ngayon sa loob ng Canteen. Masaya ako dahil nagkaroon agad ako ng mga kaibigang tulad nina Francine at Justine.

Hindi lang ako makapaniwala, dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigang kasing-dami nila.

"Hay nako teh! Nakakatakot naman pala 'yang ugali mo!"Maarteng wika ni Justine na nakahawak pa sa kaniyang dibdib habang nakatingin pa sa akin.

"Oo, madami pa 'yang nagawang kalokohan! Hindi ko lang maalala dahil sa sobrang dami pero ang pinakatumatak sa isipan ko ay 'yung pagpindot niya sa fire alarm kahit wala namang sunog!"Kwento ni Jhaxine sa mga kalokohang ginawa ko.

Oo, tama siya! 'Yun nga 'yung pinakamalalang kalokohang nagawa ko--na nagawa kong idamay ang lahat ng estudyante sa paligid.

"Nako! Grabe! Hindi pala ordinaryong tao 'tong kaharap natin, France! Kaloka!"Biro pa ni Justine tsaka sandaling kumagat ng Sandwich."Ibig-sabihin, matagal na pala kayong magkaibigan?"Tanong naman nito.

"Oo, alam mo ba? Tiniis ko lang 'yung ugali niyan kahit hindi ko naman talaga kayang sabayan 'yang mga kalokohan niyang 'yan!" Sagot naman ni Jhaxine na tinuro pa ako."Pero kahit gano'n, mahal na mahal ko 'yan."

"Eh kayo? Kailan kayo nagkakilala?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Matagal na! Ang totoo, kababata ko nga 'to si France, eh? Di ba, France?" Baling nito kay Francine.

"Mmm.."Parang batang tugon ni Francine na tumatango-tango pa habang nilalaro ang kaniyang maliit na bulldog na aso.

"Pagpasensiyahan niyo na, ganiyan lang talaga 'yan! Sa sobrang talino-- ayun! Naging isip-bata!"Dagdag pa nito.

"Hahaha! Ang cute nga, eh!"Tatawa-tawang sabi ko.

Napatingin naman sa akin si Francine na may napakalawak na ngiti.

"Ako po?"Parang batang tanong niya.

"Ay, hinde! 'Yung aso!"Biro ni Justine.

"Cute naman talaga si Chacha, ah?"Parang malungkot na tanong ni Francine.

"Chacha?"Nagpipigil na tawang sambit ni Jhaxine."Di ba pangalan ng teddy bear mo ay Shasha? Hahaha!"

"Opo! Mag-asawa po sila!"Dagdag ni Francine at mas lalo napahalakhak si Jhaxine dahil sa mga naririnig sa isip-batang babae.

"Sa tingin ko, bagay tayong apat na maging magbe-bestfriend!"Pag-iiba ni Justine ng usapan habang nakatirik pa ang kaniyang mga mata na parang nag-iimagine."Isang OA, Isang Isip-bata, Isang loka-loka.."Tinuro niya ako dahilan para mapakunot ang noo ko."...At isang maganda!"Turo niya sa sarili niya.

"Hoy! H'wag ka mag-imagine! 'Di ka maganda, bakla!"Biro ni Francine.

"WAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!"

"IVAAAAAAAANNNNNN!!!"

"ANG CUTE MO BORHAAAAAAN!!"

"JERD! BAKIT ANG GWAPO MOOOOO?!?!?!!"

Natigilan kaming lahat sa pag-uusap nang biglang magsigawan ang mga babae at bakla sa paligid.

Ang F5? Tss..

"Sabi ko na sa inyo, eh! Maraming nababaliw na babae sa mga 'yan!"Biglang sambit ni Justine habang nakatuon pa rin ang atensyon sa limang magkakaibigan.

Mayabang silang naglalakad habang nagsisitilian ang mga babae sa paligid na madadaanan nila. At sa aking tansya ay paparating na sila dito at madadaanan nila kami.

I Hate You, But I Love You (season 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang