CHAPTER 14

40 4 0
                                    

Chapter 14

ALWIZA'S POV

Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang itsura sa salamin. Tulad nang dati ko nakaugalian ay suut-suot ko ngayon ang aking kulay pulang salamin at ang aking lukut-lukot na uniform na nagpapaiba sa itsura ko sa ibang estudyante.

Sa totoo lang, tanggap ko na talaga kung ano ako--kung anong meron ako na wala ang iba. Tanggap ko na talaga na gan'to ako at hindi ko ito ikahihiyang ipakita sa iba. Proud ako kung sino ako, proud ako na ako si Alwiza Salazar at walang sinuman ang makakabago sa akin.

Maingat akong lumabas sa magulong kwarto ko at maingat rin akong bumaba ng hagdan. Sumilip muna ako sa baba at tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad nang malaman kong si Mommy lang pala ang naririto.

Nakaupo lang siya sa living room at para bang napakalalim ng kaniyang iniisip. Nakakunot ang noo at makikita mo pa lang sa mukha niya na mukhang problemado nga siya.

"M-mom."Sambit ko sa harap niya dahilan para magbalik ang kaniyang isip sa realidad at mailipat sa akin ang atensyon niya.

"Alwiza, aalis ka na?" Walang emosyong tanong ni Mommy. Napaayos naman ako ng tayo tsaka napatungo.

"Opo." Wala ring emosyong tugon ko tsaka ko siya walang paalam na iniwan sa living room at agad na dumeretso sa kwarto ni Ate.

Oo nga pala, 'yung mga nangyari kahapon. Hindi ko alam kung ano na ang magiging takbo ng buhay ko ngayon matapos mangyari ang bagay na hindi ko inaasahan kahapon.

Bumuntong-hininga muna ako bago kumatok nang makatapat na ako sa pintuan ng kwarto ni Ate.

Alam kong matindi ang galit niya dahil sa mga nangyari kagabi. Alam kong napahiya siya lalong-lalo na sa kaibigan niyang si Ate Zeirrah. Pero gusto ko mang sabihin sa kanila na mali ang nakita nila pero alam kong hindi rin naman nila ako maiintidihan.

Nagsimula na akong kumatok. Alam kong mababa ang tsansang pagbuksan ako ng pinto ni Ate, matapos nga naman ang mga nangyari kagabi ay alam kong hindi niya na ako mapapatawad. Nakailang beses na akong katok ngunit wala pa ring sumasagot. Alam kong naririnig ito ni Ate ngunit pinipilit niya lang magbingi-bingihan dahil sa mga nangyari kahapon.

Napatungo ako dahil sa kawalan ng pag-asa. Plano ko talagang magsorry sa kaniya ngayon ngunit alam ko nang hindi ko na ito magagawa dahil sa pagbabago ng mga sitwasyon.

Wala akong ganang napababa ng hagdan tsaka nagpatuloy sa paglalakad palabas ng Mansion.

Sana nga dumating pa ang oras na magkakayos kami ni Ate. Patawad, sorry.

Matapos ang isang oras na paglalakad mula sa Bahay papunta sa Williams Academy ay wala pa rin akong ganang napapasok sa gate ng napakalaking paaralan.

Kailan kaya ako magkakaroon ng gana sa lahat ng bagay?

Tulad ng dati ay pinagtitinginan pa rin ako ng mga estudyanteng makakasalubong at makakasabay ko sa daan papasok sa room.

Kung alam ko lang talaga na ganu'n ang mangyayari sa gabing iyon, hindi na dapat talaga ako pumayag sa kagustuhan ni Ate. Kung alam ko lang na gano'n ang magiging asal ko, kung alam ko lang kung sino ang mga makakasama ko, kung alam ko lang nando'n rin si Panget, kung alam ko lang talaga na ganu'n ang mangyayari! Ngunit kahit ano mang sabihin ko ngayon ay hindi ko na maibabalik ang lahat! Dahil nangyari na! At 'yon ang masaklap na katotohanan.

"Alwiza." Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng aking classroom at tahimik na nakaupo sa aking upuan.

Napatingin ako sa katabi kong tunatawag sakin ngunit tinapunan ko lang ito ng tingin. Wala talaga akong gana maski sa kaniya.

I Hate You, But I Love You (season 1)Where stories live. Discover now