CHAPTER THREE

84 17 6
                                    


FREDERICK'S POV

As I enter the school. Bumulaga agad sa harapan ko ang mga makikinis at magagandang babae sa balat ng unibersidad. New girlfriend is waving at me. Totoo pala yung sinabi ni Julius, maraming mga chicks dito sa bagong school ko. Si Julius Evan Agoncillo was my former classmate in kindergarten and also my best bud until now. Hindi ko parin tanda kung bakit naging kaibigan ko 'tung si Julius na mukhang timang na babaero.

"Uy bro?" tawag ni Julius sa akin. Kanina ko pa talaga hinihintay 'tung mokong na 'to.

Napatingin ako sa gawi niya at napansin ang dalawang babaeng akbay-akbay niya. Babaero talaga. "Uy bro? Nandito ka na pala." wika ko at nagfist bump kami. "Babaero ka talaga 'noh?" tanong ko at tumawa ng malakas. "Hoy! Mas mabuti nalang maging babaero kesa fuckboi 'noh!" naiiritang sagot naman niya. "Alam mo bro may buntis kanina hinahanap ka. Kilala mo ba?" pang-aasar ko sa kanya. At tumawa naman ng sobrang lakas. Hindi yata niya nagustuhan 'yung sinabi ko. Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Mukhang napikon talaga ang mokong. Seryoso kasi ang mukha nito na nakatingin lang sa akin. "Chill bro, I'm just kidding." wika ko at napakamot sa ulo. Taena biro lang naman 'yun.

Si Julius ang pinaka-seryoso sa barkada namin. Pero pagdating sa mga babae parang mga laruan lang niya ang mga ito. Walang araw na walang kaakbay at kahalikan na babae 'tung si Julius. Ang seryosong playboy na babaero.

Aktong sasapakin na sana ako ni Julius nang pinigilan ito ng iba pa naming mga kaibigan. Dumating na 'din pala ang ibang mokong. "Chill guys, ang aga-aga nag-aaway na naman kayo." sabat ni Clark sa amin. "Oo nga, be mature naman." singit naman ni Terrence na may kaakbay 'ding babae. Hindi ko alam kung Da Gwapings pa ba 'yung pangalan ng grupo namin o Da Babaero's na.

Tahimik lang sina Cody at Rafael habang seryosong nakikinig sa away namin ni Julius. Si Adolf naman puro telepono ang inaatupag. May ka textmate na naman yata 'tung isang 'to.

Kahit nag-aaway kami ni Julius minsan, alam kong magbabati parin kami sa dulo. Alam kong hihingi din siya ng tawad sa akin sa huli. Alam ko rin na hindi niya ako matitiis. Parang kapatid na kasi ang turing namin sa isa't isa since only child lang ako at ulila na rin siya sa magulang nang dahil sa sunog na naganap noon pagkatapos ng graduation namin sa kinder. At isa pa libangan lang namin 'yang pag-aaway na 'yan.

Napatigil kaming lahat at napatingin nang dumating na raw ang star ng university na si Nigeria. Sa totoo po mukha po siyang tao hindi po star. Gago pala ako 'eh. Nakasuot pa ito ng red dress at kumakaway kaway pa. Halos lahat ng mga lalaki sa university ay halos magkadapa-dapa at nagkasugat-sugat na ng dahil lang sa Nigeria na 'yun. Yung iba namang mga lalaki ay naglalaway na parang mga baliw na aso.

Nakatitig parin ang lahat kay Nigeria. Napadaan si Nigeria sa harapan namin at kumindat pa. Mukhang pati si Julius, Clark, Terrence, Cody, at Rafael ay tinamaan yata sa ganda ni Nigeria. Mga babaero nga ang mga mokong. Samantalang si Adolf naman ay walang pakialam, dedma lang. Hindi man lang niya napansin ang ganda ni Nigeria. Tutok na tutok parin kasi ito sa telepono niyang Nokia.

Nahagilap ng dalawa kong mata ang babaeng nasa gilid lang ni Nigeria na may dalang luggage bag. Maganda naman si Nigeria pero kumpara sa babaeng katabi niya ay mas maganda pa ito. That gorgeous girl is so familiar. Nakita ko na ba siya dati? Lalong bumilis ang kabog ng aking dibdib ng papalapit na ng papalapit sa gawi ko ang babaeng kasama ni Nigeria. Ang ganda talaga niya mukhang anghel talaga siya mula sa kalangitan. Ipinadala yata ito ng maykapal para bumihag sa puso ko. Teka nabihag na pala niya ang puso ko. Tinitigan ko lang ito. Mas lalo pa talaga siyang gumaganda. Gusto ko na talaga siyang makausap. Gusto ko na agad mahalikan 'yung pinkish lips niya.

Napamura nalang ako bigla nang mawala ito sa paningin ko. Asan na 'yun? Taena naman oh! Bakit hindi ko namalayan? Where's that gorgeous girl? Fuck. Imagine ko lang ba 'yun? Taena. Sana naman totoo 'yung babae na 'yun. Sana nga forever ko na 'yun.

Napamura na naman ako bigla nang mapansin ko siya na naglalakad sa hallway. Fuck. Ang ganda niya talaga. I'm going to make you mine. Kahit nakatalikod ito, ang ganda niya parin. Hindi ko na inabala ang mga kaibigan ko na nakatitig parin kay Nigeria hanggang ngayon. Mukhang may balak yata silang ligawan na si Nigeria.

Naglakad na ako papunta sa gawi ng babae. Mukhang may kausap yata itong janitor na babae. Hintayin ko nalang muna. Agad akong napalingon sa gilid ko at nakita si Nigeria na nakatingin sa akin. Titig na titig talaga ito sa akin. Gusto niya ba ako? Bigla itong ngumiti at nag flying kiss pa sa akin. Ang iba namang mga lalaki ay nahimatay dahil sa labis na kilig. Eh?

Binaling ko nalang ang tingin ko sa babaeng mukhang anghel. Fuck. Anong pangalan niya? Napansin ko naman na wala na itong kausap. Nakapikit na din ito at parang nanginginig mukhang takot na takot yata. Anong nangyari?

Nagsimula na akong maglakad patungo sa kanya. Nakatayo parin ito habang nakapikit. Pinagmasdan ko lang siya ng ilang segundo. Ang ganda talaga niya.

"Hey?" panimula ko at ngumiti ng malapad. Nakapikit pa rin ito at takot na takot. "Are you okay?"

Napatigil ito at dahang-dahang iminulat ang kanyang mumunting mga mata. Agad akong nagulat nang makita ko ang kanyang blue eyes. Eh? Blue eyes?  Totoo ba ito o contact lens lang?

Manghang-mangha parin ako sa aking nakita. Rare lang kasi 'yung ganyang mata sa Pilipinas. Napatitig rin siya sa mukha ko. Napangiti naman ako. Tapos inilibot niya ang tingin niya sa buong paligid. Mukhang may hinahanap yata. "Are you okay?" tanong ko ulit.

"I'm okay." tipid na sagot niya at bahagyang ngumiti naman. "Kailangan ko na umalis. Late na kasi ako."

Agad naman siyang naglakad palayo.  Hinayaan ko nalang ito. Late na kasi siya. Hindi man lang ako nakapag-goodbye sa kanya. Sayang hindi ko rin nakuha ang pangalan niya. Ano kaya ang pangalan niya? Di bale, alam kong magkikita pa rin kami 'nun balang araw o baka maya-maya lang.

Napabuntong hininga ako. Napatingin naman ako sa ilalim ko at may napansin na may isang ID sa baba. Sa kanya kaya ito? Kinuha ko naman at tinignan. Laking gulat ko na sa kanya pala ito. Beatrice Nevaeh Adeline Sanchez pala ang pangalan niya. Ang taas naman ng pangalan. Pero walang mas tataas sa pagmamahal ko sa kanya. Sobra yata akong natamaan sa mahinhin niyang kamandag. You're actually driving me crazy, Beatrice.

Wag kang mag-alala simula ngayon aalagaan at proprotektahan kita. Hindi ko rin hahayaang masaktan ka. Pangako ko 'yan. I'm willing to do anything just to make you mine, Beatrice. I'm gonna make you fall in love with me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon a Time in a Halloween NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon