Act #4

2.5K 95 5
                                    

"How i wish i can change our past."

Nakatingin lamang ako sa labas habang nakatanaw sa kulay asul na buwan ,habang ang aking biaig ay nakapatong sa bintina at malungkot na tinatanaw ang buwan .

"Hindi ka pa ba tutulog Rylie"

Tumingin ako kay Hamil at muli kong ibinalik ang aking paningin sa buwan.

"Hindi pa ako inaantok sige mauna ka ng matulog kaya ko na naman ang sarili ko"

Masuyo kong saad rito.Pinigilan kong hindi mabasag ang aking boses dahil sa luhang pumapatak sa aking mukha.

Muli akong tumingin sa buwan at isang alala ang bumasag sa aking isipan .

Back when i was a kid,i have a perpect life kahit hindi kami mayaman ay mayaman ako sa pagmamahal mula sa aking mga magulang ,napilitan kaming tumira sa isang liblib na lugar dahil sa kakaibang katangian ko na tanging ang mga magulang ko lmang ang nakaalam kong ano ako at kung sino ako pero hindi ko akalain na sisingilin kami ng panahon dahil sa matagal naming pagtakas sa dapat mangyari .

Gabi ng mga oras na iyon,bilog ang buwan saksi ang buwan sa naging nakaraan ko.Marahaa kong pinunasan ang aking mukha at bahagya rin akong huminga ng malalim upang maibsan ang bigat na nadarama ko.Siguro ito narin ang lugar ko ,sa wakas siguro ay nahanap ko narin ang magiging tirahan ko.All this time am always looking and searching for my place and now nahanap ko na ito sana ay maging masaya na ako .

Sinaraduhan ko narin ang bintana upang hindi na makapasok pa ang malakas na ihip ng hangi at pinatay ko narin ang kandilang naging tanglaw ko sa madilim na silid .Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang patuloy na lumalandas sa aking mukha ang ilang butil ng masaganang luha.

Salot siya!

dapat siyang patayin!

Walang siyang karapatang mabuhay!

Parang awa na ninyo!Bata pa ang anak ko!

Hindi!dapat siyang mamatay!

takbo!

Takbo!

Rylie takbo anak!

"Huwaaaaggggg!!!"

"hhhuuuuuwaaaagggg!"

Agad akong napabangon dahil sa naging panaginip ko at mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko ng bigla na lamang uling maulit ang panaginip at pangyayaring matagal ko ng ibinaon sa limut .

Patawad Papa,Mama Pangako hahanapin ko sila...

Umiiyak na lamang ako sa aking palad.

"Rylie ayos ka lang ba?"

Agad kong pinahid ang mga luhang tumakas sa aking mga mata .

"O-oo naman bakit mo naman na tanong?"

Pinilit kong ayusin ang boses ko upang hindi ni hamil mapansin ang pag iyak ko.

"Umiiyak kaba Rylie?"

"Ako??!Bakit naman ako iiyak,alam mo itulog muna lang ulit yan hamil mukhang nanaginip ka parin yata hahaha"

Idinaan ko na lamang sa biro ang lahat ng sinabi ko sa kanya .

"Alam mo Rylie ,hindi mo kailangan sa aking mag sinungaling dahil lahat tayk ay mahihina pagdating ng oras ngunit sana ang kahinaan mo ay maging sandata mo upang lumakas ka,Sige tulog na uli ako"

Natahimik na lamang ako.

Muli kong inihiga ang aking sarili sa kama at muling ipinikit ang aking mga mata ngunit tila ay sumunod ng aking mga mata dahil sa bawat pagpikit ko ay mukha ng aking mga magulang ang nakikita ko.

The Battlefield (Season 1& 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon