Act#13

1.6K 58 1
                                    

"Since I found you"

Tanghali na ng maisipan naming tumigil muna sa isang matandang puno at matapos noon ay inilapag ko ang aming mga dalang gamit sa lalagyan at mabilis kong kinuha ang mga pagkain nakuha naming dalawa ngunit napatigil na lamang ako sa pagkuha ng mga pagkain sa loib ng aking bag ng makita kong tulala si shan habang nakatingin sa aking bag .

Mabilis ko itong nilapitan .

"Shan?"

"Paanong napunta ito sayo?"

Gulat akong napatingin sa kanya ng ituro nito ang librong nakita ko sa silid aklatan hindi ko na pansin na nadala ko pala ito.

"Nakita ko lang yan sa library wala naman nakasulat kaya nasipan kung dalhin na lang at sulatan,Bakit may problema ba doon shan?"

Inosente kong tanong rito kahita ng totoo ay marami akong nakitang nakasulat sa libro .

"Wala ka talagang makikitang sulat dyan dah----ah eh kumain na nga lang tayo medyo nagugutom na ako"

Alanganin itong tumingin sa akin bago ito tumayo at magtungo s isang sulok kung saan naroon ang lalagyan ng pagkain .Nagtataka na lamang akong tumingin kay shan bago ako muling sumulyap sa librong nakalagay sa aking lalagyan,mabilis kong itinago sa sikretong lalagyan ang librong nakita ni shan at nakangiti na akong lumapit rito.

May alam kaya siya?Sana wala?Ayokong malaman pa niya kung ano at sino ako?

Masakit isipin n ang nakaraan ko ang pweding maging hudyat ng paghihiwalay naming dalawa ayoko na sanang maging umibig pa ngunit sadyang traydor ang puso at hindi mahawang utusan.

"Oh ano pang ginagawa mo dyan?Halika kana at kumain na tayo,sige ka baka maubusan kita?"

Napangiti na lamang ako bilang ganti sa matatamis nitong ngiti parang gamot ang kanyang mga ngiti na nagbibigay sa akin ng sobrang kaligayahan.

"Oo andyan na ako mahal inaayos ko lang ang gamit natin"

Nakangiti kong wika sa kanya bago ako lumapit rito at agad kong kinagatan ang mansanas na inabot nito sa akin .

Sana'y wala ng bukas pa sana tumigil na lamang ang oras sa pag ikot nito pero sino ba ang dinadaya ko kundi ang sarili ko lamang.

Hindi ko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko sa aking pisngi mabilis ko itong pinahid bago pa ito makita ni shan.Matapos naming mananghalian ay agad rin kaming tumulak sa paglalakad masaya ang bawat sandali naming dalawa ngunit sadyang walang permanente para sa aming dalawa .

"Ibigay mo sa amin ang prinsipe kong ayaw mo pang mamatay"

Nakatutuk sa akin ang isang kulay pilak na kutsilyo at mabilis kong itinago si shan sa aking likuran.

"Nahihibang na ba kayo para ibigay ko siya sa inyo ng ganoong ganun na lang!Eh!Mga gago pala kayo!"

Hindi ko mapigilang hindi mainis ,kung wala lang sa harapan ko si shan ay kanina ko pa napatay ang mga hayop na ito.

"Kung hindi mo siya ibibigay sa amin mas mabuting patayin ka na lamang namin!"

Mabilis itong lumapit sa knyang mga tauhan at isang ngisi ng ibinigay nito sa akin na parang sinsabing sumuko na ko dahil hindi ko sila kaya!Pwes managinip sila ng gising dahil bago nila makuha sa akin si shan mamatay muna sila .

The Battlefield (Season 1& 2 )Where stories live. Discover now