Season II: Three

1.3K 47 1
                                    

"Once we fall"

Kahit mugto ang mga mata dahil sa mgadamag kong kakaiyak ay maaga parin akong nagising ,humihikab akong humarap sa salamin at bahagyang inayos ang magulo kong damit .Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas narin ako ng aking silid ,tahimik ang hallway nadinaraanan ko siguadong nauna na sil sa Arena .Napakuyom na lamang ako ng aking kamao dahil samatinding inis ng malala kong muli ang mukha ng lalaking iyon.Kahit man lang ang kanyang pangalan ay hindi ko alam kung sabagay ay mas mabuti narin yun kesa ang makilala ko pa siya .Nang makapasok na ako sa loob ng arena ay bigla na lamang natahimik ang lahat bawat sa kanila ay tila nawalan ng bibig at hangin sa katawan dahil kahit paghinga ay tila pinigilan narin nila ,hindi ko na lamang sila pinansin pa at naupo na lamang ako sa gitnang bahagi at tumingin ako sa entrance .

"Ice elemental Blade!"

Sunod sunod na blade ang pinalabas ko sa aking katawan ng bigla na lamang pumasok sa pintuan ang lalakibg iyon,hindi ko na enexpect pa na maiiwasan niya ang atake pero nagulat na lamang ako ng may isang kulay pulang shield ang lumabas sa kanyang harapan upang salagin ang bawat atake .

"Masyadong mo namang minamadali ang lahat,mahal na prinsipe sige ka baka mauna ka pa sa akin niyan"

Tumingin ito sa akin at hindi ko maiwasang hindi ang manlambot sa kanyang mga titig para akong ice cream na iniwan lamang labas .

"Fuck!"

"Fire,airblade!"

Dalawang elemnto agad ang inilabas kong kapangyarihan at agad ako sa kanyang ngumiti .

"Tapos kana!"

Mabilis kong pinalipad ang bawat atale patungo sa kanyang pwesto kasabay ng pagtalikod ,isang malakas na pagsabog ang nangyari.Napangiti na lamang ako at sinimulan ko ng ihakbang ang mga paa ko.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kong ayos lang ako?"

Mabilis akong humarap upang tumingin rito pero maling galaw pa pala ang nagawa ko dahil halos ilang metro na lamang ang pagitan ng aming mga mukha ,himalang buhay pa ito,dahil ang ginawa kong atake ay hindi lamang basta .Mabilis ko itong itinulak upang magkaroon kami ng distansya at mabilis akong gumawa ng espada at agad kong itinutok sa kanya ngunit isang espada rin ang lumabas sa kanyang kamay dahilan upang salagin nito ng espada ko .

"Kung ako sayo,Ititigil ko na ang paglalarong ito"

Matiim nitong saad bago nito ako tinalikuran.

"Elemental bomb!"

Sampung elemental bomb ang agad kong pinatama sa kanyang likuran at halos manlaki ang aking mga mata ng bigla na lamang bumalik sa akin ang ginawa kong atake .

"Shit!"

Mabilis kong iniwasan ang bawat atakeng paparating sa akin .

"Argh"

Pahiga akong tumilapon sa lupa ng biglang tumama sa aking katawan ang isang bolang atake na ako mismo ang gumawa .Tumingin ako sa kanya habang hawak ang aking tiyan,hirapan akong tumayo mula sa pagkakasadsas ko ,itinukod ko sa lupa ang aking espada upang makakuha ng sapat na lakas upang alalayan ako sa pagtayo.

Nanginginig ako sa galit ng bigla itong humarap at isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa akin .

"Sinabi ko naman sayo ,itigil muna ang paglalaro mo"

Seryoso itong tumingin sa aking mga mata .

"Hindi mo magugustuhan ang magagawa ko sayo"Sunod nitong wika .Bago muli itong tumalikod sa akin.Napapikit na lamang ako at nangingitngit na tumingin dito.

"Hindi pa tayo tapos"

Mabilis kong ipinikit ang aking mga mata ,ramdam ko ang unti unting pag guhit ng aking kapangyarihan sa aking katawan ,unti unting nagkaroon ng iba't ibang uri ng marka ang aking katawan.Kasabay ng muli kong pagmulat ay ang pagsabogng liwanag sa aking katawan at ng suriin ko ang aking sarili ay napangiti na lamang ako ,suot ko ang isang gintong baluti at sa aking kamay ay naroon ang isang espadang naglilingas ng gintong apoy at maging ang aking buhok ay naging purong ginto at sa aking likuran ay naroon ang kulay puting pares ng mga pakpak.

"Ngayon pagbabayaran mo ang ginawa mong pangiinsulto sa pagkatao ko!"

Tanaw ko ang gulat sa kanyang mga mata ngunit ang gulat na iyon ay napalitan ng kakaibang tingin at kasabay ng pagpitik nito sa hangin ay  parang isang segundo akong nawalan ng buhay at sa muling pagmulat ko ay nakatigil na ang lahat,Maging ang paggalaw ng mga dahon ay lahat ay nakatigil.

"Anong ginawa mo?"

Nagtataka kong wika sa kanya ,napaatras na lamang ako ng bigal itong ngumisi sa akin ,at mas lalong nagpatindig sa akin ng balahibo ang bigla na lamang pagkislap ng kanyang mga mata .

"Simple lang ,pinatigil ko muna abg oras para walang makakita sa gagawin natin"

Seryoso itong tumingin sa akin,kasabay ng pagtibgkad ng liwanag ng kanyang mga mata ay ang unti unting pagdilim ng paligid ,napatingala na lamang ako sa kalangitan at laking gulat ko ng bigla na lamang maging pula ang araw katulad ng mapupulang mga mata ng lalaking nasa harapan .Kasabay ng pagbalik ng tingin ko sa kanya ay ang pag atras ko.

Halos wala na itong suot na damit dahil tila natunaw ito ,sa umusok nitong katawan, ang kulay itim nitong mga pakpak ,ang mapupulang mga mata at ang marahang pagdaloy ng kanyang dugo mula sa nasugatang labi dahil sa mga pangil nito.Sa bawat paggalaw nito ay may kakaibang marka ang lumalabas sa kanya isang kulay pulang simbolo na tumitingkad dahil sa liwanag ng pulang araw .

"Anong klaseng nilalang ka?"

Mas lalo akong nakaramdam ng takot ng makita ko abg kakaiba nitong ngiti .Kasabay ng pagkawala nito sa aking harapan ,at halos mapasigaw ako ng bigla na lamang itong sumulpot sa aking harapan ,kaakibat nito ang matamis nitong ngiti at natagpuan ko na lamang ang aking sarili na magkasugpong ang aming mga labi .

"Oras na para itigil ang kahibangang ito"

Kasabay ng huling tinig na aking narinig sa aking isipan ay ang unti unting pagdilim ng aking paligid hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay sa kanyang mga bisig .

"Sa pagsasanib ng dilim at liwanag"

"Isang digmaan ang magaganap sa pagitan  ng bawat lahi"

"Sa pagitan ng buhay at kamatayan"

"Isang kapangyarihan ang uusbong"

"Sa pagitan ng pag ibig at kaaway"

"Isang buhay ang mawawala"

The Battlefield (Season 1& 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon