Chapter 3

1.1K 38 0
                                    

Kinuha ko ang calling card na binigay sa akin ni Jake kanina sa wallet ko. Tinitingnan ko lang iyon at iniisip kung tatawagan ko ba siya ngayon o hindi. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang makausap ngayon.

Bahala na nga.

Dinial ko na ang contact number nakalagay sa calling card ni Jake at mga dalawang ring ay doon pa lang niya sinagot ang tawag.

"Hello. Who's this?"

"Jake, si Trixie ito."

"Oh, Trixie. Napatawag ka. May problema ba?" Hindi ako makasagot sa tanong niya. Nahihiya kasi akong sabihin sa kanya na gusto ko siyang makausap. "Trixie, are you still there?"

"Oo. Sorry, may iniisip lang ako kanina kaya hindi ako nakasagot agad."

"It's okay. Mukhang may problema ka ngayon. Wait me there, pupuntahan kita."

"Hindi mo nga alam kung saan ako nakatira."

"Oo nga pala. Can you give me your address para mapuntahan kita diyan?" Binigay ko na sa kanya address namin para pumunta siya ngayon dito sa bahay. "Okay, wait me there. I'll be there within an hour."

Lumabas na ako sa kwarto ko para bumaba at dito na lang ako sa sala maghihintay kay Jake. Tulog na kasi si Zen ngayon dahil may pasok pa siya bukas at tanging maids and bodyguards na lang ang gising. 24/7 kasi nagbabantay ang mga bodyguards sa labas. Nagpapalit lang sila ng duty.

May tumatawag sa akin at sa tingin ko si Jake na ito. Hindi nga ako nagkamali dahil si Jake na nga ito.

"Nandito na ako sa labas ng bahay niyo."

"Okay, hintayin mo ko. Lalabas lang ako." Binaba ko na ang tawag para lumabas na ng bahay. May nakita akong kotse sa tapat ng bahay namin. Kumatok ako sa bintana at kusang bumaba ang bintana sa side ng passenger's seat.

"Get in." Sabi niya kaya sumakay na ako sa kotse niya.

Nahihiya talaga ako dahil hindi ako sanay na sumakay sa kotse ng ibang lalaki. I mean hindi pa kasi sumasakay sa kotse ng iba maliban sa kotse namin.

"I'm here to listen to your problem."

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ngayon. Kahit gusto ko ng umalis si Zion sa pagiging agent niya dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Ayaw ko kasi may mamatay ulit. Simulang namatay si mama ay lumipat ng tirahan si Zion tapos nabanggit niya rin sa akin na pumasok siya bilang NBI agent."

"Sorry. Gusto sana kitang tulungan kaso wala akong alam kung ano ang dahilan ni Zion kung bakit siya pumasok sa pagiging agent. Ni minsan ay hindi pa niya kinukwento sa amin at handa naman kami maghintay hanggang maging handa siya."

"Ikaw. Ano ang dahilan mo kaya ka pumasok sa pagiging agent?" Tumingin ako kay Jake na ngayo'y tahimik na. Nagiisip siguro ng sasabihin sa akin.

"Actually, wala akong dahilan kung bakit ako pumasok. Maybe I just want to help all victims. Siguro nga kilala ako bilang doctor. Isang doctor na dapat gumagamot ng mga tao, hindi ang pumapatay pero hindi naman inosente ang pinapatay namin." Bigla ako natakot sa huli niyang sinabi. Pinapatay? As in kill? Hindi ko kakayanin kung may napatay na ba si Zion noon. "Kung iniisip mo na may pinatay na noon si Zion ay ito lang sasabihin ko sayo... hindi namin binibigyan ng misyon si Zion dahil siya ang nago-operate ng location ng kalaban para malaman namin kung saan sila matatagpuan. In other word nasa head quarter lang siya."

"Jake." Hinawakan ko ang isa niyang kamay dahilan para lumingon siya sa akin. "Kung ayos lang sayo na bantayan mo si Zion. Nagaalala kasi ako para sa kapatid ko."

"You have nothing to worry, wala mangyayaring masama kay Zion. May tiwala ako sa kaibigan ko at sana ganoon ka rin para sa kapatid mo."

"Natatakot lang ako."

"Walang mangyayaring masama kay Zion." Pinatong ni Jake ang isa niyang kamay sa kamay ko. "Kahit sabihin natin delikado itong trabaho pinasok namin pero hindi naman gusto ng superior namin ang may mamatay isa sa amin."

"Sorry sa lahat nangyari ngayong gabi. Ikaw lang kasi ang pwede kong kausapin."

"It's okay. I understand. Dahil diyan ipapasyal kita para mawala ang problema mo kay Zion."

"Ipapasyal mo ko sa ganitong oras?"

"Magandang mamasyal pag gabi, Trixie." Pinatakbo na niya ang kanyang kotse.

Tahimik lang ang buong biyahe namin pero napapansin kong napapatingin siya sa rear mirror ng kotse niya.

"May problema ba, Jake?"

"Pakiramdam ko kanina pa tayo sinusundan ng kotse nasa likod natin simulang umalis tayo sa inyo." Lumingon ako sa likod dahil may kotse ngang sumusunod sa amin. Natatakot ako pwedeng mangyari.

"Sino ang mga iyan?"

"Hindi ko alam. Sa tingin ko mga kalaban sila." Sabi niya kaya mas lalo ako natakot. "But you have nothing to worry hanggat kasama mo ko ay hindi ko hahayaan na may nangyaring masama sayo."

Kahit nasa panganib na kami ay pakiramdam ko ligtas ako sa piling ni Jake. Hindi niya ako hahayaang mapahamak.

Nang makarating na kami sa may bay ay hindi binibitawan ni Jake ang kamay ko. Kahit ngayong araw ko pa lang siya nakilala at mukhang nahuhulog na ako sa kanya.

"Gusto mo ba ng ice cream?" Tumango ako sa kanya. May naglalako kasi ng ice cream sa malapit kaya pumunta kami doon. "Teka, kumakain ka ba ng ganito?"

"Why? Ano meron sa ice cream na ito?"

"Dirty ice cream kasi ito. I mean street ice cream."

"Hindi pa ako nakakain ng ganitong klase ng ice cream."

"I see. First time mo pa lang kumain ng dirty ice cream. Okay, then. Anong gusto mong flavor?" Tiningnan ko ang mga flavor. May cookies n' cream, mango at strawberry.

"Strawberry na lang akin." Nag-scoop na si manong ng ice cream at inabot na sa akin yung cone.

"Sa inyo, hijo?"

"Ah. Sa kanya lang, manong." Napatingin ako kay Jake dahil hindi siya bumili ng ice cream para sa kanya at binayaran na niya.

"Bakit hindi ka bumili para sayo? Nakakahiya naman."

"Hindi kasi ako mahilig sa matatamis na pagkain."

Nang naubos ko na yung ice cream. Masarap naman din yung ice cream at wala naman pinagkaiba sa ordinaryong ice cream na kinakain ko sa ice cream parlor o sa grocery.

"Wait." Nagulat ako sa ginawa ni Jake. Pinunasan niya ang dumi sa pisngi ko. "Para ka pa lang bata kung kumain ng ice cream."

"Che!" Inirapan ko lang siya. Narinig ko ang pagtawa niya. Pinagtatawanan niya ako kaso ang puso ko ay biglang bumilis.

"But I like it." Ngumiti siya sa akin at paniguradong namumula na ang pisngi ko ngayon. Ngiti pa lang iyon ah.

Para tuloy akong teenager na kinikilig dahil nakasama ko ang crush ko.

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon