Chapter 29

866 25 1
                                    

Pumunta ako agad sa bahay nila Rocco dahil doon niya dinala ang mag-ina ko at agad ko naman nakita si Trixie.

"Jake..." Agad niya akong niyakap.

"Wala ba silang ginawa sayo? Si Jazz?"

"Wala naman sila ginawang masama sa amin. Mabuti na lang dumalaw kanina si Rocco. Hanggang sa may narinig kaming putok ng isang baril." Paiyak iyak pa si Trixie. I know she's scared.

"Shh... Stop crying." Pinahid ko ang luha niya at hinalikan ko siya sa labi hanggang may tumikhim. Tsk. Isturbo.

"Sorry. I don't mean to interupt, pre." Sabi ni Rocco sa amin.

"Rocs, can you tell me the exact what happened? Bakit ang daming armadong lalaki sa ospital ngayon?"

"I don't know. Bumisita lang ako kanina kay Trixie hanggang may narinig na kaming putok ng baril. I talked with Trixie kung kaya ba niya pumunta sa parking lot para doon niya ako hintayin dahil naglakas loob akong pumunta sa nursery room para kunin ang anak niyo."

"Nasaan si Jazz ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa loob kasama ang kambal namin."

"I can't thank you enough, Rocs. Kung wala ka kanina ay baka hindi ako makapag isip ng maayos. Thank you talaga."

"You don't have to, pre." Umiiling niyang sabi. "Alam mo naman handa tayo tumulong sa isa't isa. Pero may dapat kang malaman."

"Ano naman iyon?" Kunot noo kong tanong sa kaibigan.

"Sa tingin ko may kinalaman ito sa pag atake sayo last year. Narinig ko kasi ang isang lalaki na hinahanap ka. Nalaman siguro ng kalaban na buhay ka pa hanggang ngayon at hindi sila titigil hanggat hindi ka nila napapatay."

Tumingin ako na muna ako kay Trixie at kitang kita sa mukha niya ang takot. Binaling ko agad ang tingin kay Rocco.

"Paano nila nalaman nakaligtas ako sa aksidente noon?"

"I have no idea." Kibit balikat na sagot nito. "Sige, maiwan ko na kayong dalawa dito para makapag usap kayo ni Trixie."

Pumasok na si Rocco sa loob ng bahay nila. Tumingin na ulit ako kay Trixie na hindi pa rin mawala ang takot.

"Sorry. Kung dahil sa akin ay napasok ka rin sa gulong ito." Pati ako ay natatakot sa pwedeng mangyari sa mag-ina ko. Mukhang kailangan namin lumayo.

"Natatakot ako sa pwedeng mangyari sayo, Jake. Ayaw kong iwanan mo kami ni Jazz." Yumuko ito sa akin at rinig ko ang hikbi ni Trixie.

"Hinding hindi ko kayo iiwanan ni Jazz." Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi ni Trixie at pinunasan ang luha nito. "Magpapakasal pa tayo at magsasama ng matagal."

At muli kong hinalikan si Trixie sa mga labi niya. Naudlot kanina dahil sa biglang dating si Rocco pero ngayon ay sigurado akong tuloy na tuloy.

Marahan kong kinagat ang ibabang labi niya dahilan para napaungol siya kaya malaya na makapasok sa loob ng bibig niya ang dila ko.

Humiwalay na ako ng pareho kaming kinapos ng hininga.

"Gusto mong lumayo na muna dito?" Tanong ko sa kanya.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa resort niyo. At least doon tahimik at walang iisipin na kahit anong problema."

"Paano ang trabaho mo dito?"

"Kaya kong talikuran ang lahat para makasama lang kayo ni Jazz. Kahit ang pagiging agent ko."

Pumasok na kami ni Trixie sa loob ng bahay nila Rocco at nakita ko si Sarah pababa ng hagdanan.

"Hi, Sarah."

"Hindi ko alam nandito ka pala, Jake. Nandoon sa taas ang anak niyo kasama ang kambal at ang himbing ng tulog."

"Salamat sa pag alaga kay Jazz."

"Wala iyon. Sinabi rin naman sa akin ni Rocco ang nangyari sa ospital kanina. Mabuti na lang nandoon ang asawa ko."

"Oo nga, eh. Sige, puntahan lang namin si Jazz ah." Tumango sa akin si Sarah at hinawakan ko ang kamay ni Trixie bago pumanhik sa taas nila. But don't which room.

"Doon yung kwarto ng kambal nila." Turo ni Trixie. Mabuti alam ng girlfriend ko kung saan.

Nakita kong magkatabi sa isang crib ang kambal habang nasa kabilang crib naman si Jazz. Bale dalawang crib ang meron sila Rocco para sa kambal nila.

"Ang himbing ng tulog ni Jazz." Mahinang sambit ko dahil ayaw ko naman magising ang mga bata.

Nga pala, hindi ko pa nakikita ang panganay na anak nila Rocco at Sarah. Baka may pasok pa ngayon si Daisy.

Kinagabihan ay kinuha na namin si Jazz at mgpaalam na kila Rocco na aalis na kami.

"I know you need to rest pero hindi na ligtas dito sa Manila. Later I will talk with Zion." Sabi ko habang nagmamaneho.

"Ano ang balak mo?"

"Doon na muna kayo ni Jazz sa resort niyo dahil ligtas doon."

"Eh, ikaw?" Saglit kong sinulyapan si Trixie.

"Babalik ako dito dahil may kailangan pa akong tapusin." Hinawakan ko ang isa niyang kamay at pinisil iyon. "Pangako babalik ako sa inyo ng buhay. Hindi naman ako hahayaan ni Zion na mapahamak."

"Basta magiingat ka lagi ah."

"I will. May dahilan pa ako kung bakit kailangan ko pang mabuhay ng matagal. Babalikan at makasama ko kayo ng bahabng buhay."

My life is really boring before I met Trixie. Walang kabuhay buhay ang mga ginagawa ko at halos nakakasawa na rin ang maghanap ng maganda at sexy na babae. Mabuti na lang dumating sa buhay ko si Trixie kaya binigyan niya ng kulay at kahulugan ang buhay ko.

I'm so thankful...

Pagkarating namin sa bahay nila Trixie ay tinulungan ko siyang mag-impake. Nasa kotse ko pa kasi yung mga pinamili namin para kay Jazz. Sa totoo lang nakalimutan ko na nga ang tungkol doon.

Bago ko pinatakbo ang makina ng kotse ko ay sinuot ko na muna ang earpiece bluetooth para tawagan si Zion.

"Kamusta na si ate, Jake?" Bungad ni Zion sa akin. I know he's worried about Trixie.

"She's fine. Kasama ko na sila ngayon at papunta na kami sa Sky Island."

"Ano naman ang gagawin niyo doon?"

"Doon ko na muna iiwanan sina Trixie at Jazz dahil alam kong ligtas sila sa resort niyo. Kung dito pa sila sa Manila ay baka mapahamak din sila dahil may posibilidad na hanapin ng mga humanap sa akin si Trixie at gamitin laban sa akin ang mag-ina ko." Sumulyap ako kay Trixie dahil nakatingin pala siya sa akin. "Para sa kaligtasan ng mag-ina ko ay gagawin ko ang lahat."

"Hindi naman ako tumututol sa kagustuhan mong mangyari, Jake. Ang gusto ko lang naman ay alagaan mo ng maigi ang mag-ina mo."

"Can we talk again pagkagaling ko sa resort niyo? Pupunta ako sa head quarter mamaya."

"Oh, sige. Hihintayin ko ang pagdating mo mamaya." Binaba ko na ang tawag at nag-focus na ako sa pagmamaneho.

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon