2: Getting along

485 36 8
                                    

Maymay's POV 

Naiwan na kami ni Donny sa labas dahil umuna na ang sasakyan nina Tito Gary.


"Hala! Pamangkin ka nina Tito Gary? Ang liit talaga ng mundo noh?" Nagtitingan lang kasi kami kaya sinimulan ko na ang bunganga ko.


"Oo nga eh. I didn't know tho nga kilala mo pala ako."-Donny 


Oo nga noh. Paano rin niya ako kilala? 


*Flashback*

(3rd year highschool)

"BILIS! GO EDWARD! ANG GALING MO PA RIN! WOOO!" Sigaw ko


Naka dunk si Edward. Dapat lang noh. Nakakawalang boses kaya ang pag chicheer. Kahit maging ok narin yung performance niya. Hindi na kasi sila mananalo. Laki ng agwat. Isa pa kami yung visitor dito. Yung home court ang may malaking score. Paano naman hindi eh parang lahat sila ang gagaling. Lalo na yung isa dun na palaging nakaka 3 points. Gusto atang mag mvp. 

Bahala na sila basta ako, kay Edward lang. Pati na rin yung puso ko. Ay ang landi ko. As if naman papatulan niya ako. Dakilang kaibigan lang naman ako eh.

"Wooo! Go! Pangilinan!!" Sigaw ng katabi kong bestfriend 

"Wala namang Pangilinan sa team natin ah." Pagtatakang sabi ko.

"Wala nga. Sa kabilang team ako. Tignan mo oh ate May, ang gwapo tsaka kanina pa yan nakaka 3point shoots. Naka shoot narin siya sa heart ko--- Aray!"-Kisses

Binatukan ko na.

"Aba'y pagbinbintangan ka niyang traydor ha! Di ka na lang muna sumuporta sa team natin tsaka maya ka na magpantasya kay kuya mvp mo." Saway ko sa kanya at tinawanan niya lang ako sabay yumakap at bumulong.

"Samahan mo ako mamaya ah?"-Kisses

"Parang di ko ata nagugustuhan yang ngiti mo." Pero wala na akong ibang choice. Hayy marupok


-------

Nasa labas na kami ng changing room. Hindi ng visitors' changing room pero yung sa home court. Ang kulit kasi ng isang to.


"Sge na ate May!" At ayun nga tinulak na ako nung papalabas na si kuya mvp. 


Wow ang taas niya pala. 

 Nakatalikod lang siya samin kaya.


"Ehem.. Excuse me." Kinalabit ko siya.


 Nakakahiya! Sobra! Bahala na! Di naman niya ako kilala.

Hindi muna siya lumingon kasi parang nagtetext pa siya.


"Teka lang bro." 


Aba'y loko to ah. Sabihan pa naman akong bro. Magsasalita na sana ako pero lumingon na siya. Halatang gulat na gulat.


Tsaka tumawa 😑


Two Lovers Under Godحيث تعيش القصص. اكتشف الآن