3: Oi Classmate

407 32 19
                                    

Maymay's POV

"May asan ka na? Nasa school na ako." Boses ng lalaking mahal ko sa kabilang linya. Teka nga.


"Hala. Ok ka na? Sabi mo kanina may sakit ka kaya di ka makakapunta ng school? Oi wag mong pilitin." Naku Dodong. Ang hirap kasi sa taong ito, sakitin. Ako nga kahit ang payat payat ko di ako nagkakasakit. 


"Oo naman." Tapos inend call na niya. Hindi ko alam pero parang may iba.


"Si Edward?" Hala oo nga pala. Kay Donny pala sasakyan to. Halos makalimutan ko na dahil sa sobrang katahimikan kahit na may radyong naririnig.


"Ay. Oo. Si Dodong." Pabalik sulyap siya sakin at sa kalsada. Ano ba kasi tong traffic. 


"Kayo diba?" Ngumiti ako ng mapait sa naging tanong ni Donny.


"Ah hindi eh." Kumunot ang mukha niya.


"Oh did you guys break up? I'm sorry to hear that." Umuling din ako.


"Hindi kami nag break up. Paano mag brebreak eh hindi naman naging kami." Walang imik si Donny na para bang binibigyan niya ako ng buong oras ng papunta sa school na magsalita.


"Dati pa kami ganito. Sinabi niya sakin na gusto niya ako. Eh alam naman niya na dati ko pa siya mahal. So yun. Walang label. Pero ok lang naman sakin. Di naman na atat akong magka jowa. Mas mabuti nga yung ganito, kasi gusto ko kung sino ang maging una ko, siya yung din magiging huli." 


Pero minsan napapaisip rin ako na dahil sa walang namamagitan samin ni Dodong ay pwede siyang makuha ng iba. Hayy.


"Parehas pala tayo. I've never had a girlfriend in my entire life, so far. At ganun din. My first will be my last. That's what my parents taught me." Nashock ako sa sinabi niya.


"Wee? Di nga?! Wala ka pang naging girlfriend? Mvp ka na nga, ang bait pa, ang gwapo--" napahinto ako dahil sa kahihiyan. Inamin ko lang na sobra siyang attractive. Nakakahiya! 


Nakarinig ako ng tawa niya. Paktay yung mga bulate sa tiyan ko nag sasayaw sayaw nanaman.


"Ikaw rin naman ah. You are so beautiful tapos wala ka rin naging jowa pa." Tinawanan ko lang siya.


"Ewan ko sayo Donny. Ang galing mo rin palang mag joke ah." Bola naman ng lalaking to. Akala naman niya maniniwala ako. Tanggap ko naman dati pa na di ako kagandahan. Hindi nagkulang ng pagsasabi sakin ng mga nang aaway sakin.


Umiling nalang si Donny at nagpatuloy sa pagmamaneho.

------

"Dooong!" Takbo agad ako sa kanya para icheck yung ulo niya.


"Asan yung masakit Dong? Eto ba? Hala parang may sinat ka ata ah. Tara dalhin na kita sa clinic." Ganyan talaga ako kaparanoid. Pano naman hindi eh sakitin tong ugok na ito.

Two Lovers Under GodWhere stories live. Discover now