5: My Heart and my Sol

406 31 11
                                    

Maymay's POV

Pagkatapos naming mag asaran ni Donny ay agad na akong umalis para bumili ng mga pagkain. Para tipid ako sa pamasahe ay naglakad nalang ako papunta sa palengke at bumili ng kung ano anong healthy lutuin. Hindi naman siya masyadong malayo kaya mabilis lang ako nakapunta don at natapos agad sa pamalengke.

Excited na ako. Sobra sobrang miss ko na sila. 


At nung makapunta na ako sa home for the aged, di ko naman napigilang umapaw ang puso ko sa kaligayahan. Dahil siguro di ko natupad ang mga pangako ko sa lolo ko bago siya namatay kaya sa kanila ko nalang ibibigay. Hindi naman ako mayaman pero yung mga naiipon ko sa part time ko, sa kanila na rin ko naibibigay. Wala namang problema sa mama sa ginagawa ko. Minsan nga tumutulong din siya dito.


"Iha. Nandito ka na!" Masayang bati sakin ni Lola Pining. Siya ang pinaka nag aabang sakin kasi ipapares daw niya ako sa kanyang lalaking apo. 


"La! Kamusta na po?" Nagyakapan kami ng ilang segundo.

"Eto. Nag aantay parin kung kailan kayo ikakasal ng apo ko." Kahit alam kong wala naman talagang apo si Lola, sinasabayan ko lang siya sa trip niya baka hindi niya naman ako pansinin gaya ng dati nung sinabi kong wala naman siyang apo.


"Malapit na Lola. Mahal na mahal namin yung isa't isa eh. Sus yon? Patay na patay sakin." Tapos tumawa siya

"Papunta ata siya mamaya dito, sabi niya." Naglakad na kaming dalawa papunta sa loob para maka bonding yung iba pang lola

"Alam ko yun Lola, ako kaya ang una niyang sinabihan. May surpresa daw lang siya, kaya mahuhuli siya sa pagpunta dito."

"Sge. Maghanda na tayo bago pa pumunta si Tonyo." Ngumiti nalang ako.


Pagbukas ko ng pinto, mahihimbing ang tulog ng mga lolo at lola sa sala. Natuwa ako sa nakita ko at di mapigilang mapaluha. namimiss ko na talaga ang lolo ko.


"Maymay, apo, ba't ka umiiyak?" Pinahid ni lola Pining yung mga luha na umaagos sa mga pisngi ko.

"Paanong hindi lola, natutulog sila at ikaw hindi? Kailangan mo rin yan eh. Kumain ka na ba?" Binuksan ko yung ref at inilagay ang mga pinamili ko. 

"Oo naman. Ako lang ang lola na hindi malilimutin. Eh mas malimutin ka pa nga kesa sakin." Natawa ako sa sinabi ni lola. Totoo yun eh. Joker talaga si lola Pining. Sabi ng mga nurse dito, para talaga kaming totoong magkadugo. 


Yinakap ko si lola galing sa likod at inamoy amoy pa siya.


"Hmm lola, ang bango niyo po. Namiss ko kayo." Tapos hinalikan ko pa yung pisngi niya tsaka sa may ulo niya.

"Apo ano ba! Parehas talaga kayo ni Tonyo! Ang kukulit! Sabing may kiliti ako diyan eh." Tinanggal ni lola Pining yung mga kamay kong nakapulupot sa bewang niya.

"Yiee lola ha? Baka agawin niyo sakin si Tonyo." Tapos nagtawanan nalang kami at nagluto na ako ng arroz caldo para sa lahat. 


"May? Gusto mo ng tulong?" Tanong ni ate Bela, isang nurse dito.


"Hindi na po ata. Matatapos na rin po ako eh." Dati nung si ate Bela pa yung nagluluto, marami yung hindi kumakain. Yun yung sabi ni ate Bela kaya nung natikman ng mga lolo at lola ang luto ko at nagustuhan nila, palaging ako na ang pinaluluto ng mga nurse pag pumupunta ako dito. Yun din naman ang gusto ko. Ang mapabuti ang kalagayan nila.

Two Lovers Under GodWhere stories live. Discover now