Chapter 16: Betray

1K 32 2
                                    

This is the scenario before everything happens..

Vivian POV.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pagtiklop sa aklat na aking binabasa. Mula rito sa kinauupuan ko tanaw na tanaw ko ang hardin na kinatatayuan lamang ng dalawang tao kanina.

Natatandaan ko ang magkambal na iyon. Maari kong sabihing mag kamukha sila ngunit mapapansin mo 'rin ang pagkakaiba nila. Pareho sila ng kakayahan ngunit napansin ko kanina na mas bihasang gumamit ng lumuice ang kakambal nitong nag ngangalang Zack.

Isa rin sa napag alaman kong hindi sila mahilig makipag usap sa ibang tao. Sa una palang napag alaman ko na iyon ngunit ang pinaka na pansin ko ang pagkakaroon ng kaunting pasensya ng lalaking iyon. Masyadong short tempered.

Pinagpag ko ang aking uniporme saka napag desisyonan na tumayo at ayusin ang aking gamit. Matagal tagal pa ang aking oras para sa pangatlong schedule kaya nais ko sanang magpahinga muna sa dorm. Alam kong kulang ako sa tulog dahil sa mga nangyari kagabi.

Totoo namang nakakainis si Seleine.

Lumakad ako palabas ng hardin kung saan ko nakita ang kambal kanina. Matapos nila kasing magpakilala agad naman silang nagpaalam. Sinubukan nila akong imbintahan sa isang palabas? Sinabi ng babaeng si Zea na kabilang 'daw ang kanyang kakambal.

Hindi ko alam ang tinutukoy niyang palabas dahil hindi naman nito binanggit kung ano iyon? Habang sinabi niya iyon sa akin kanina masyado siyang nagmamadali. Nais ko mang manonood sa tinutukoy niyang palabas o paligsahan ngunit nangangatok ng tulog ang buong katawan ko.

Nais ko sanang gamitin ang natitirang oras ko para magpahinga. Kung hindi ako makaka pagpahinga nasisiguro kong walang papasok sa kokote ko. Second schedule nga natulugan ko. Third pa kaya?

                          ******

Cyleir POV.

"Are you done checking those files?"

Tanong ko sa isang estudyanteng parte din ng official students. Ang tinutukoy ko ay ang mga papeles na nakapatong sa isang lamesa na naglalaman ng Students profile.

Gaya ng inaasahan ko pagkatapos ng misyon ko siguradong tambak na naman ang mga papeles na aayusin ko. Tapos ang dami ko pang kaylangan habulin sa bawat schedule ko. Buti nalang at maraming myembro ang official kaya may nagmamagandang loob na tumulong sa akin.

Hindi ako namimilit sa isang tao pero kung siya ang kusang lumapit? Why not? Diba? Bakit mo tatanggihan kung tutulong rin naman. Tahimik ang buong silid ng opisina. Tanging ingay lamang ng mga kagamitang kinakailangan.

"Cyleir have you seen my wallet?"

Tanong ni Seleine habang naghahalungkat ng gamit. Siguro hinahanap niya ang kaniyang wallet. Umiling na lamang ako sa kanya at nagpatuloy sa pag aayos ng papeles. Kitang kita ko sa aking​ peripheral vision ang pag irap niya sa akin. Ano naman kaya ang problem 'nun? Sa tingin niya papakialaman ko ang pitaka niyang naglalaman ng larawan.

Buti kung simpleng larawan lang pero kung mga larawan lamang ni Frost na nakabusangot ang itsyura. Over my dead body! Huwag nalang!
Titignan ko palang ang itsyura ni Frost siguradong maninigas na ako sa malamig niyang awra.

Aaminin kong gwapo ang lalaking iyon pero wala akong nararamdaman sa kanya ni isang kuting.

Kung ang tahimik kanina na silid ngayon puno ng halakhak. Noise Pollution! Kanino pa ba ang boses na iyon? Syempre sa lalaking timang. Tawa lang ito ng tawa habang nag kukwento sa lalaking walang imik. Sandali nakikinig ba 'yang kinakausap niya?

Clark Academy school Of Magic ( COMPLETED )Where stories live. Discover now