Chapter 35: Downfall

875 29 2
                                    

Vivian POV.

My body was so much in pain. Hindi ko rin kaya pang imulat ang aking mata dahil sa tingin ko'y kung gagalaw ako lahat ng parte ng katawan ko ay maaring maapektuhan.

Feeling ko ilang beses akong binagsakan ng langit at lupa. I'm groaning in so much pain! Para akong binugbog ng sobra sobra. Nakakarinig ako ng ingay.

"Sa ngayon siguraduhin mong hindi ka papalpak!"

When I slowly open my eyes. Agad kong sinuri ang kinaroroonan ko. I'm in the place where black magic are everywhere. Mga usok na naka palibot sa lugar. What the fucking fuck is this?

"Gising na pala ang munting prinsesa.."

Saad ng lalaking hindi ko masikmura. Lumapit ito sa akin ng malapit saka hinaplos ang bawat sulok ng aking mukha. Ilang beses akong umiwas dahil hindi ko matanggap na nahaplos ako ng isang demonyo. Ngayon ko lang napansin hindi ko maigalaw ang aking mga kamay.

"Bakit ayaw mong maki isa sa aming hukbo Crystalice?"

Tinatanong niya ba ako sa bagay na iyan? Is he fucking insane? Bakit naman ako makikiisa sa mga tulad nila. I'm not like them!

"Bakit? Para pahirapan mo rin ako tulad ng ginawa mo kay Chloe? I'm not stupid like her.."

I said sarcastically, Tumingin ako kay Chloe and I clearly witness the pain. Ngayon pa ba niya mararamdaman ang sakit kung ilang beses na siyang pinahirapan at sinaktan?

"Iba ka sa kaniya Crystalice.."

"And what made me different?"

Mabilis kong sagot habang ako ay namimilipit sa sakit. Puro pasa at duguan ang katawan ko. I don't know kung saan ito nanggaling pero nakakasiguro akong galing ito sa mga demonyong kaharap ko.

"Higit na malakas ka kumpara sa kaniya."

I smirked before I nodded cause I'm teasing him. Nakakatuwang kasagutan. Kung sakaling hindi ako ang babaeng itinakda pahihirapan niya siguro ako. Of course I'll not let it happen. Mas nanaisin ko na sigurong mamatay kaysa sa pahirapan.

"Pity on you.."

Sabi ko ng walang pag aalinlangan. Mag sasalita pa sana ako pero malakas na sampal ang naramdaman ko. Chloe slapped me so freaking hard! How dare her!

"We are born to be powerful, Pinanganak tayong mas higit na magiging malakas kumpara sa mga diyos. We are gods!"

Naiiritang banggit ng lalaking demonyo. How dare him compare himself to a gods! Isa lamang siyang normal na nilalang kung tutuusin. Pity on me? Know what? I'm freaking tasting my own blood!

"We are not gods, we born, we live and we die in the end just like humans do. Gods never die and apparently you're not one of them. Bakit? Dahil ako ang papatay sayo."

Natatawa kong saad, I almost choked my whole fucking blood dahil sa lakas ng sipa sa aking sikmura! Pagalit kong tinapunan ng tingin ang demonyo.

"Patayin ba kamo? Mukhang mauuna kapa yatang mamatay."

Sarkastikong sabi nito. Iyon ba ang akala niya? Siguro kung sakaling mauuna ako hindi ko hahayaan na mamatay nalang na hindi siya nasasaktan.

Clark Academy school Of Magic ( COMPLETED )Where stories live. Discover now