Chapter IX

3.6K 93 0
                                    

" Helena mahal ko! " sambit ni Gerard at agad itong yumakap kay Helena.

gulat na gulat parin si Lyn sa nangyari.

lumapit si gerard kay aling lucia at nagpasalamat.

" Aling Lucia maraming maraming salamat po "

" naging matagumpay ang pag buhay ko kay Helena, pero binabalaan kita hindi na sya magiging tulad ng dati Gerard "

" basta ang mahalaga po ay kasama ko na sya ulit ngayon, maraming salamat Aling Lucia tanggapin nyu po ito. "

at inabot ni Gerard ang bayad sa matanda at umalis din sila kaagad at bumalik ng cavite.

" Helena ito ang bahay natin "

tumango lang ito, naglakad at nag titingin tingin sa bahay

" rard anung plano mo hindi mo ba sya isasa uli sa parents nya ngayon buhay na uli sya ? " tanong ni Lyn

" hindi, dito na muna kami ni Helena "

" ha ? sa tingin ko rard ibalik mo muna sya sa manila baka nag aalala na ang parents nya!"

" mas makaka buti kung dito muna kami "

" besfren?! "

" ahmm Lyn, sinabi ko na diba dito muna kami? siguro umuwi ka muna Lyn gusto ko muna makasama si Helena ngayon "

" ahh ganon ba sorry, sige.. dun muna ko uuwi sa Laguna, kung kailangan mo ko tawag ka lang "

" ok ok, salamat ulet "

" sige bye besfren " paalam ni Lyn

" ok ingat "

umuwi na si Lyn medyo malungkot pero naka ngiti parin itong nag paalam.

pinuntahan agad ni Gerard si Helena at niyakap ng mahigpit, napakalamig nito.

" Helena na miss kita ng sobra mahal na mahal kita wag mo na kong iiwan ulit "

hindi ito kumibo at tila nag mamasid parin ang paningin nito sa bahay na parang di nakikita si gerard.

bumitaw ito sa pag kakayakap at nag lakad lakad muli

" Helena!! "

patuloy padin ang pag ikot ikot nito sa bahay

at sinundan parin ito ni gerard at niyakap muli ng mahigpit. mas hinigpitan nya ang pagkaka-yakap ngayon.

" Helena mahal ko miss na miss kita ako ba hindi mo namimiss, mahal ko di na muli kita hahayaan mawala iingatan na kita pangako. "

d parin ito kumikibo, at naka focus lang ito sa mga bagay na nakikita nya sa bahay at walang paki alam sa sinasabi sa kanya ni gerard at pilit na inaalis ang pagkakayakap sa kanya.

" Mahal koooooo!!!! "

at tinulak sya ni Helena na halos tumalsik na sya at mapilayan sa lakas ng pagkaka tulak sakanya.

HELENAWhere stories live. Discover now