Chapter XII

3.7K 97 7
                                    

laking gulat ni Lyn at Gerard kung sino ang bumisita sa kanila.

" Lindsay! anung ginagawa mo dito! " sigaw ni Gerard

" gusto ko lang sabihin sayo na wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Helena! "

" napaka bait ni Helena at wala ng ibang makaka gawa sa kanya noon kundi ikaw lang ! "

" kahit papaano naging mag kaibigan kami ni Helena kaya hindi ko magagawa yun! "

" kaya pala sa tagal mong di nag pakita samin, sa party pa namin mo napili mag pakita samin, para ano? para sirain kami? well congrats nanalo ka! "

" no Gerard! sige na aaminin ko na! pumunta ako sa party nyo para gumanti sa ginawa nyo sakin, sinabi ko kay Helena ang pag tataksil natin, pero hindi ako mamamatay tao "

" ano??? sinabi mo kay Helena? hayop ka! kaya pala ayaw nya na kong pakasalan! alam mong pinag sisihan ko na ang pag tataksil ko na yon at matagal na tayong tapos! "

" im sorry "

" wala na magagawa yang sorry mo, at pinatay mo pa sya! "

" Gerard.. I swear hinde! "

dahil sa ingay ng sigawan nila ay lumabas ng Kwarto si Helena.

" Helena????? " gulat na gulat na sambit ni Lyn

" Lindsay anu ginagawa mo dito? "

" pa-p-patay ka na di-ba??? " gulat na tanong ni Lindsay

at nag tatakbo na palabas si Lindsay at Girlie.

" mahal kamusta ka ? " bati ni gerard kay Helena

" okay naman mahal, anu ginagawa ni Lindsay dito? "

" wala bumisita lang sila ni Girlie "

" ahhhh,,, mahal tignan mo ang pangit ko na "

" Helena kahit anong mangyari ikaw parin ang pinakamagandang babae sa buhay ko "

" i love you rard! "

" maiba ako mahal.. yung gabi na may pumatay sayo, naalala mo ba kung sino sya at kung paano nangyari?"

natagalan ang pag sagot ni Helena at nag isip

" mahal di ko masyado maalala eh, parang malabo pero ang nakita ko nung gabing yun ay nakaitim...

naka hood ng itim may takip ang bibig at may hawak na kutsilyo and then wala na "

" babae o lalaki? "

" parang babae mahal kasi sa hugis ng katawan nya "

" posible nga na si Lindsay ang pumatay sayo! "

" patawarin mo na sya mahal, ok naman na tayo eh.. " at ngumiti si Helena

" hinde, mag babayad sya sa ginawa nya sayo mahal "

at tuluyan nanaman nawala sa sarili si Helena at nag lakad lakad nanaman.

-

habang nag iisip isip ay lumabas muna si Gerard sa terrace at nag pahangin.

" besfren! "

" bakit Lyn? "

" kumain ka na ? "

" wala akong gana Lyn eh "

" ganun ba besfren "

" nasan na si Girlie at Lindsay "

" nandun sa labas, natatakot pumasok.. naikwento ko na sa kanila ang nangyari "

" si Lindsay dapat mag bayad sya sa ginawa nya kay Helena "

" besfren hayaan mo na, karma na ang bahala sa kanya "

" di ko na yata mahihintay ang karma Lyn, sa tuwing nakikita ko sya naalala ko lahat ng ginawa nya "

" tama na rard! ok? hindi na makakatulong yan pag hihiganti na yan sa sitwasyon "

" okay "

at yumakap si Lyn sa kanya.

" i love you " sambit ni Gerard

nagulat si Lyn sa kanyang narinig at natigilan. bahagyang namula ang pisngi nito

" i-i love-you...too rard "

" the best ka talaga besfren kaya love na love kita, palagi ka nasa tabi ko " at pinisil ni gerard ang kanan pisngi ni Lyn

" ah eh oo naman ikaw pa! malakas ka sakin! besfren tayo eh "

" besfren forever haha "

at bumitaw na sila sa pagkaka yakap.

" di ka pa ba matutulog rard? antok na ko! "

" di pa eh mauna ka na kaya Lyn "

" sige besfren goodnight, kaw din mag pahinga ka na maya maya "

" okay sweetdreams besfren! "

pinili muna ni Gerard na manatili at magpahangin sa terrace upang makapag isip isip.

mula sa likuran nya ay may yumakap sa kanya.

" Helena " sambit ni Gerard at agad na nilingon ito

" hi rard "

" Lindsayyy???? anu nanaman problema mo? "

" alam na namin ni Girlie ang ginawa nyu kay Helena "

" nasaan si Girlie? "

" nasa kwarto tulog na yata "

" okay, matulog ka na rin "

" ikaw ayaw mo pang natulog rard?, gusto mo bang tumabi sakin? "

sambit ni Lindsay na tila ng aakit pa.

" Lindsay! tumigil ka! umalis ka na sa harapan ko bago pa mag dilim ang paningin ko baka masaktan pa kita "

" anu ba problema mo rard? i told you hindi nga ako ang pumatay kay Helena! "

" ikaw lang makaka gawa nun Lindsay! "

" basta wala akong ginawa, pwede ba rard mag move on ka na! wag mong sabihin inlove ka parin sa zombie! "

" anong sinabi mo Lindsay? "

" ZOMBIE! "

*plap

sinampal ni gerard si Lindsay.

Kinaumagahan****

habang nag lalakad si Girlie ay sisilip sana ito sa terrace ng biglang

" AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!! "

sa lakas ng sigaw ni Girlie ay tumakbo si Lyn upang tingnan kung ano ang nakita nito.

" ate Lindsay " sambit ni Girlie habang umiiyak

" what???? anung nangyari dito? " sigaw ni Lyn

nakita ang katawan ni Lindsay na puno ng saksak at naliligo sa sariling dugo.

HELENAUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum