Chapter XV

3.4K 98 5
                                    

sa kusina habang umiinom ng kape si Lyn

" hi Lyn good morning sa aking beautiful besfren!! "

" good morning rard, san si Helena? "

" nasa kwarto nag papahinga pa "

" ang energetic mo yata ngayon ah? "

" masaya lang ako, kasi alam mo hindi na masyadong sinusumpong si Helena ng pagka tulala nya ngayon parang bumabalik na sa normal lahat "

" normal ba yun eh na aagnas na ? "

at biglang nag laho ang mga ngiti sa mukha ni Gerard dahil sa sinabi ni Lyn.

" rard sorry sorry di ko sinasadya "

" okay lang "

at lumabas na ng bahay si Gerard para mag pahangin na lang

" anu ba to sinira ko yata ang umaga ng besfren ko nagu-guilty tuloy ako " sambit ni Lyn ngunit sa isip lang

mula sa taas ay bumaba na rin si Girlie.

" good morning ate Lyn "

" good morning Girlie "

" ate Lyn pwede mo ba kong samahan sa resto , di ko pa kasi kabisado lugar dito "

" sure, kailan ba ? "

" Thanks! sayang naman kasi yung ganda naten diba kung mag kukulong tayo dito sa bahay na to with the living dead "

" shhhh Girlie baka marinig ka ng kuya mo "

" okay fine! so see yah tonight "

" okay "

-

kinagabihan ay nag ayos na si Lyn at Girlie para sa kanilang lakad, paalis na sila.

" rard samahan ko muna si Girlie "

" ok sige ingat kayo " paalam ni rard habang hinatid nya sa gate ang dalawa

" kuya bye! " sigaw ni Girlie na pasakay na sa kotse

" bye ingat " paalam ni gerard

umandar na ang kotse pumasok na muli ng bahay si rard at isinara na ang pintuan

dumeretso agad sya sa kwarto upang tingnan si Helena, ngunit wala ito dito.

hinanap nya ito sa buong bahay ngunit hindi nya ito natagpuan

" nako saan na kaya nag punta yun si Helena "

lumabas sya upang mag hanap at natagpuan nya si Helena dito.

" Helena!!! mahal anu yang ginagawa mo sa sarili mo! "

nakita nya sa garden si Helena na nakaupo habang ipinapahid sa buong katawan nya ang lupa na tila inililibing na sa hukay ang kanyang sarili

" helena!! "

" rard antok na antok na ako..pagod na pagod na ko, pag pahingahin mo na ko, ilibing mo na ako! "

" no! helena. matapos lahat ng sakripisyo ko para makasama ka, ganun ganun na lang? susuko ka na lang??? "

" rard mahal pagod na ako "

naaagnas na ang kalahati ng katawan ni Helena, halos hindi na makilala ang kalahati ng mukha nito

" tumayo ka dyan Helena pumasok na tayo sa bahay! "

" pagod na pagod na ko rard gusto ko ng mag pahinga!! "

" ayaw mo talagang tumayo dyan ha!! "

pilit nyang binubuhat si Helena sa pagkaka upo nito ngunit ayaw talaga nitong tumayo, at ipinag patuloy parin nito ang pag papahid ng lupa sa kanyang katawan.

" tumayo ka sabi dyan Helena!!!! "

hindi na ito sumagot at pinag patuloy parin ang ginagawang pag papahid ng lupa sa katawan

" ayaw mo talagang tumayo dyan ??????? "

sa inis ni Gerard ay hinatak na nito si Helena sa braso at pilit pinapatayo sa pag kakaupo, at laking gulat ni Gerard sa nangyari.

naputol ang kaliwang braso ni Helena sa lakas ng pag kakahatak nya, napasigaw ito ng malakas

" SORRY MAHAL, SORRY HELENA!!!! "

napaupo na din si rard at niyakap nito si Helena at nag iiyak na ng tuluyan

" rard anung ginawa mo sa kamay ko? "

" sorry mahal, sorry sorry! di ko sinasadya.. tumayo ka na kasi dyan helena hindi ko kaya kung mawawala ka mahal nag mamakaawa ako sayo "

" im sorry rard pero pagod... na pagod....na pagod.... na pagod na ako, palayain mo na ako mahal "

" pero mahal hindi ko kaya "

" rard sorry, sana makahanap ka na ng babae na mag aalaga at mag mamahal sayo katulad ng ginawa ko , babae na mamahalin mo tulad ng pag mamahal na binigay mo sa akin "

" wala akong ibang mamahalin, ikaw lang ang mahal ko, nasayo lang ang puso ko helena "

" rard nag papasalamat ako sa lahat ng pag mamahal na ibinigay mo sa akin, pero sa tingin ko hanggang dito na lang tayo.. mahal na mahal kita rard "

" mahal na mahal din kita Helena pero- "

" rard pinilit kong mamuhay ng normal, pero talagang nahihirapan na ako, hindi ako napagod sa pag mamahal sayo at hinding hindi ako mapapagod na mahalin ka.. pero napapagod na ang katawang lupa ko gusto na nitong mamahinga "

patuloy ang pag iyak ng dalawa

" helena wag mung gawin sakin ito "

" magiging masaya ka ba rard kung makikita mo kong ganito.. na nahihirapan na at napapagod, palayain mo na ako mahal "

" Helena alam mong ayaw kitang nahihirapan dahil mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko "

tumayo na silang dalawa, at nag sayaw para sa kanilang Last dance

" mahal na mahal din kita rard "

" pinapalaya na kita mahal ko..Helena " at hinalikan nito si Helena sa kanyang labi

matapos banggitin ang tila magic words

ay unti unti ng lumulubog sa lupa si Helena

( Back ground music : ANG HULING EL BIMBO by Eraser heads )

HELENAWhere stories live. Discover now