Webcam

2.1K 27 59
                                    

My name is Myra. This story happened year 2011.

At first hindi ako naniniwala sa ghost/spirits pero mahilig ako magbasa ng nakakatakot na libro at makinig sa mga kwento kwento or kahit manood ng Horror movie hilig ko din.

Nagtatrabaho ako sa isang Korean Company sa Eastwood Libis, nasa 19 floor ang office ko noon, dalawa ang schedule namin ang una ay 5am-2pm at 2pm-11pm.

Pang umaga ako nun pero dala ng kahirapan nag part time din ako sa gabi. Ang simula ng trabaho ko 5am to 2pm and 5pm-11pm meron akong 3 oras na pahinga kaya hindi naman ganun kahirap para sakin.

Meron kaming sleeping quarters natutulog ako dun.. maraming guard sa opisina namin ang nagsasabi na meron daw white lady at pugot na ulo dun. Minsan naman daw nakikita nila sa pantry. Sabi din ng officemate ko meron sila nararamdaman sa sleeping quarters at CR. Tulad ng sinabi ko hindi ako naniniwala.

Ang trabaho ko ay nagtuturo ng English sa Koreans online using headphone and webcam. Isang araw bandang 10pm kausap ko ang student ko sa webcam naramdam ko parang meron dumadaan sa likod ko na mabilis hindi ko alam kung anino ng officemate ko lang yun, hindi ko na lang pinansin.

Pagkalipas ng ilan minuto yung katabi ko sinisipa niya yung wall na naghaharang sa station namin, habang nagklase ako pinatay ko muna ang webcam ko at tumayo ako para silipin ang katabi ko kung bakit sipa-ng sipa sa dingding ko plywood lang kasi yun kaya malakas ang pagkakasipa niya.

Pagkasilip ko sa kanya tinuro niya ang webcam niya nakita ko sa webcam sa likod niya merong naka puting barong at pantalon na itim na walang ulo.

Halos himatayin ako, hindi ko na natapos ang klase ko binaba ko na ang headphone at tumakbo kami sa labas ng opisina, tinanong kami ng guard kung bakit kahit na humihingal pa kami ng kaopisina ko kinuwento namin ang nakita namin, siguro daw hinahanap ng lalaking multo ang ulo niya na nakikita madalas ng guardya sa pantry namin nakapatong ang ulong pugot sa lamesa.

Mula noon hindi na ako nag part time sa gabi, hindi ko na rin nalaman kung bakit meron ulong pugot sa opisina namin, pero hanggang ngayon meron pa rin nagpaparamdam.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Pasensya na, parang nagkkwento lang Hahaha.

Horror StoriesWhere stories live. Discover now