Sumpa

1.9K 18 36
                                    

Meron akong Third Eye, nakakakita ako ng mga multo palagi, para sa akin isang sumpa ito na kelan man ay hindi na maaalis.

Nagsimula ang lahat nung 6 na taong gulang ako, umuulan noon nung sinundo ako sa school ng tito Baldo ko. Nadisgrasya ang taxi na sinasakyan namin, sumabog yung tires ng taxi sa high way at bumangga kami sa isang poste.

Di ko na maalala noon kung ano ang next na nangyari basta nagising na lamang ako sa ospital na may neck brace ako at bandage sa ulo dahil sa fracture. Tulog si mama sa tabi ko, si tito Baldo naman ay nakaupo sa kabilang side ngumingiti sa akin. Tumutulo pa rin ang dugo sa ulo ni tito at tila lumalabas ang brains nya, umiyak ako kasi naalala ko ang nangyari sa amin. Nagising si mama at niyakap nya ako at umiiyak na rin. Nakatulog uli ako noon.

Sumunod na araw pag gising ko hinanap ko si tito, paiyak lang na sinabi ng nanay na wala na si tito, dead on arrival na daw nung dinala kami sa ospital. Ayokong maniwala kay mama dahil nakita. ko pa si tito na nagbabantay sa akin nung una akong nagising pero iyak lang ang sagot ng nanay ko.

Nung gabi ring yun habang kumakain kami ay nagpakita uli ang tito ko, tinuro ko sya kay mama at pero hindi sya makita ni mama, niyakap nya lang ako.

Hindi ako natatakot pag si tito ang nakita ko kahit alam kung nagmumulto sya. Yun nga lang takot na takot naman ako pag ibang multo na ang nakita ko.

Ito ang ibang karanasan ko. Nung grade 6 ako naglalangoy kami sa beach ng mga pinsan ko, nagyayabangan kaming pumunta sa mga malalim na parte ng beach. Nasa parteng malalim na kami ng pinakamatanda kong pinsan at hinihintay naming sumunod yung iba pa naming pinsan ng bigla akong may naapakang buhok ng tao sa ilalim. Pagtingin ko ay nakita kong may bata palang babae sa ilalim at nakatinginsa akin na lumalabas ang hangin sa bunganga nya. Puti lang ang mga mata nya walang eyeballs! Umahon sya pataas mismo sa harap ko at inextend nya pa yung dalawa niyang kamay sa akin na parang gusto niyang humawak sa akin. Nataranta ako sa takot ang at sumisigaw ako habang nagpapanic pabalik sa shore. Later nalaman kong may nalunod na batang babae doon.

Nung JS prom namin ng HS, kumuha kami ng mga classmates ko ng kwarto sa same hotel kung saan kami nag prom. Pagod na pagod na kami noon sa kaka disco after ng prom at five kami na lalake sa 2-bed de luxe room. Dalawa lang kaming magkatabi ni Jerry sa isang kama at ung tatlo sa kabilang bed. Pinatay na namin ang ilaw at natulog na, then after 15 minutes nangamoy bulaklak ang paligid at may narinig kaming babaeng umiiyak sa bed namin. Na-bad trip si Jerry at nagalit sa akin kasi akala niya nantritrip ako. Sabi ko hindi ako yun at inutos kong i-on ang ilaw. Pagsindi ng ilaw ay meron palang babae sa mismong gitna namin ni Jerry at nakahawak ang dalawang kamay nya sa leeg niya at covered ng buhok ang mukha niya. Binaba ng babae ang mga kamay nya at dumaloy ang dugo sa leeg nya na parang gripo. Kinilabutan kami at tumakbo sa labas ng room sa takot.

Nung 3rd year college naman, after ng class ko ay nag canvas ako ng mga boarding house para magbedspace. Around 6pm yung time nung chenick ko ung bahay na malapit sa school ko. Pagpasok ko sa room naramdaman ko agad na may nakatirang multo dun but deadma lang ako kasi ayaw kong maoffend yung landlady. Maganda ang room at may sariling CR sa loob, pumasok ako sa CR para tingnan kung malinis pero madilim kaya ini-on ko yung switch.

Akalain mo ba naman pag sindi ng ilaw ay nakita mong may babaeng naka night gown na itim na nakasandal sa wall ng CR beside ng light switch at kaharap mo mismo as in face to face nakatutok ang mga mata sayo?

Horror StoriesWhere stories live. Discover now