Apartment

1.6K 15 16
                                    


Noong nag aaral pa ako sa kolehiyo, tumira ako sa isang flat sa Dimasalang kasama ang tito ko, ang pamilya niya, at mangilan ngilang boarders.

Meron itong tatlong kwarto, isang sala, isang kusina, isang banyo at terrace. Magkakaharap lang ang mga kwarto at sa pinaka gitna noon ay ang sala. Ang kusina naman at ang banyo ay nasa bandang dulo kasunod ng sala.

May kalumaan na ang flat na iyon, sa katunayan walang nakatira sa first floor at walang ilaw ang hagdanan paakyat sa 3rd floor kung saan kami nakatira. Madalas walang tao sa bahay lalo't umaga dahil may mga trabaho lahat ng nakatira doon.

Dahil nasa kolehiyo ako, madalas half of the day wala akong pasok. Unang kakaibang pangyayari sa bahay na iyon ay palaging nasisira ang lock ng pinto ng kwarto kung saan kami natutulog ng tito ko at ng family niya. Madalas pa naman nasa loob ako ng kwarto kapag nangyayari yun.

Ilang beses na napalitan pero ilang beses pa ding nasisira sa di malamang dahilan at di ako makalabas kung hindi sisirain ang mismong door knob ng pinto. Minsang umuwi ako galing school bandang ala una ng hapon, dumiretso ako sa kusina upang kumain. Nadinig kong may naglalakad sa loob ng kwarto ng isa sa mga boarders namin, sa pag aakala kong nandun pa si ate rhea dahil pang hapon ang trabaho niya, tinawag ko at niyayang kumain. Wala akong nadinig na sagot kung hindi ang paroot parito na paglalakad, sumilip ako sa ilalim ng pintuan at nakita ko nga ang anino ng isang tao. Sa pag aakala kong nagmamadali lang marahil dahil baka malate na sa trabaho kaya di na ako pinansin, binalewala ko na lang ang hindi nya sa pagsagot sa alok ko. Nag stay na lang ako sa sala at nanoood ng TV. Maya maya pa ay bumukas ang pinto at laking gulat ko ng pumasok si kuya sonny (asawa ni ate rhea) kasunod si ate rhea. Napaisip ako kung sino ung nasilip kong anino na naglalakad sa kwarto nila. Hindi na lang ako nagkwento para hindi pagsimulan ng katatakutan sa bahay na iyon.

Makalipas ang ilang Linggo, nagparamdam na naman ang kasama namin sa bahay. Naiwan kami ng pinsan kong bata sa bahay, nanonood kami ng TV habang kumakain, sa sulok ng mata ko may nakikita akong nakasilip na itim na anino galing sa kwarto namin, bigla kong nilingon at nakita ko nga ang anino, bigla din itong nawala na parang kisap mata lang. Napatingin ako sa pinsan ko na nakatingin din sa sulok kung saan ko nakita ang anino, naitanong ko na lang kung nakita din ba nya, tango lang ang naisagot ng pinsan kong bata. Sinabi ko na lang na wala iyon, nood na lang tayo, para hindi kami magkatakutan at tumakbo pababa ng flat. Ilang buwan ang lumipas, umuwi ako galing sa school at naabutan ko ang isa pa naming boarders si ate aimee na tulala at nakaupo sa sala. Tinanong ko siya anong nangyari, napaiyak siya habang nagkekwento. Pumunta lang daw siya sa kusina dahil may kukunin siya sa ref, pagtalikod daw niya nakita niya ang isang white lady papunta sa direksyon niya hanggang sa unti unti daw maglaho. Upang makalma si ate aimee, biniro ko na lang kung san ba niya nakita at ginaya ko kunwari ang white lady.

Nung gabi na iyon, nagpasama siya sa akin matulog sa kwarto niya dahil pumunta sa baguio ang asawa nya at natatakot syang mag isa. Naglalaro kami ng sungka ng makarinig kami ng parang may nagbabasa ng dyaryo sa sala na imposible dahil tulog na lahat ng tao ng mga oras na iyon, at dahil maliit lang ang flat, madidinig namin at makikita ang sinag ng ilaw kung may magbukas man ng ilaw sa sala. Tumigil kami sa paglalaro at pinakinggan naming mabuti, maya maya pa ay may narinig na kaming malakas na paghinga na parang nagagalit. Akmang bubuksan ko ang pinto upang lumabas sa sala ng biglang may narinig kaming bumagsak sa lamesa na isang mabigat na bagay. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binuksan ko na ang pinto, patay ang ilaw at walang katao tao sa sala. Napatakbo na lang kami pabalik ng kama at nagtalukbong ng kumot.

Kinabukasan sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ako makakain at hinang hina ako. Bandang hapon nagsalita ako ng pasensya na sorry na talaga hindi na kita gagayahin na para bang nakikipag usap ako sa white lady sa bahay na iyon. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang gumaan ang pakiramdam na para bang nagdahilan lang ako. Lumipas pa ang ilang buwan at wala naman kami naramdaman sa bahay na iyon. Hanggang sa puntong namatay ang tito ko sa cancer. Dahil nagluluksa ang tita ko, minabuti nya na makasama ang mga anak niya sa una nyang asawa. Sila ate aimee naman at ang asawa niya ay bumalik na sa baguio. Sila ate rhea at kuya sonny ay bihira ng umuwi sa flat. Dahil ako na lang ang palaging maiiwan sa bahay, niyaya ko ang mga pinsan ko na dun na lang tumira. Dumating din ang mama ko at mga kapatid ko dahil magpapa opera naman ang kapatid ko sa ovary. Isang gabing natutulog kami nila mama, pagising gising ako dahil sa pagbukas at pagsara ng pinto sa kwarto namin na para bang galit ang nagsasara. Ilang sandali pa ay nagising ang pinsan ko at pumunta sa banyo, nagising na din ang kapatid ko dahil sumusumpong ang sakit niya sa ovary. Papaidlip na muli ako ng bigla na naman may nagbukas at sara ng pintuan ng kwarto, doon nakita ko ang lalaking itim walang mukha pero pakiramdam ko ay galit sa akin. Nagsabi na ako kay mama ng may multo. Hindi naniwala si mama at sinabing matanda na daw ako para magpapaniwala pa sa ganung bagay.

Kinaumagahan habang nag aalmusal kami, nagreklamo si mama na hindi nakatulog ng maayos dahil sa amin, nabanggit pa niya yung sinabi kong may multo. Iginiit ko sa kanya na may nakita nga akong lalaking itim, biglang nagsalita ang kapatid ko at tinanong ako, ate yun bang multo na sinasabi mo may sumbrero na pahaba kagaya ni harry potter? Nagulat ako dahil hindi ko naman binanggit na nakasumbrero yung multo, tinanong ko pano nya nalaman, ang sagot niya sakin " kasi nakita ko sya kagabi nasa tabi mo nakatingin sayo". Ilang araw pa at umalis na kami sa bahay na iyon.

Horror StoriesWhere stories live. Discover now