[ A - m - a - r - a - n - t - h - i - n - e ]

287 24 0
                                    

present ...


"OSCAR!"


"OZELL"


"BANGON NA!"


"MAY PASOK PA KAYO!"


Rinig ng dalawa ang malakas na boses ng ama nila kaya naman bumangon na ang mga ito. This is they're every morning routine. Gigising, babangon, maghihitay sa cr para gumamit after niyan mag aasikaso ng mga sarili after ng niyan baba na sila diretso kusina para kumain. Yan ang ang naging buhay ng mga Diaz.

"Oz kumusta ang pag-aaral mo?" tanong ni Oscar sa bunso niyang kapatid "baka puro banda ang inaatupag mo hah"

umiling si Oz "Kuya siyempre di ko papabayaan ang pag-aaral ko" sagot niya "tsaka tuwing Friday and Saturday lang naman kami nag gi-gig ng banda eh"

Yep! May banda si Oz dahil hilig niyang tumugtog at kumanta but more on instrument siya. Siya ang drummer ng banda nila. Nung una tutol ang kuya niya pero sabi naman ng Daddy niya pag walang tres sa GPA pwedeng pwede siyang mag banda. So far so good naman ang grades niya dahil likas na matalino lang siya. EHEM! Wag masyadong mahangin. Anyways before anything else magpapakilala muna ang pamilyang Diaz sa lahat.

Octavio Diaz o mas kilalang PIPO, 53 years old. Dating sundalo kaya ngayon nagpatayo siya ng Auto shop dahil hilig niyang magkumpuni ng mga sasakyan. Malakas naman ang kita ng shop niya dahil bukod sa talyer ito ay may car wash rin ito. Buti na lang malaki laki rin ang naipon niya sa pagsusundalo dahil may rango siya at isa pa may buwan buwan na dumadating siyang pera kaya di naman sila kinakapos sa buhay. Di naman talaga siya magreretiro ng maaga sa serbisyo kung hindi siya iniwan ng asawa niya. Yes, iniwan siya ng asawa niya sa kadahilanan na ayaw ng pamilya ng asawa niya sa kanya. Kasal pa rin sila pero sa papel na lang dahil matagal nang panahon ng iwan sila. Ok lang yun basta may tatlo siyang anak na nagpapasaya sa kanya yun ang mahalaga sa kanya. Cool dad siya kung iisipin dahil kung ituring niya ang mga anak niya ay parang barkada niya lang ang mga ito. Di naman kasi siya mahigpit dahil ayaw niya ng ganun para sa kanya kung saan masaya ang mga anak niya susuportahan niya. Gagabyan niya lang para di mapariwala ang mga ito.

Oscar Diaz pero ang nakasanayan niyang itawag sa kanya ay ODI, 30 years old and happily engaged siya sa childhood sweetheart niyang si Helena. Masaya siya. Dahil meron siyang magandang trabaho, mapagmahal na pamilya and last mahal na mahal niyang fiance' wala na siyang ibang mahihiling pa. Isa siyang private lawyer ng isang malaking kumpanya kaya maganda ang mga benefits na nakukuha niya dito. Malaki na rin ang ipon niya dahil maganda rin mag pa-suweldo ang boss niya walang hassle ika nga. Masaya lang talaga siya. Gusto niya in order lahta. Kung ang Papa niya cool siya naman ang hindi. Cool naman siya eh pero minsan mas tatay pa siya kay Octavio dahil sa napa strict niya at overprotective na kuya at anak. Mas overprotective siya sa bunso niyang kapatid dahil ito ang paborito niyang kapatid. (wag lang sana malaman ng isa niyang kapatid) Para sa kanya kasi si Oz ang HAPPY PILL nilang lahat. Kaya wag lang magkakamali ang iba na saktan ito dahil siya ang makakatapat nila. Kaya grabe na lang ang galit niya sa mommy nila dahil siya ang dahilan ng pagiging loner ng kapatid buti nga may mabubuti siyang mga kaibigan pero He can tell kung peke ang ngiti ng kapatid dahil kabisadong kabisado na niya ang ugali nito from the back of his hand. Kung si Oz ay Introvert yun naman ang kabaliktaran ng isa niyang kapatid na si Antonia na Extrovert. Sumasakit ang ulo niya minsan dito dahil sa napaka tigas ng ulo ng kapatid niya na ito.

Antonia Diaz 25 years old, Toni for short. Isa siyang Flight Attendant kaya madalas wala siya. At gusto gusto niya yun dahil hilig niya ang travel balak niyang libutin ang buong mundo. Kung ang kuya niya ay napaka seryoso sa buhay iba naman siya napaka out going niyang tao. Adventurous walang inaayawan go lang ng go. Basta masaya lang siya. Pero kahit ganun mapagmahal siyang anak at kapatid. Kahit na matigas ang ulo niya pagsabihan mo lang siya makikinig siya at di na muli gagawin ang maling nagawa niya. Minsan nga nagseselos siya sa bunso nitong kapatid dahil lahat nasa kanya ang atensyon ng Daddy at Kuya niya pero anong magagawa niya kailangan ng kapatid niya ng buong suporta at proteksyon nila kaya di niya rin masisisi ang mhga ito. Kahit rin naman siya overprotective sa bunso nila. Ayaw niyang nalulungkot si Oz dahil hindi niya maatim yun. Kaya nga nung iniwan sila ng mommy nila nagalit siya dahil isa ito sa rason kung bakit malungkot ang kapatid kahit na sabahin niyang ngumingiti ito pero alam niya kung ano ang peke sa totoo dahil hindi man lang umaabot sa mata ang ngiti niya kaya gusto ko niya masaya lang si Oz para masaya na rin siya. Maganda, katamtaman ang height, morena ang itsura niya. Di man niya aminin pero mana siya mommy niya. Sabi nga ng iba parang silang pinagbiyak na mansanas but different habits. Oh and she's single in case you wanna know. and besides ayaw ng kuya niya na magboboyfriend siya ng basta-basta lang. Bantay sarado kaya siya sa kuya niya swerte na lang siya dahil snod sunod ang flight niya kaya malaya siya sa matanglawin na kuya niya.

Heart or MindWhere stories live. Discover now