[ B - a - s - o - r - e - x - i - a ]

225 30 2
                                    


Oz's POV


Pagpasok ko ng hallway ng Culinary building ang ingay ng mga tao

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagpasok ko ng hallway ng Culinary building ang ingay ng mga tao. Kulang na lang mag wala sila sa loob ng building pero bawal yun dahil masususpend sila pag nagkataon. Nihindi ko nga namalayan na tumama na ako sa locker dahil may bumangga sa akin na alam ko naman na sinadya iyon.

BLAG!

Kung alam ko lang na ang pagkakatama ko sa locker ang makakapagpatahimik sa lahat edi sana kanina ko pa ginawa. Buhay nga naman parang life. Tinignan ko kung sino ang salarin ng pagkakatama ko sa locker na di na ako nagtaka kung siya na naman ang nakita ko.

"Austin"

Siya si Austin Gaza ang leader ng nambubully sa akin simula elementary hanggang ngayon. Ewan ko ba kung bakit ako pinagiinitan nito. Dati naman kasi mabait siya sa akin. Not until when he found out my true identity. Simula nun naging delubyo na ang buhay ko. Kasalanan ko rin naman yun kung di ko nakalimutan i-lock ang pinto sa bathroom sa isang fast-food chain hindi niya makikita ang pinagkakaingat-ingatan kong itago. Kinabukasan I was the laughing stock of the whole school and still the laughing stock and outcast. Swerte ko na lang na may mga kaibigan akong totoo.

Tinignan ko ang mga kasama ni Austin. As usual kasama niya palagi sila Tyler Meza, Jason Mora, Mika Hugo, Erika Romo at Angela Nava. Silang anim ang hindi natatakot saktan ako physically dahil ano ba ang laban ko eh magulang nila ang major holders ng campus namin mahirap banggain ang mga kagaya nila. Napansin ko may bago silang kasama. Tama! Sila yung bagong transfer dito sa school mga two weeks ago at sa two weeks na yun ang masasabin ko lang masama din ugali nila pwera kay Yasmine na never ko narinigan o may ginawang masama sa akin. Busy lang siya palagi sa hawak niyang libro. Well exempted din yung kakambal niyang si Ice hanggang tawa o ngisi lang siya pag may ginagawang kababalaghan ang barkada niya.

"Tignan mo nga naman makikita pa natin dito ang alien na ito" tingin sa barkada then balik sa akin ang tingin niya "Dahil sayo gumada ang umaga ko" natawa siya. Seriously nakakatawa ba yun?

"Anong kailangan mo Austin?" bored kong tanong at inayos ang pagkakasabit bag ko sa balikat ko

Ngumisi siya sa akin at yung ngisi na yun hindi maganda ang kalalabasan "asan yung assignment mo sa calculus?"

napakunot ang nooo ko "bakit?"

Napalatak siya "Tanga ka talaga malamang kukunin ko dahil kokopiyahin namin bobo!" insulto niya sa akin

"Hindi ko ibibigay pinaghirapan ko ito tapos kayo ang makikinabang" angil ko sa kanya

Sumama ang tingin niya sa akin at bigla na lang akong kwinelyuhan "ibibigay mo uuwi kang duguan" pananakot niya umiling ako at napapikit ako ng ambang sasapakin na niya ako ng biglang may naramdaman akong pwersahang inalis ang mga kamay niya sa kwelyo ko.

"Di ka ba titigil Austin!"

"Namumuro ka na talaga sa amin!"

"Subukan mong galawin si Oz kami ang makakalaban mo"

"Ok ka lang Oz?"


Nagmulat ako ng aking mga mata at nakita ko nandito na sila Kiko. Grey, Luwi, Renz at Marie. Sila ang mga kaibigan kong maasahan sa kahit anong oras. Ang savior ko dito sa school. Buti na lang nakatagpo pa ako ng mabubuting kaibigan na tulad nila.

"Ayos lang ako Renz" ayos sa damit ko "tara na wag niyo nang patulan mahuhuli pa tayo sa klase natin eh"

Di ko na sila hinintay magsalita basta ko na lang hinatak sila Marie at Renz alam ko naman na susunod yang sila Luwi once na naglakad na ako. Ayaw ko lang naman na mapahamak ang mga kaibigan ko dahil lang sa akin na napaka lampa hindi marunong lumaban. Anong magagawa ko yun ang turo sa akin ni Daddy na kahit anong mangyari wag na wag akong gaganti unless sobra na ang ginagawa nila. Swerte lang ako dahil biglang may tulong na dumadating sa akin.


LUNCH BREAK!

Andito ako ngayon sa cr para mag hugas ng kamay kung anu ano kasi ang hinawakan ko kanina na pagkain na sobrang makapit ang amoy. Kulang ang isang hugasan kaya kailangan doblehin ang hugas. Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang may pumasok sa cr. SHOCKS! Si Yassy naku paano na ito. Nagmadali ako sa ginagawa ko.

"Relax walang akong gagawin sayo" Sabay lapit sa akin "in fact pabor pa sa akin ito" titig sa akin mga mata. Anong pinagsasabi nito at bakit niya ako nilalapitan di niya ba alam na delikado itong ginagawa niya pag nalaman ito ng barkada niya malalagot ako "Wag kang mag-alala di malalaman nila Austin ito"

"A--a--an--anong kailangan mo?" kanda utal utal kong tanong

Ngumisi siya sa akin.

SEXY

Fvck! Oz hindi ito ang tamang oras para magpantasya ka. Focus ka sa pain baka isa ito sa pakulo nila Austin.

"I just want to invite you"

"Invite me?" naguguluhan na talaga ako

Ngumiti siya "Oo invite kita for ice cream gusto ko lang ikaw makilala"

Sinuri ko kung totoo ba ang sinasabi niya. Mahirap magtiwala ng basta basta baka may gawin sila sa akin ng di ko alam umaatake na sila.

"Gaano mo masisiguro na hindi ito isang malaking kalokohan" duda ko sa kanya

Nakita ko naman nalungkot ang facial reactions niya. Wag kang padadala Oz, maganda siya OO pero looks can be deceiving. Think wisely Oz.

"Ganun na ba ako kasama sa paningin mo?" still not believing "Tell me Oz kailan ako nakisali sa kanila saktan ka o pagsalitaan ka ng masasakit?" umiling ako telling her na wala "See" kamot sa noo "Look, I just want to be friend with you. Gusuto kita makilala sabi nga nila mas magandang kilalanin ang isang tao kesa husgahan" abot ng pirasong papel "Nakasulat jan ang address at cellphone number ko maghihintay ako bukas 3pm sa tapat ng bahay namin." Angat ng kamay kaya napailag ako bigla pero dahil akala ko sasampalin niya ako pero mali pala ako "please let me Oz i really want to know you" hawak sa pisngi ko na ikinastatwa ko "I will wait remember that" and with that naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko. At tuluyan na siyang llumabas ng cr.

"Ok what the heck happened?!" lutang kong sabi sa kawalan.



✔️ 50 votes for another chapter

✔️ comment

✔️ share

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heart or MindWhere stories live. Discover now