Uh-Oh

353 18 0
                                    


JACKQUE'S POV

----------------------------------

Palabas na sana ako ng opisina ng habulin ako ni Madc.

"JAKI!!!", makasigaw naman oh -_______-

Lumingon ako sa kanya at pagtingin ko ay hindi pala siya nag-iisa. Kasama niya si Melvie, Charm at Ronnie. Hindi ko pa pala nakukwento sa inyo si Ronnie, yung head ng Accounting Department tapos si Charm naman parang sila ni Melvie, accountant din.

"Ano?", tanong ko. Wala ako sa mood dahil badtrip pa ako kay Viceral. Letse siya!

"Aayain ka sana namin", nahihiyang sabi ni Charm.

"Saan?"

"Bar? Kasi ano ahmmmm.... Wala lang. Para lang makapag-relax, Oo tama, mag-relax", si Ronnie iyon. Ganyan siya pag kausap ako. Akala mo nabablangko. Para kaming nagfifill in the blanks.

"Sige", pagpayag ko na bahagyang ikinalaki ng mata niya. "Talaga?", hindi niya naman makapaniwalang tanong. Hayyyy. Kasi naman ilang beses na siyang nag attempt na ayain ako pero puro failed.

"Kung ayaw mo naman-------"

"Gusto ko Jaki. Gustong-gusto", saka pa siya lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko habang yung mga mata niya ay nag-tutwinkle habang nakatingin sa akin.

Akmang babawiin ko na sana ang mga kamay ko nang mas hinigpitan pa niya ang paghawak nito. "Ahh Ronnie yung kamay-----"

"Oh Miss Gonzaga, narito ka lang pala", napatda ako sa narinig kung boses kaya't mabilis kong nabawi ang kamay ko kay Ronnie.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at sumagot, "Ah Sir, tapos na po kasi ang working hours ko kaya uuwi na po ako"

"How rude your attitude it is, Miss Gonzaga", napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Anong trip nito? "Ako ang boss mo pero mas nauuna ka pang uuwi sa akin para lang makipaghawakan ng kamay sa Head ng Accounting Department", ei di tinumbok niya din! Dami pang ligoy ei! Umaandar na naman ang pagiging possessive ng abnormal na ito!

"Ah Sir, hindi naman po ako nakikipaghawakan ng kamay dito. HINAWAKAN niya lang ang kamay ko. Ang salita po kasing NAKIKIPAGHAWAKAN ay para sa dalawang tao", diretso kung sabi habang nakatingin sa mga mata niya. Aba anong palagay niya? Siya lang ang may karapatang mainis? Para ipaalala ko sa kanya, siya itong nakipagsex sa loob ng opisina niya ng katanghaliang-tapat!

Nakita kung napatiim-bagang siya bago muling magsalita, "IN. MY. OFFICE. NOW", sabi niya saka tumalikod.

"No, sabi ko di'ba saka na pag hindi ka na amoy-------"

"Pupunta ka ba o kakaladkarin kita at siguraduhing alam mo na ang susunod na mangyayari", banta ng abnormal.

"Hala, anong meron sa kanila?"

"Kung mag-usap sila parang asawang nagseselos si Sir JM"

Naiinis ako sa abnormal na ito. Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Panigurado uulanin ako ng tsismis bukas.

"Ah, saglit lang Guys ahh . Alam ninyo naman kung gaano kalaki ang topak ng boss natin. Susunod na lang ako sa inyo", paalam ko na ikinatango lang nila.

Malalaki at mabibilis ang mga hakbang ko na sinundan siya, saktong nakapasok na ako ng office niya nang maabotan ko siyang nakaupo na sa swivel chair niya.

"Lock the door", utos niya na kaagad ko namang sinunod. Mahirap na baka bulyawan niya naman ako. "Come here", utos na naman niya.

"Why should i?", i asked.

My Fake Possessive Husband || VICEJACK (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon