Over

134 15 6
                                    


JACKQUE'S POV

Naglalakad-lakad ako sa parke habang hawak hawak ang annulment papers na bigay niya.  I need to think. I need to unwind. I need to be strong. I need to be me. I fucking need to be Jackque Gyl Gonzaga...Viceral.

Naagaw ang atensyon ko nang isang grupo ng mga kababaihan dahil nakikita kung umiiyak ang isa nilang kasama.  I dont know,  pero may nagtulak sakin na lapitan na sila.

"Hindi naman dahil mahal mo siya ay hahayaan mong masaktan ka. Look, Kim anong akala mo sa sarili mo? Fan ka ba ng BDSM na iyon at ikaw ang masokista?", masungit na sabi nung isang babae na mahaba na buhok.


( BDSM-  Bondage and Discipline, Domination and Submission, Sadism and Masochism)

Sabi ni Vitto, ugali na talaga na daw talaga ng isang tao ang pagiging masokista lalo nat nagmamahal ka. Parehas kaya kami ng sitwasyon ng babae?

"Tama naman si Charina, Kim", tukoy ng nung nagsalita dun sa may mahabang buhok, "Hindi ka ipinanganak ng nanay mo para saktan lang ng lalaking yun.  Isa pa, hindi niya deserve ang pagmamahal mo", sabi naman nung maiksing buhok.

Hindi ako ipinanganak ni Mommy para saktan lang ni Vice. Pero paano ko naman siya iiwan kung siya lang ang nagpapasaya sakin?

"Ate Gracii, paano mo po ba malalaman kung deserve niya ang pagmamahal mo? Kasi ate kung alam ko lang kung paano, siguro hindi ako masasaktan ngayon", palagay ko iyon yung Kim, yung sumagot. At Gracii naman yung maiksing buhok.



Sana nga maimbento na lang ang device na malalaman mo kung sino ba ang deserving para sayo noh? Para iwas na sa sakit.

"Siguro hindi mo nga malalaman o mapipili kung sino ang deserve sa pagmamahal mo . Pero Kim, pwede mong piliin kung papayag ka na lang ba na saktan niya o iiwan  mo siya dahil may chance kang maging masaya sa iba", sabi nung may bangs.




"...papayag ka na lang ba na saktan niya o iiwan mo siya dahil may chance kang maging masaya sa iba..."





Should i sign this? Should i leave him? Damn!





"Paano ate Chane kung pipiliin kung masaktan kasi kakapit ako sa maliit na chance  na mapapasaya niya ako? Pwede po ba yun?", tanong ni Kim dun sa Chane.




"Siguro sasabunutan ninyo ako dahil salungat ang sasabihin ko sa mga sinabi ninyo", singit bigla nung isa sa pinamalumanay na boses, "Ako para sakin? Kim ituloy mo lang ang relasyob ninyo kahit na nasasaktan ka. Bakit? Kasi diyan ka masaya ei, dahil hindi ka pa tatanggap ng kahit na anong advice dahil inlove ka pa. Tiyaka pansin mo, sa bawat sasabihin nila may counter part ka. Huwag tayong magpaka impokrita, natural na ang advice namin ay hiwalayan mo siya dahil nasasaktan ka, but the truth is, alam naming magiging masaya ka sa kanya.  Bawat relasyon dumadaan sa mga problema at sa mga problema na yan, ang dapat mo lang panghawakan ay loyalty, trust and love".







"Patricia is done. Ikaw Joy, may gusto kang sabihin?", nakangiting baling nung Chane dun sa mukhang pinakabata.






"Wala po. Bilang pinaka bata dito, bahala na po si Ate Kim. Hahaha"












Teenagers. Nakakatuwang isipin na ang problema nila about boyfriends and girlfriends, but still they think a matured ones.





My Fake Possessive Husband || VICEJACK (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon