05 ¦ Man In Black

1.6K 57 2
                                    

Kadalasan, nababalot talaga ng kung ano-anong sikreto ang mundo. Akala ng lahat, kung ano ang hindi natin alam ay hindi dapat natin katakutan pero ang totoo, iyong mga hindi dapat natin alam ang dapat nating katakutan. Iyong mga paniniwala ng iba na akala natin ay hindi nage-exist sa totoong mundo ang dapat nating paghandaan. It takes a lot of courage to not fear the truth. Lalo na’t kung malalaman natin bandang huli na ang pakay ng mga bagay na ‘yon ay ang buhay natin mismo o kaligtasan ng lahat.

Napatigil ako sa paglalakad ng makaramdam ng kakaibang ihip ng hangin. Alam kong gabi na pero andito pa rin ako sa labas para hanapin ang kapatid ko. Talagang hindi nadadala ang kapatid kong ‘yon. Asan na naman ba siya?!

Tumingin ako sa aking likuran, walang tao. Wala na rin masyadong lumalabas sa mga oras na ito dahil sa bagong curfew na mas maaga. 30 minutes na lang ang bibilangin at kailangan wala nang tao dito sa labas. Kaya kailangan kong mahanap si Arianna.

I continue walking but I stopped again when I felt something. Tila may sumusunod sa akin. Nang tignan ko ang bandang likuran ay wala namang tao.

Ngunit sa pagharap ko ay ang hindi ko inaasahang bagay ang makikita. I run as fast as I can away from that monster. Ang mga umusling ngipin niya sa magkabilaang gilid ang ikinakatakot ko ganoon din ang namumulang mga mata nito. Ngayon, naniniwala na talaga ako. Totoo sila. Totoo ang mga bampira at nagkalat na sila ngayon.

Napaupo ako sa mismong gitna ng kalsada nang mabilis na nakarating sa harapan ko ang halimaw na ‘to. Napa-atras ako sa takot. Konti na lamang ay tutulo na ang luha ko.

This vampire keeps on groaning like he’s wanting for more blood. May mga dugo na sa kanyang bibig, malamang ay nakapatay na ito ng iba.

Wala bang iba na tutulong sa akin?

I shout out of fear when he lean forward that fast kasabay non ay ang pagpikit ko. I was expecting to get bitten. To feel a painful thing on my neck o hindi kaya’y pagkakalas ng mga laman loob ko pero ni isa non ay wala akong naramdaman.

Pagmulat ko ng mata ay nasa malayo na ang bampira na ‘yon sa akin, sinusubukang tumayo mula sa kung sinong nagtapon sa kanya. Tumingin ako sa kanang bahagi ko kung saan may panibagong dating.

He’s wearing all black kaya wala akong maaninag sa kanya. Isa pa, madilim na rin ang kalangitan at iilan lang ang mga nakabukas na ilaw sa porch ng mga bahay.

That new man run fast towards the bad vampire. Hindi na ako nakagalaw nang makita ko kung paano niyang nabali ang leeg ng bampira na ‘yon. The bad vampire then falls down.

Nanginginig ako sa takot na pinagmasdan ang kanyang likod. Dahan-dahan itong humarap sa akin. He wipe some of the blood that was in his face. Tumapat din ang iilang ilaw sa kanyang mukha at doon ko nakita ang kanyang kabuuan.

Blood's Antidote Where stories live. Discover now