Palpak ang naging plano namin na pagpapakawala ng katalusan ni Aziel sa sinabing 'makalawang araw' dahil sa nangyari. Aziel has to go fetch Sean back here pagkatapos ay nagsabay ang naging pangangaso ng mga mahahalagang kababaihan ng palasyo. The ministers cannot change the date and time kaya minadali ito. Of course everyone thought it's going to be the day where they will see Aziel is finally free from his own deadly weapon – himself. Pero hindi. Mananatili pa rin silang takot sa ideyang kayang pumatay ng Prinsipe Aziel kapag nasa kanya ang katalusan.
"May mga sumugod sa akin habang naglalakbay ako pabalik. Marami sila. Mabuti na lang ay dumating agad si Aziel para tulungan ako."
It's been 2 days since the hunt happened. Mas umayos na rin ang aking pakiramdam pero hindi nawawala ang kaba sa aking puso.
"At sino naman kaya ang mga 'yon?" Tanong ng Reyna. Tila dismayado ito dahil hindi nangyari ang plano na pagpapakawala ng katalusan ni Aziel sa araw na napag-usapan. Her son is in danger kaya ito rin ang nagpautos kay Aziel na sunduin ito. Dahil doon ay hindi natuloy ang plano.
"Ang liham na natanggap mo, hindi kaya, sa lalaki rin galing 'yon?" The King asked. Napapaisip din ako. The guards tried questioning him why he did that to me. Nalaman na rin nila kung sino ito dahil isa siya sa listahan na kailangan huliin. Ang pangalan niya ay Kallias. Pero kahit anong gawing pagpapahirap sa kanya ay hindi ito nagsasalita patungkol sa kung nasaan ang katribo nito.
"Ang mahalaga ngayon ay ligtas ka. Kung sino man ang nagpadala sa 'yo ng sulat at nakaka-alam na hindi ikaw ang tunay na Anushka, hwag kang mag-alala. Hindi niya 'yon basta-basta ipagsasabi lang sa lahat dahil parurusahan siya. Kamumuhian din siya dahil ikaw na ang tinitingala nila."
"Tama si Ama." Ani Sean. I nod. "Panakot niya lang sa 'yo ang liham ganon pa man, kailangan pa rin natin malaman kung kanino ito galing."
"Magpapadala ako ng sulat upang ipagsabi sa lungsod ang nangyaring pagkansela sa planong pagpapakawala ng katalusan ng prinsipe. Kailangan natin ng bagong araw at oras, iyong sigurado para matuloy."
Walang nakasagot kung kailan nga ba. Wala dito si Aziel. Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na 'to nakikita pero sinasabi naman ni Sean na nasa tabi-tabi lang daw ito at patuloy akong binabantayan. Siguro ay dahil mas nakaka-alarma na ngayon ang nangyari sa akin kaya mas alerto na rin ang Andros.
"Kakausapin ko ang Prinsipe Aziel kung kailan niya gusto. Sabagay, siya lang ang nakaka-alam ng kondisyon ng kanyang katawan." Suhestyon ni Nefeli na tinanguan naming lahat.
Nama-alam na rin silang umalis pagkatapos. Of course they had to investtigate for what happened to me in that forest. Ganoon din ang mga lalaking gusto na ring pumatay kay Sean sa paglalakbay nito pabalik. There must be something on it. Bakit nagsabay-sabay?
Kami ni Sean ang naiwan dito sa aking opisina. There is more to talk about. Lalo na si Leysa. Kaya naman ipinatawag namin ito. Nakita siya ng mga gwardya sa gubat na 'yon nang gabing masira ang purselas. Nalaman niya ang tunay kong pagkatao. Nakaiusap na lamang si Sean na hwag ipagsabi sa Hari na nakakita nila si Leysa sa gubat dahil alam agad nitong ipapapatay niya si Leysa para itago ang sikreto. Mabuti na lang talaga ay naisip 'yon ni Sean.
YOU ARE READING
Blood's Antidote
VampireOld Title: Her Peculiar Blood In a world where vampires rule and ancient prophecies foretell doom, Zamira- a mere human- finds herself pulled into a kingdom on the brink of collapse. Bearing the same face as a powerful priestess, she is tasked w...