Nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko para saktan niya ako ng ganito. I'm sure Nefeli's bracelet is protecting my human scent but why is he becoming different? Dahil ba sa galit niya ay nag-iiba siya ng anyo? Lumalabas ang mga itim na ugat sa gulid ng kanyang mukha at leeg. Ang mga mata niya ay nagbabago rin ng kulay. O talaga bang kaya niyang malaman ang tunay kong halimuyak?
"Niloloko mo ang mga taga Kahru ngunit hindi mo ako malilinlang. Hindi ikaw ang tunay." Aniya sa madiin na tono. Bumuka ang bibig ko para kumuha ng hangin. Hindi na ako makahinga sa ginagawa niya. Pahigpit ng pahigpit ang kanyang sakal.
I think this is going to be my last day alive. No one else is here. Walang magliligtas sa akin.
'Sera, nasaan ka na ba? Tulungan mo ako. Tulungan mo ako tulad ng lagi mong ginagawa.' Pakiusap ko sa aking isip.
Sa panghihina ay napaupo ako sa lupa. Nabitawan ako ng lalaki habang ako ay pilit na hinahabol ang aking hininga ngunit hindi ko ata kaya. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking leeg dahilan para mahirapan akong lumanghap ng panibago.
"S-Sino ka... P-Paano mo alam..." I still asked despite the difficulty in breathing.
"Hindi mo na kailangan alamin. Sa gabing ito, sisiguraduhin kong mamamatay ka at malalaman ng lahat na hindi ka totoo."
Napasigaw ako nang hilahin niya ang aking kamay kung saan nakasuot ang purselas. Balak niyang kunin 'yon.
"P-Pakiusap... h'wag mong gawin 'to..."
"Mamamatay ka rin naman. Mas mainam nang buhay ang aking ebidensya bago kita paslangin."
I cried. Mabilis kong tinakpan ang bahagi ng aking palapulsuhan kung saan nakasuot ang purselas na gawa ng punong babaylan nang sa ganoon ay hindi niya 'to masira. Ngunit sadya siyang malakas at nakuha ang kamay kong nakatakip doon.
Once the bracelet is gone, the vampires will come after me.
Malakas ko siyang sinipa sa kanyang tyan. He was hurt by it. Nagkaroon ako ng konting tyansang makatayo at tumakbo habang lumuluha dahil sa takot. Hindi ko alam ang gagawin.
But he was too fast. Kahit na hindi siya tumakbo, alam niyang hindi ako makakalayo. I am running away from him while he was just walking, smiling about the thought of me cannot fight someone like him because I am not the real Sera. Madali lang dapat pero dahil tumatakbo ako at halatang hindi alam makipag laban, mas lalo siyang nasisigurong hindi nga ako ang totoo.
Buhat-buhat ang kahabaan ng aking dress ay tinakbo ko pa rin ang madilim na gubat. Hindi ko alam kung saan pupunta. Palingon lingon ako sa aking likuran. He's still there.
Hindi ko napansin na may pababang talampas sa aking kanan. I step on a flat rock and fell on that cliff. Napagulong ako pababa. Kung hindi siguro sa matayong na puno na nakaharang ay dumire-diretso pa ako pababa. But still, it hurts lalo na ang pagtama ng aking likuran sa puno na 'yon.
YOU ARE READING
Blood's Antidote
VampireOld Title: Her Peculiar Blood In a world where vampires rule and ancient prophecies foretell doom, Zamira- a mere human- finds herself pulled into a kingdom on the brink of collapse. Bearing the same face as a powerful priestess, she is tasked w...