Chapter 3

4 1 0
                                    

"Hayst badtrip"sabi ni Hazel at pagkatapos ay pasalampak na naupo sa kaniyang sariling sofa. Maganda siya at napakasexy. Mayaman din siya dahil siya ang nag-iisang tagapagmana ng Martinez Group of Company. Madaming nagkakagusto sa kaniya at kahit ineentertain niya ang mga ito, wala pa rin siyang nagiging kasintahan.

"What happened?"tanong ni Angel sa kaniya. Si Angel ay kabaliktaran niya. Tahimik ito at man hater. Napakaganda rin nito pero sakto lang ang katawan. Walang curves at wala itong pake doon. Marami pa rin ang nagkakagusto sa kaniya pero di tulad ni Hazel, binabasted niya agad ang mga ito.

"Si kuya Bernard kasi eh. Sinabi ko na sa kaniya na pumunta dito para mapuntahan natin si Joy Ann sa airport pero nabusy siya bigla"paliwanag niya. Wala kasing magsusundo sa kanilang kaibigan sa airport kaya sila sila nalang sana pero wala din pala. Hayst nakakainis

"Girl, calm down. Let me call her." Felicity said. Si Felicity ay maganda ring babae. Ito ang pinaka ate at pinakamature sa kanilang apat. Ito rin ang tagaayos ng gulo ng tatlo este dalawa lang pala, since di naman nakikipag-away si Angel, at talagang maaasahan ito. Meron itong kasintahan at tatlong taon na sila.

"Joy Anne" agad na sabi ni Felicity nang sagutin ni Joy Ann ang tawag. "Puwede bang magtaxi ka na lang papunta dito sa condo?......really?.....oh okay sige sige......bye take care love you too." Nagbabye din ang dalawa at pagkatapos ay inend na ni Felicity.

"See? Wala na tayong problema. Let's just wait for her." Felicity said. Umupo si Fel at pagkatapos ay siya naman ang tumayo.

"Oh Haze where are you going?"tanong ni Angel habang nakakunot ang noo.

"Dyan lang sa tabi tabi. Tawagan niyo nalang ako kapag nandito na si Joy Ann." sabi niya sa mga kaibigan bago tuluyang lumabas ng condo. Bumaba siya. Nang makababa parang may naaninag siyang umiilaw sa may gilid ng building. Isa iyong eskinita!

Kahit medyo nac-creepyhan siya mas nanaig pa rin ang curiousity niya kaya lumapit siya. Nang makalapit ng tuluyan, may naaninag siyang silhouette ng isang lalaki. Sa tindig palang ng lalaki masasabi ng may mataas itong pinag-aralan. Nakakapagtaka lang dahil kung mayaman ito bakit nandito ito sa loob ng madilim na eskinita.

"Hey"tawag ng pansin niya rito ngunit hindi naman siya pinansin. "Hey!" Mas malakas na ngayon ang tawag niya at sa wakas lumingon na ito. Nang makita niya ang mukha ng lalaki bigla nalang siyang kinilabutan. Lumakas din ang pintig ng kaniyang puso. Hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kaniya dahil naglakad siya papalapit dito. Oh god!

Nang makalapit siya may nakita siyang bagay sa likod nito at umiilaw iyon. Napalaki ang mata niya dahil mukhang nakasikit iyon sa likod niyo. Napansin niya ring wala pala itong suot na pantaas na damit. Sa totoo lang natatakot siya dahil baka may binabalak na masama pala ito pero hindi siya makagalaw at parang naestatwa ang katawan niya sa harap ng matipunong lalaki. Nakakatitig lamang siya rito at ito naman ay matiim ding nakatitig sa mga mata niya. Parang sinasaulo nito ang buong mukha niya.

Napaigtad siya ng hawakan nito ang mukha niya. Hinahaplos haplos nito ang pisngi niya. Napaatras siya ng isang beses na dahilan kung bat nawala ang kamay nito sa pagkakahawak sa pisnge niya. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng pagkahinayang.

Humakbang ang lalaki ng isang beses papalapit sa kaniya.

"S-sino ka?"bigla nalang lumabas ang mga katagang ito sa bibig niya.

Humakbang siya paatras.

"Who are you?"tanong ng lalaki sabay hakabang ng isang beses papunta sa kaniya.

"Hu-huwag ka ngang l-lumapit"pagbabanta niya rito at umatras ng ilang beses hanggang nasa labas na siya ng eskinita.

Nakita niyang nalilito ang lalaki. Hindi niya alam kung bakit pero may parte sa utak niya na nagsasabing lumapit sa lalaki.

Lalapit na sana siya sa lalaki nang may tumawag sa pangalan niya.

"Hazel!"sigaw mula sa gilid niya. Tumingin siya rito at nakita si Joy Ann. Nang tumingin siya ulit sa gawi ng lalaki, wala na ito. Kinilabutan siya lalo na nang makaramdam ng malakas na ihip ng hangin at boses. Sa boses na iyon narinig niya ang pangalan niya. Para siyang binulungan. Nagtaka siya kung nasan na ang lalaki lalo na at nakaharang siya a daanan. Siguradong hindi ito makakaalis nang hindi siya nasasagi. Creepy amp!

"Hoy Haze!"narinig niyang sigaw kaya napatalon siya sa gulat. Nakita niya si Joy Ann na tawa ng tawa. "Kelan ka pa naging magugulatin?" Sabi nito na hindi tumigil sa kakatawa.

"Tse! Tara na nga!"inis na sabi niya at nauna nang maglakad papasok sa condo nila. Nang makapasok sa condo nasa isip niya parin ang lalaking nakita kanina. Weird pero hindi ito mawala wala sa utak niya. Tsaka paano ito biglang naglaho kanina.

Same place. Tomorrow morning. Shit! Bigla niya nalang narinig yung boses na iyon. Pumasok sa utak niya ang lalaki at ang eskinita. Napawhawak siya sa ulo niya.

"Hoy Haze!"sigaw sa kaniya ni Joy Ann kaya napabalik siya sa wisyo. Napataas ang kilay niya ng makitang may hawak itong dalawang beer at sa tingin niya para sa kaniya yung isa. Nasa tamang edad na naman sila para uminom dahil 22 na sila kaya ayos lang.

Kinuha niya yung isa at ininom hanggang magkalahati.

"Wow naman Haze, isang buwan lang ako nawala lumakas ka na sa pag-inom."sabi nito. Maingay talaga ang dalaga kahit san magpunta kaya masarap itong makasama.

"Hoy grabe Haze, ginagaya mo tong si Angel eh noh?"sabi naman ni Fel.

"Do you have any problem Hazel?"tanong naman sa kaniya ni Angel.

"Wala. Gusto ko lang malasing. It's been a while mula nung huli akong uminom."

"Asus asus. Edi wow!"pang-aasar ni Joy Ann.

Napairap nalang siya sa hangin nang biglang pumasok sa isip niya yung lalaki kanina, si Zaccheus. Hindi niya man naaninagan yung mukha niya, alam niyang crush niya na agad agad ito.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jun 15, 2019 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Alienated || On-goingWo Geschichten leben. Entdecke jetzt