Chapter 2

2 1 0
                                    

...Planet Earth...
March 23, 1990
[ MANILA ]

"Fuck you gago!" mura ni Haze bago sipain ang lalaking nasa harap niya ngayon. Napasali sila sa gang fight ng hindi sinasadya. May umagrabyado kasi sa kasamahan nila kaya niresbakan nila. Ika nga nila 'One for all, All for One.'

"Haze may mga pulis tara na!" sabi ni Fel bago siya tumakbo para hilahin ang mga kaibigan. Si Angel naman na hindi mahilog sa mga fights ay nakasakay lamang sa van nila. Ito ang nagmamaneho para sa kanila ngunit kaya naman nitong makipaglaban, ayaw niya lang talaga.

"Yes Woohoo! kung nakita niyo lang ang ginawa ko don sa lalaki kanina. Nako maaawa talaga kayo. Maliitin ba naman ako. Kesyo di ko daw siya kaya dahil babae ako. Lul gago ba siya? Kaya ko pa kahit lima kasama siya."sabi ni Lainy kaya napangisi si Haze. Napakaingay talaga ng kaibigan niya kahit kailan.

"I know Lainy. Kahit naman ako eh." pagmamayabang din ni Haze na ikinatawa nilang lahat. Sampu sila sa van kasama si Angel. Bali siyam lang silang nakipaglaban at 14 naman ang nakalaban nila. Kulang kasi sila dahil si Joy Ann ay nasa ibang bansa pa para bisitahin ang mga magulang nito.

"Tama!"pagsang-ayon ni Lia.

"Lahat tayo, okay? We're trained well by master X."sabi ni Fel na nagpatahimik sa kanilang lahat. Maging si Fel ay napatahimik sa kaniyang sinabi. Si Master X ang nagtrain sa kanilang lahat. Hindi nila nakita ang itsura nito dahil lagi itong nakaninja suit ngunit kahit ganon ay napamahal ito sa kanila. Namatay ito ilang buwan na ang nakararaan dahil sa isang malubhang sakit. Para na nila itong tatay dahil marami itong naging impluwensya sa kanila at kapag may problema sila at wala silang matakbuhan, ito ang nagiging sandalan nila. Wala man itong pamilya dahil namatay na, sila naman ang tinuring nitong mga anak. Kahit nung mamatay na ito, hindi parin nila nakita ang mukha. Hindi kasi ito binurol at crinemate agad ng mga kaibigan nito na puro ninja din.

"Ano ba guys? I know na namimiss natin siyang lahat pero isipin nalang natin na hindi na siya naghihirap ngayon. Sa sobrang bait ni Master X paniguradong nasa langit siya at masaya siya doon dahil kasama na niya ang pamilya niya."pagbasak ni Janelle sa katahimikan. Pagkatapos non sinubukan nila na ibahing ang topic at naging mas light ang mood. Napag-usapan din nila si Joy Ann na nasa ibang bansa at after 1 month pa ang balik. Miss na agad nila ang kakulitan nito.

Alienated || On-goingWhere stories live. Discover now