Chapter 1

12 1 0
                                    

Zaccheus POV

...Velouté Planet...
—March 23, 20**—

*boogsh*

Napatingin ang lahat ng nasa silid na iyon sa pintong bigla na lang nasira. Sinipa pala iyon ng isang nilalang. Hindi nila alam kung anong klaseng nilalang ito dahil iba ang itsura nito sa kanila. May hawak itong sandata. Wala silang kaideideya kung anong klaseng sandata iyon ngunit sa planetang earth, tinatawag itong baril. Nang itutok ito sa kanila natakot sila. May kinalabit ito sa hawak niya at bigla nalang ito pumutok. Natamaan non ang isa sa mga hinahanggang veu ng kanilang planeta. Sa isang tingin pa lamang ni Zaccheus, alam niya nang wala na itong buhay.

Veu
noun | \ ve - u \

: the highest living form in Velouté planet
: an individual

Synonyms: Person, human, mortal, life, character

"Avva!" naisigaw niya ang salitang iyon na ang ibig sabihin ay ama ng makitang itinutok ng halimaw ang nakakamatay na sandatang iyon sa kaniyang ama.

"Avalus!" Sigaw niya at may lumitaw na espada sa kamay niya. Tumakbo siya palapit dito habang hawak ang mahabang espada na may nakaukit na pangalan niya. Siya lang ang nakakapagpalabas dito sa tuwing babangitin niya ang salitang 'Avalus'. Naging mabilis ang kilos niya na hindi namalayan ng halimaw na nakalapit na ito sa kaniya.

Agad agad niyang itinusok ang espada sa dibdib ng halimaw ngunit hindi parin natinag ang halimaw dahil sa kaniya naman nito tinutok ang nakamamatay na baril. Sa puntong iyon, nasa dibdib pa rin ng halimaw ang espada niya. Bata pa lamang siya at hindi sanay sa pakikipaglaban kaya hindi niya alam ang gagawin nang bigla na lamang napahiga sa sahig ang halimaw. Nakita niya sa likod nito ang kaniyang kaibigan na si Roché. May hawak na isang sandata katulad nung sa halimaw. Nakangisi ito na parang tuwang tuwa. Ang kaibigan niyang ito ay isa sa mga scientist o tagadiskubre ng mga bagay bagay. Marami itong alam pagdating sa siyensya.

"Yes!"sigaw nito at nagtatalon talon pa na parang bata.

"What the well is happening Roché?!" Malakas na sigaw ng ama niya na ngayon ay makikita ang galit sa mata.

"We are very sorry Lord Zero."paghingi ng tawad nito. "A lot of creatures like this one-" sabay sipa sa halimaw "is spread throughout the planet. We are trying to fix the problem. I just found out that this thing is the only thing that will kill them. By this time, few of them are already seen but we are trying to track each and everyone of them."

"Why didn't you tell me about this?"

"We're sincerely sorry. We thought that we can fix it without anyone, noticing." sabi nito habang nakayuko pa rin.

"But I am your leader! It is my responsibility to know every single thing that is happening in our planet and it is your responsibility to tell me every detail! Go back to your work now! And everyone of you! Go back to your family and make sure that they will be safe. You-" sabay turo sa isang gwardya na walang kanila lang ay hinarangan siya mula sa kalaban. "-Clean this mess now!" sabi nito at nakaturo sa bangkay na binaril ng halimaw kani-kanina lang.

"We need to find that girl immediately. Roché, find the location of 'the chosen one'. That girl is our only hope. She is the only
one that could help us."huling sabi ng kaniyang ama bago ito umalis ng silid na iyon. Sumunod naman siya palabas at tinanguan lamang si Roché. Alam niyang pupunta ang ama sa kaniyang ina.

AFTER 1 MONTH

Dumating na ang panahon na kinatatakutan nila. Napakaraming halimaw ang nagsilabasan sa mga lungga nila at pinagsisira ang bawat makita nito. Mapa-bagay o tao, mga wala silang sinasanto.

Ang araw din na iyon ang ayaw mangyari ni Zaccheus dahil sa araw na iyon alam niyang mapapalayo siya sa kaniyang mga magulang.

"Zaccheus, my son, do what it takes! You are our only hope. Find her, find that girl! Save our planet! Yi Muwi Zua." ang huling habilin ng ama niya bago ipalipad ang sasakyang pangkalawakan kung saan siya nakasakay. Nakita niya ang ama at inang patuloy na lumalaban sa mga hindi niya kilalang nilalang. Ang alam niya lang ay dapat niyang hanapin ang babaeng sinasabi ng kaniyang ama. Hindi niya kilala ito pero ang sabi ng kaniyang ama ay iilaw daw ang kwintas kapag natagpuan na niya ito.

Hinawakan niya ang kwintas sa hindi malamang dahilan ay may pumatak na tubig galing sa mata niya. Ang tawag nila dito ay maje (ma-je) na sa mundo ng mga tao ay luha. Ayaw niyang iwanan ang kaniyang mga magulang pero kailangan niya itong gawin para sa kanilang planeta.

"Father and Mother, wait for me. I'll save you and the whole planet." he said before closing his eyes. Nakatulog siya dahil sa pagod at kahiluhan. Ito ang unang beses na sumakay siya sa isang pangkalawakang sasakyan at hindi niya pa kasama ang kaniyang mga magulang. Masakit para sa kaniya na iwanan ang mga ito. Bata pa siya kung masasabi.

Kung ibabase sa mga Veu (tawag sa mga nilalang sa kanilang planeta),  siya ay siyam na veun (taon) pa lamang ngunit sa planetang earth masasabing siya ay 22 na taong gulang na. Mas mahaba kasi ang revolution ng planeta nila kaysa sa ating planeta.

Zaccheus ang kaniyang ngalan. Walang apelyido o middle name. Sa velouté planet, hindi mo kailangan ng apelyido. Tanging pangalan lang na ikaw lang ang makakagamit dahil ang bawat veu ay may sinusunod na batas kung saan hindi dapat maulit ang pangalan kung may gumagamit na nito.

Sa mundo nila, iisa lang ang namumuno. Ang ama niya ang namumuno sa planetang ito. Maraming nagsasabi na hindi naman daw veu ang kaniyang ina pero isinawalang bahala niya ito.

Nang magising si Zaccheus, nakita niya mula sa screen ng sasakyan ang kinaroroonan niya at kung saan siya pupunta. Halos kalahati na ang nababyahe niya. Kinakabahan siya sa totoo lamang dahil hindi niya sigurado kung anong klaseng nilalang ang makakasalamuha niya sa mundong iyon.

Tinitigan niya ang screen na umiilaw at binasa ang nakasulat dito. Ito ang lugar o ang tawag sa planeta kung saan siya papunta.

Ang planetang

"Earth" huling bigkas niya bago bumilis ang pagbaba ng sinasakyan at nawalan siya ng malay.

Alienated || On-goingWhere stories live. Discover now