Chapter 1 - Introduction of Gabriela

3.5K 40 5
                                    

Chapter 1

Hello! Ako nga pala si Gabriela Yrastorza Elizalde. Ela nalang ang itawag nyo sakin. Mas kilala nila ako sa ganung tawag e. 2nd year highschool palang ako, sa isang international school. May pagkaboring ang buhay dito, karamihan kasi ng estudyante dito kikay, di ako belong sa ganun no. Simple lang ako. Di kapansin pansin dito sa school. Though galing ako sa kilalang pamilya, mas gusto kong ganto, atleast tahimik ang buhay ko dba? hehe. Yung mom ko, isa syang kilalang lawyer while my dad, doctor naman sya. Galing no? Two opposite profession tas nag click sila, true love. <3 Kaso lagi silang busy. Hai. May isa akong kapatid, lalaki. Mas matanda yun sakin, nasa Harvard sya ngayon, dun sya nag aaral. Pangarap ko din yun. :) Ang talino kasi ni Rap. Haha. Oo kuya ko sya, but he doesn't like being called kuya e. Nakakatanda daw sa image nya. E teka, tama na nga! Ang boring na ng kwento ng buhay ko e. Haha.

*Booog*

"aray ko naman!!!! Ano ba yan?! Tingnan mo naman ang dinadaanan mo! Tingnan mo, nalaglag tuloy tong mga librong dala ko!" Papunta na ko sa classroom dapat galing sa locker ng may bumangga sakin.

"ela! Okay ka lang?" tanong ni Jepai sakin, ang bestfriend ko sa school.

"Anong ako?! E ikaw nga yung haharang harang sa daan e. Apat na nga yang mata mo di mo pa makita ng ayos dinadaanan mo?!" sabi ni Ian, sya yung bumangga sakin. Hay nako. He's the worst person na makikilala mo dito sa campus. Sobrang yabang nya. Ubod ng yabang. >.<

"Hoy! Sinong apat ang mata ang sinasabi mo ha?!" sagot ko.

"Malamang ikaw! Sino ba tong bumangga sakin?"

"ang kapal mo talaga! ikaw nga yung bum-- HOY! HOY!"

Bigla nalang sya naglakad paalis.

"Hay nako ela, yaan mo na yung ian na yun, akala mo ba magsosorry yun? Umasa kapa. E wala ngang sinasanto yun e."

"kasi naman jepai, nakakainis syaaaaa! Sya naman talaga yung bumangga sakin dba? hay."

"Wala tayong magagawa. Mayabang talaga yung timang na yun e."

"Aray, may sugat pala ko sa may wrist. Pero tara na, malalate na tayo e." :(

Naglakad na kami papuntang room. Nakita ko si Ian, andun sya sa may bleachers, para syang upuan sa stadium. Dun ang tambayan nila e. Ayun, nagmamayabang na naman dun ang mokong! >.<

Meanwhile sa classroom..

"elaaaaaaa! anong nanyari sayo?! nasabi samin ni jepai ang nanyari kanina sayo." tanong nila ninz, kim, jamae, rian, czai, ina, at tine.

Mga kaibigan ko sila dto sa school. Mababait yan, matatalino pa!:) Keri keri girls ang tawag sa grupo namin, kung bakit? haha. Katuwaan lang kasi yun, pag may sinabi kasi ang isa samin, laging ang sagot, keri lang yun. Parang okay lang yun. Ganon. Buti nalang andan sila.

"ayun, nasugatan ako. di man lang nagsorry. Tinawag pa kong apat ang mata. Hai." :( naka eyeglasses kasi ako, malabo mata ko e. Ewan ko ba.

"yaan mo na siya. dadating ang panahon at luluhod din yan sa harap mo!" nagjoke na naman si jamae. Haha.

"sus. Haha. Dapat lang no. Ang yabang talaga nun." >.<

Hanggang nagbell na, lunch time, kakain kami ngayon sa canteen.

"jepai, samahan mo naman ako, magpapapalit lang ako ng pera."

Sa school kasi namin, magpapapalit ka muna ng pera, chips ang kapalit nun, yung parang sa casino, yung mga pambayad sa laro. Tapos yun ang pambayad mo sa mga bibilhin mo sa school, ay, daming arte nu?! ><

My first romance. My first heartbreak.Where stories live. Discover now