Chapter 30 - Adventure time 2

104 3 0
                                    

I a n' s POV

Ang saya saya ko, ngayon kasi parang nagkakapag open na ko kay Gab. Tungkol sa buhay ko. Syempre kung gusto ko syang maging part ng buhay ko, dapat alam nya din yung past ko di ba? Ayoko lang kasi na may secrets kami sa isa't isa. Mas mabuti yung open kami sa lahat ng bagay. :)

"Ian, gusto mo kain muna tayo? Kanina pa tayo nakababad sa dagat e.. Nakakagutom! Haha!"

"Sure! Pero..."

Nakatingin sya sakin, inaantay kung anuman ang susunod kong sasabihin. Pero lumapit ako sakanya at niyakap sya.. Halatang gulat na gulat sya sa ginagawa ko.

"Ian? Okay ka lang?"

"Oo. Gusto ko lang makasiguro kung totoo ba tong nangyayari. Kung kasama ba talaga kita at hindi panaginip."

"Haha! Totoo ako no. Hindi to panaginip. Yakap yakap mo nga ako ngayon e."

At saka ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

"Okay ka na? Tara na. Kain muna tayo tapos one last babad sa dagat uwi ndn tayo."

"Sige."

Nauna syang pumunta sa may ilalim ng puno kung saan nandun ang mga gamit namin. Nagbukas sya ng pringles at saka umupo. Agad ko naman syang tinabihan.

"Ian, pwede bang magtanong?"

"Ano yun?"

"Dati.. Nung outing.. Di ba natakot ka nung iniwan kita? Naaalala mo? Di ko alam anong meron pero nagalit sila sakin nun."

"Ah. Sige. Sasabihin ko sayo. Pero kiss mo muna ko?" Syempre nagpacute ako. Hahaha! Ayokong pinag uusapan yun, pero syempre alangan namang ilihim ko kay Gab yun di ba? Parang ang unfair ko..

"Ian naman e?"

"Oo na. Nagbibiro lang naman ako. Hmm.. Si mommy, namatay sya nung 10 yrs old ako. Laging gabi umuuwi ang dad sa bahay dahil sa trabaho. Madami din syang babae noon. Lagi nyang sinasabi na ginagabi sya dahil sa trabaho pero ang totoo nauubos ang oras nya sa mga babae nya. 1:30 am nun, nakadinig ako ng sigaw sa kwarto ng mga kapatid ko, lalabas na sana ako ng pinto ng biglang pumasok si mom sa kwarto ko, sinabi nya na magtago ako sa cabinet ko na agad ko namang sinunod dahil may mga magnanakaw daw na nakapasok sa bahay. Magtatago na sana sya sa ilalim ng kama ko ng biglang pumasok ung mga lalaki.. Limang lalaki.. Malalaki ang katawan at may itim na balot ang mukha. Tinanong nila ang mommy kung nasan ang pera pero hindi sya sumagot. Nakipaglaban sya sa mga lalaki.. Hanggang sa nakita ko pano nila bugbugin si mommy. May kaunting awang sa cabinet ko kaya nakita ko lahat ng nangyayari. Gustong gusto kong lumabas pero takot na takot ako. At nang muli nilang tanungin si mommy  kung nasaan ang pera. Sinabi nya na din kung nasaan. Pero di dun natapos.. Binaril nila si mommy.. Ilang putok ng baril Gab!! Tang*na!! Wala man lang akong nagawa..." At dun ko narealize na umiiyak na pala ako. Masakit everytime na maaalala ko yun. Wala akong nagawa para sa sarili kong ina..

"Sorry Ian.. Kaya pala ayaw mong pag usapan yan. Ngayon alam ko na.. Sorry.." Niyakap ako ni Gab.. Di ko mapigilan yung iyak ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Ang mommy ko lang ang nakakaintindi sa lahat ng pinagdadaanan ko. Dahil sya lang ang kasama namin sa paglaki naming magkakapatid. Pero nung time na yun, sana may ginawa ako. Sana man lang may ginawa ako kahit papaano para man lang hindi namatay si mommy ng gabing yun."

"Ian, wag mong sisihin ang sarili mo. Bata ka palang din naman nun e. Alam ng mommy mo na ginusto mo syang tulungan pero alam ko na mas gusto ng mommy mo ang kaligtasan mo."

"Salamat Gab nandyan ka. Sorry ngayon ko lang to sinabi sayo ha. Kasi masakit talagang alalahanin yung mga ganung bagay. Every time na madilim, yun ang bumabalik balik sa isip ko. Mahirap kalimutan Gab, lalo na yung sakit na makita mong ang mommy mo pinapatay sa harap mo at wala ka man lang nagawa. Haaaaay.."

"Sorry Ian.. Umm, wag kang mag alala, kahit nasan man sya ngayon, alam ko na binabantayan nya kayong magkakapatid. At alam kong proud na proud sya sainyo lalo na sayo. Kaya cheer up Ian ko!!"

"Ano nga ulit yun Gab??"

"Ha? Wala akong sinabi Ian ha. Tara na magswimming ulit!"

"Hindi! Sabi mo Ian ko eh. Sabi mo sayo ako? Tama ba Gab?"

"Mali ka ng dinig Ian, gutom lang yan! Ikain mo lang yan."

"Gab naman e.." At binigyan ko sya ng isang matinding sad face.

"Ian wag ganan. Ayoko ng ganan itsura mo, enjoy lang dapat. Masaya lang dapat. Smile na!"

"Mag ssmile ako kung sasabihin mo ulit yung sinabi mo kanina."

"Okay! Fine. Smile ka na Ian ko." At tsaka naman sya nag blush.

"Hahaha! Oh bat ka nagbblush? Babygirl, salamat at nandyan ka para sakin. Salamat kasi kahit puno ng drama yung buhay ko, may isang rason naman ako para maging masaya at para maging positive sa buhay."

"Wala yun no. Ikaw din naman e, simula nung umalis ang family ko, ikaw na yung palaging nandyan para sakin. Tandaan mo, maging tayo man o hindi sa huli, andito lang ako lagi para sayo. Salamat sa trust na binigay mo, alam kong mahirap i-share sa iba yung ganung klaseng kwento pero pinagkatiwalaan mo ko.."

"Syempre naman, mahal kita e, at gusto kong araw araw mong malaman at maramdaman yun. Gab, mas magiging masaya ako kung magiging tayo sa huli."

"Umm.. Ian.. umm.. Sorry, di pa talaga ako ready pumasok sa isang relasyon. Feeling ko ang laking commitment nun, at hindi pa ako handa sa ganun. Kung magiging tayo, ikaw yung first ever boyfriend ko. Pano kung di ko magampanan ng ayos yung pagiging girlfriend mo? Pano kung di ko kayanin yung pressure na maging girlfriend mo? Pano kung kulang..."

Hindi ko na sya pinatapos at hinalikan ko sya sa labi. Ang sarap at ang lambot lambot ng labi nya. Nakita ko yung gulat na gulat nyang reaction, shet. Lagot ako nito. Nag hihintay akong sampalin nya na ako pero nakatingin lang sya sakin..

"Sorry Gab. I didn't mean to.. Bakit mo naman iisipin na baka hindi mo magampanan ang pagiging girlfriend sakin? Bat ka mappressure? Dahil sa sasabihin ba ng ibang tao? Gab, mahal kita at kung mahal mo ako, I guess sapat na yun. Ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo kung malalaman ko din na mahal mo ako. Boyfriend/girlfriend? Sa tingin ko label lang yun, pero what's important is, yung feelings di ba? Yung nararamdaman nyo para sa isa't isa."

Nakatingin pa din sya sakin.. Sh*t naman. Ano? Galit ba sya or what? 

"Uy Gab? Magsalita ka naman.."

"Umm.. Ian, kaya pala madaming babaeng nahuhumaling sayo eh, kasi ang sarap mong humalik.."

"HA?!?"

"Ano ngang sinabi ko? Uwi na tayo. Yun ang sabi ko."

"Hindi Gab e. Sabi mo masarap akong humalik? Haha!"

"Umuwi na tayo. Ano bang pinagsasasabi mo?"

Nagmadali syang tumayo at pinipilit nyang iiwas sakin ang tingin nya, akala ko galit na pero nahuli ko syang ngumiti. Haha! Nag ayos na kami ng gamit at sumakay sa kotse ko. Sa bahay na kami magbibihis at magpapalit. Hay ang saya ng araw na to, Lord, alam kong ang dami kong kasalanan sayo pero eto, sobrang binebless mo pa din ang buhay ko. Salamat sa pagkakataon na binigay mo para makilala si Gab. Thank you po, wag po kayong mag alala, aalagaan ko po sya at hinding hindi sasaktan. :)


.......................Author's Note.........................

Wow, ang tagal na bago ko na update ulit tong story kong to. Pero wala, gusto ko talaga tong pagsusulat kaya ready na kong i-push talaga to. Hihi! Salamat sa pagbabasa guys!!!! :D

P.S.

Sorry sa mga matagal nag abang! HEHEHE. ENJOY. <3

PLEASE: Comment (Nirereply-an ko lahat yan), Vote and Be a Fan. Hehehe. :)))

Pa-follow po sa Twitter: elovesyouu and Tumblr: elahlovesyaelyraz.tumblr.com. Thanks! :)

Love love,

YAELASH ;) ♥


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My first romance. My first heartbreak.Where stories live. Discover now