Chapter 2

211 41 2
                                    

Chapter 2

"How can I stay happy if the ones making me alive are no longer here?"

SAMANTHA'S POV

Hingal na hingal ako pabalik ng bahay namin at halos matumba na ako. Pinahid ko ang pawis ko at dahan dahang naglakad.

Nakakainis talaga yung lalaking yon! Kapag nakita ko talaga ulit pagmumukha nun, humanda siya sakin!

Sinubukan kong buksan ang gate namin, hoping na nakabukas na para lihim akong makapagpasok ng bahay at dumeretso ng kwarto. Pero sa kasamaang palad, hanggang ngayon, malas pa rin ako.

Sarado pa rin argh, bwiset.

Nagulat ako nang biglang nag open sesame ang pinto at bumungad ang bagong gising na si dad. Napatalon ako sa sobrang pagkasindak at agad akong yumuko at tumago sa may tabi ng poste.

" Lumabas ka Samantha. Alam ko nagtatago ka dyan " , narinig kong sabi ni dad at namula ako sa kahihiyan.

Patay! Nahuli ako! Nubayan, di man lang ako makatakas kay dad.

Nagpakita ako sa kanya at bakas ang pagkaseryoso sa kanyang mukha.
Binuksan niya ang gate at tiningnan ako head to toe. Taray!

His arms were crossed and looked directly through my eyes. Medyo nakakatakot yung eyeballs ni dad, bilog na bilog tapos ang itim pa, nasasapawan yung white area ng mata(basta yun). Hindi ako makatingin ng deretsohan kay dad at nagsimula na akong pagpawisan.

I can smell consequences like being grounded! Ugh. Please no.

" Bakit di ka umuwi kagabi? Ba't ngayon ka lang? " , seryosong tanong niya saakin. Parang kakainin ako ni dad ng buhay kung makatingin saakin! Save me, Lord!

" D-dad....i can explain " , nauutal kong sagot sa kanya. Hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya kasi kinakabahan ako sa mga sasabihin niya. Baka kung anong consequences na naman ang matanggap ko after neto.

" Wag mong sabihin na kahit alas singko na ng madaling araw, nasa club ka pa rin ng mga oras na yun " , banggit niya saakin ng may pambabanta sa kanyang boses.

Yeah, my dad's a bit scary lalo na pag seryoso siya pero mabait yan. He's just concern and pinoprotektahan niya lang ako.

" What? Dad, no. Before 12:00 in the evening, I'm already here. Nawalan ako ng wallet when I was on my way back home. And unfortunately, andun yung spare key ko. Kaya ayun, hindi ako nakapasok last night and I just stayed up the whole night sleeping here outside " , I explained in detail, with full of sincerity.

Tiningnan niya muli ako sa mata at mukhang naniwala na siya sa sinabi ko.

" Ok, I believe you. But, what? You lost your wallet? When and where? " , tanong sakin ni dad.

" Yes dad. Hindi ko alam kung saan ko nawala. Basta one thing I know, is kagabi ko lang yun nawala " , sagot ko sa kanya at napakamot siya sa kanyang baba na parang nag iisip ng ideya

" Sinubukan mo na bang hanapin sa loob ng club? " , tanong sakin ni dad and I shook my head.

" I'll call into some detectives para mahanap nila ang wallet mo. " , sagot niya saakin at nanlaki ang mga mata ko. Wallet lang yun dad, don't need to be serious that much.

" No daddy! Wag na. Ako na lang maghahanap ok? " , pangungumbinse ko sa kanya. Kasalanan ko naman kung bakit nawala kaya it's my responsibility to find it.

Less Than Three[On Going]Where stories live. Discover now