Chapter 4

120 27 2
                                    

Chapter 4

" Obsession never leads to anything good "

SAMANTHA'S P.O.V

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni daddy na nakikipag-usap. Nadama ko ang init ng araw na dumapo sa aking balat at minulat ko ang aking mata at bumungad saakin ang puting kisame. Where am I?

Tumingin ako sa aking gilid at nakita ko si Andrei na busy sa paglalaro sa kanyang tablet. Nakita ko ang tatay ko na kausap ang isang doctor sa labas ng pinto. Ba't ako nasa ospital? Anong nangyare?

Sinubukan kong umupo pero parang namamanhid ang aking mga binti. Naramdaman ko ang sakit ng panga at pisngi ko pati na rin ang aking ulo. Oo nga pala, I was beaten last night by Tyler.

Nagulat si Andrei sa biglaan kong pagbangon at nakita ko ang pag-aalala sa pagmumukha niya. My sweet lil bro. Kahit medyo savage yan saken, may care pa rin yan sakin.

" Dad! She's awake! " , sigaw ni Andrei sabay tumayo para puntahan si daddy sa labas.

Napakamot ako sa ulo ko na may nakapalibot na bandage. Naalala ko bigla ang nangyari kagabi. Ramdam ko pa rin ang mga suntok niya na tumatama sa aking katawan. Humanda siya sakin kapag nakaganti ako sa kanya.

Sa ngayon, hindi ko pa magawang sabihin ang totoo. Ayokong madamay ang pamilya ko dito at pati na rin ang mga taong malapit saakin. Darating din ang tamang oras na matatapos din to at maibubuga ang katotohanan.

" Hey baby, how are you feeling? " , lumapit sakin si daddy at umupo sa may gilid. Mukha ba akong sanggol?

" Medyo matamlay pa katawan ko dad " , sagot ko sa kanya. Kita ko ang pag aalala sa mga mata ng aking pamilya at hindi ko maiwasang maguilty.

" Dok! Gising na ho siya! " , sigaw ni daddy na may halong tuwa sa kanyang boses. Napatingin ako kay Andrei at nagtitimpla siya ng inumin. Nangibabaw ang amoy ng kape at nilasap ko ang amoy nito na sobrang bango.

Biglang pumasok ang doktor at kung ano ano ang chineck saakin. Tinanong niya rin ako kumusta na ang pakiramdam ko at sinabi ko lamang na medyo masakit pa ang panga at ulo ko. Habang ang pamilya ko naman ay nag aabang sa sasabihin ng doktor, bakas pa rin sa kanilang mukha ang pag aalala.

" Nasa mabuting kondisyon na po ang pasyente. Konting pasa at sugat lamang ang kanyang natamo. Bigyan ko na lang ho kayo ng gamot para sa pasyente " , sabi ng doktor at agad na natuwa sila sa sinasabi nito.

" Naku, mabuti naman kung gano'n! Salamat dok! " , pasasalamat ni daddy at umalis na ang doktor.

Lumapit saakin si daddy at sumulpot naman si Andrei para bigyan ako ng kape. Napangiti ako at kinuha ko na lamang ang cup at ininuman ito. Pwe! Ang tamis! (-﹏-)

" Ang tamis! Para akong naglaklak ng asukal! " , reklamo ko sa kanya at agad na kumunot ang noo niya.

" Luh! Dami na nga ng tubig nyan! " , pagdedepensa niya saakin at nilagay ko muna ang cup sa mesa sa gilid ng hospital bed.

Kahit palaasar yang lalaking yan, very caring yan lalo na pagdating sakin. Kaya kapag nag alala yan sakin, ginagawa ko ang lahat para gumaan ang loob niya.

" Anak? " , tawag saakin ni daddy at napuno ng kaseryosohan ang buong paligid. Agad akong kinabahan sa mga sunod niyang tatanugin. I can't tell them about Tyler too.

" Y-yes daddy? " , bigla akong nautal at hinawakan niya ang kamay ko.

" Sino gumawa sayo nito? " , deretsuhan na tanong saakin ni daddy. Nakatingin siya sa mga mata ko at hindi ako makatingin sa kanya.

Less Than Three[On Going]Where stories live. Discover now