IX - Subtle Way of Saying Stupid

4.2K 224 10
                                    

Isang like muna jan mga beshiewaps!!!

___

Deanna's PoV

Monday na naman. Hindi naman sa nagrereklamo ako na M-W-F ko makakasama yung Jema sa isang subject, pero parang ganon na nga. Madali lang yung Earth Sci pero nakaka walang gana dahil sa isang classmate ko. Dagdag mo pa yung paglalandian nila ng boyfriend nya everytime. Nakakainis pang part yung ginawa ng permanent seats yung pwesto namin since first meeting. Malas ko naman na napaupo ako sa likod ng dalawang to.

Kalma, Deanna! Isang sem lang yan tiis lang. Breathe in breathe out

"Ok, guys! Listen up! Good news, wala kayong home work all through out  this semester." Sabi  ng Prof namin and as usual, napasigaw at tueang tuwa kaming mga students. "Except for one!" Damn! We spoke too soon. Sayang akala ko one subject less to worry about.

"This we'll do for the rest of the semester. I want you, guys, to find any updated article about our subject. Pwede manggaling sa news papers, magazines, internet or any reliable source under the sun. Read it up and write a reaction paper  of about two pages minimum. Uulitin ko buong sem nyo gagawin yan, and every week on mondays dapat meron kayong maipass. At bawal ang magkakaprehong article. Pero dahil mabait ako, first article will be coming from me na, so pare pareho kayo muna. This is due next monday.

Syempre ayoko naman kayo mahirapan kaya I want you to select your partner. Be very selective kasi partners kayo buong sem, grades nyo lang naman nakasalalay dito." Paliwanag ni Prof.

Inikot ko yung mata ko only to realize na lahat may partners na. Swerte ko naman!

"Everyone paired up?" Tanong ng Prof ko.

Tinaas ko naman yung kamay ko, "Yes, Ms. Wong?"

"Wala po akong partner." Maikling sagot ko.

"Oo nga pala. Odd number nga pala yung count nyo. Hmmm..." Isip nito.

"Ms. Galanza and boyfriend, paki ampon si Ms. Wong kasi wala syang partner." Pakiuso ni Prof.

"No way in hell!" Napasigaw ako bigla.

"Woah! Languang Ms. Wong!" Puna ng prof.

"Prof. Piscos, Sabi nyo nga po kanina nakasalalay yung grades dito and I don't want to compromise mine. I would rather do it on my own." Explain ko.

"Are you saying we're not good enough?!" Rebuttal naman ni Jema na may kasamang deadly glare.

"Oo nga parang sinasabi mong mahina kami ah!!!" Inulit nya lang sinabi ni Jema, see the reason why?

"No offense, Mike. Pero parang ganon na nga." Sagot ko.

Maririnig mo naman yung jeers ng mga classmates namin,

"Oooh!"

"Double kill!"

"Savage ni Wong!"

To avoid anymore tension our Professor spoke, "Alright Ms. Wong, do as you please. Pero hindi dahil mag isa ka may special consideration sayo ha? Walang ganon. Always submit the papers in time. Ok?"

I just nodded.  It can't be that difficult naman siguro.

---

I was done with all my classes and headed straight to the gym. Mejo napa aga na naman ako at naabutan ko yung women's volleyball team on their training.  Usually, di ako manonood kasi I hate anything volleyball but surprisingly, I sat on the bleachers and watched them.

Nakita naman ako agad ni Trish at halata ang pagkagulat na andito ako ngayon. Tumakbo ito palapit sakin, "Best, anong ginagawa mo dito?!"

Inirapan ko naman sya, "Obviously, nanonood habang naghihintay na matapos kayo."

Travel Back In TimeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora