XLIV - Lahat na Lang

5.5K 216 25
                                    

Vote muna bago basa!

Good vibes lang tayo. Hehehe

Follow! Comment!

---

Jema

Nagulat ako sa pagsalubong ng kapatid ko... Well, hindi sakin.

"Kilala mo sya?" Tanong ko sa kapatid kong 5 yrs old pa lang.

Kitang kita ko naman ang malaking ngiti nya habang nakayakap kay Wong, "Yes, ate. Crush ko to ih. Lodi ko!!!!" Excited na sagot nya.

Natawa na lang ako sa eksena namin ngayon. "Baby Ashanti, bitaw ka muna kay crush ha? Di sya makatayo oh. Nahihirapan sya." Pakiusap ko dito.

"No, ate. Di kami pwede maghiwalay ih! " Pag suway nito sakin. "Malakas naman yan si idol ko, tignan mo kaya nya ko. Tayo ka, idol!" Utos nito kay Wong.

Natatawa namang tumayo si Wong mula sa lapag habang buhat buhat nya na si Ashanti.

"Kita mo na po, ate! Kayang kaya!"

Di ko tuloy alam magiging reaction ko.

"Baby, di mo ba namiss si ate? Hug mo naman ako, puro ka idol Deanna eh!" Pagpapapansin ko dito.

Nag pout naman ang little sister ko at nag isip ng onte.

Agad naman itong bumaba kay Wong at mabilis na tumakbo papunta sakin tapos niyakap ako ng mahigpit.

"1..2..3..4..5" Mabilis na bilang nito habang nakayakap na sya ring biglang bitaw after ng bilang. "Yan na po, ate." Sabay takbo na naman sa idol nya. Itinaas ang kamay kay Wong, "Buhat..."

Natawa na lang si Wong sa kapatid ko at binuhat nya na rin ito.

Naupo si Wong sa kama ng nakakandong ang kapatid ko.

Lumapit naman ako sa kanila at naupo rin.

"Sinong naghatid sayo dito Ashanti?" Tanong ko sa kanya.

"Si ate Clang po." Sagot nito. "Pag gising ko po kasi, nakita ko may naka tigil na car sa harap ng bahay natin. Alam ko ikaw na yun, te. Kaya nagmadali ako magpahatid kay ate Clang. Di mo naman po sinabi na kasama mo si crush eh." Medyo namumulang pisngi at nahihiyang sabi ng kapatid ko.

Nahihiya pa sya sa lagay na yan ah. Kung maka yakap. Lol!

Si Clarine, Clang for short, pinsan namin sya. Senior high na rin. Jan lang sya sa kabilang bahay nakatira.

"Eh nasan na si ate Clang?"

"Umuwi na po muna. Magluluto daw muna sya ng bweakfast natin." Paliwanag ng kapatid ko.

Ang daldal na talaga ng kapatid ko!

"Dito ka naman muna kay ate! Miss na miss na kaya kita!"

"Miss din kita ate! Sobla! Kaya lang andito si crush eh! YOLO!" Bibong sagot nya!

What the?! May pa YOLO YOLO pang nalalaman tong kapatid ko.

Natatawa lang ang reaction ni Wong. Pati kapatid ko, na corrupt nya na!!!

Natigil naman ang pag-uusap namin ng may kumatok sa front door.

Sabay naman kami ni Wong na tumayo para tignan kung sino. Paglabas namin ng room, nagtungo agad ako sa front door para tignan kung sino. Nasa likuran ko naman si Wong at Ashanti, nakasunod.

Agad kong binuksan ang pinto at bumungad ang pinsan kong si Clang.

"Good morning, pinsan!" Bati ko dito. Yayakapin ko sana sya kaso may dalang basket ng pagkain.

Travel Back In TimeWhere stories live. Discover now