CHAPTER XXIV: Ang Utos ng Reyna

1.5K 61 0
                                    

*** Leonard's Point of View ****

Agad akong tumungo patungo kay Tinyente Flamel.. hindi na niya kinaya at napahandusay na siya sa sahig.. inalalayan siya ng mga iilang kabalyero ng palasyo..

Halatang halata na may dinaanang mabigat na labanan ang tinyente.. duguan ang kanyang pulang kapa at sira na ang kanyang baluti.. napakalalim ng sugat na kanyang natamo sa tagiliran.. Hirap na hirap na siyang huminga

Kani kani lang ay masigla at maayos pa siya.. ano bang nangyari?

"Pakiusap! dalhin nyo dito ang mangagamot ng palasyo..! bilisan nyo!!" - me (sigaw)

Inakay ko ang duguang tinyente saaking mga braso.. maagang natapos ang piging dahil sa nangyari.. inalalayan ng mga tagapagsilbi ng palasyo ang mga bisita palabas ng bulwagan at unti unti nang lumuwag ang lugar..

"Tinyente Flamel! Tinyente Flamel!!" - me (natatakot)

Agad na tumungo si ama saaking tabi..

"Anong nangyari, tinyente?" - Haring Howard

Minulat ng nanghihinang tinyente ang kanyang mga berdeng mga mata.. napangiti siya sakin.. hindi niya alintana ang mga tulo ng dugo sakanyang bibig at pinilit niyang magsalita..

"Kamahalan, Prinsipe Leonard... Haring Howard..." - Tinyente Flamel

"Tinyente? anong nangyari?" - me

"Kamahalan, inatake po ng mga taong gumagamit ng itim na mahika ang hukbo ni Heneral Jorius.." - Tinyente Flamel

Nagulat ang lahat sakanilang narinig.. ako mismo ay hindi makapaniwala.. napatingin ako kay ama..

"Anong nangyari ama?! akala ko ba ay nasugpo nyo na po ang lahat ng mga taong yun!" - me (galit)

"Oo.. hindi ko pinapalampas ang pag gamit ng itim na mahika saating kaharian! lubos na ipanagbabawal yan!" - Haring Howard

Napatingin ako sa ibang direksyon.. kakainis! alam kong lubos at puspusang ginagawa ni ama ang kanyang makakaya upang sugpuin ang itim na mahika, ngunit bakit tila ay may nakakalusot pa?

"Nangyari po ang lahat.. *cough* nang pabalik na sa kaharian ng hukbo..*cough* inabangan po sila sa may gubat ng Valle.." - Tinyente Flamel (nanghihina)

** cough ** cough **

"Nang mabalitaan ko ang tungkol dun mula sa isang mensahero ay agad akong tumungo dun upang sumakulolo,.. **cough** ngunit.. nahuli na ako.." - Tinyente Flamel (nanghihina)

"Naubos na ang hukbo.." - Tinyente Flamel (nanghihina)

"Si Heneral Jorius?" - me 

Inpinikit ng tinyente ang kanyang mga mata at hindi na niya napigilang lumuha..

"Malala po ang kanyang natamong sugat mula sa mga kalaban.. pinilit ko po siyang iligtas, ngunit hindi na po kinaya ng aking katawan.. patawad kamahalan.. hindi nya po kinaya.. hindi po kinaya ni Heneral Jorius.." - Tinyente Flamel 

"A..ano?! hindi pwede yun! hinde!!" - me (sigaw)

Nanlabo na ang aking paningin.. at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha.. pansin kong lubos na nanghihina na ang tinyente.. ang Heneral.. hinde.. hinde.. kasalanan ko ang lahat..

**cough**

"Ngunit, kamahalan.. may gusto po siyang ipaabot sainyo.." - Tinyente Flamel (nanghihina)

Kahit na nanghihina na ay kinuha niya ang isang maliit at medyo madugong papel at inabot saaking kamay..

"Iyan na po ang huling sulat na maipapadala ko mula kay Heneral Jorius.. pakiusap po, basahin nyo.. ito po ang huling kahilingan nya sainyo.." - Tinyente Flamel (nanghihina)

Love Letters From a Prince - Love Beyond Time [Editing]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin