CHAPTER XXXV: Rose Eighmann

1.3K 54 10
                                    

*** Leonard's Point Of View ***

Inabot sakin ng tagapamahala ng subastahan ang isang maliit na parihabang papel na tinatawag nilang "cheke".. yun daw yung ipapakita ko upang makuha ang perang ipinangsubasta saking espada..

Isang maliit at mapinong papel?? nagbibiro ba sila?? pero totoo daw un ehh.. tinitigan ko lang ito saaking mga kamay..

Hindi ko maiwasang manghinayang... nahuli na ako.. wala na ang isa sa mga bagay na lubos kong pinahahalagahan..

Ngunit.....

Ipinikit ko ang aking mga mata at niyugyog ang aking ulo.. 

Hinde! para ito sa ikabubuti ni Therra.. wala dapat akong pagsisihan!! 

Agad na akong naglakad at sumabay sa agos ng mga nagsisialisang mga tao at panauhin sa silid.. nagmasid masid ako ngunit hindi ko na nakitang muli ang binibini kanina..

"Lady Rose Eighmann.." - me (bulong)

Hindi parin siya maalis saaking isipan.. hindi parin maalis ang paglalaro ng aking isipan kung saan ko ba siyang nakita..

Lumabas ako sa elevator at tumungo sa silid namin ni Therra.. nang buksan ko ang pinto ay napa atras ako at nagulat nang makita ko ang nasabing binibini sa tabi ng kama ni Therra na sawakas ay nagising na.. nasa kabilang tabi yung ginoong tumulong saamin kanina..

"Huh?" - me

Nang makita ko ni Therra ay tila ay agad itong napaiwas ng tingin mula sakin.. Napatulala ako dun sa pinto..

"A...anong ginagawa ...." - me (gulat)

"Kumusta!!! ikaw yung binata sa subastahan kanina! maupo ka please.,." - binibini

Hindi na ako nakaimik pa at dahan dahang tumungo sa loob ng silid at naupo... hindi ko maalis ang tingin ko sakanya.. bakit kaya??

Napakaganda niya at mukhang mamahalin ang suot niyang damit at sapatos.. ngunit napaka simple niyang tignan.. simple ngunit napaka elegante...

May... kakaiba sakanya..  pilit kong inaalala.. may katulad siya...

Ano naman ang kailangan nila samin ni Therra na walang wala..?

"Humihahon ka, binata.. wala kaming masamang intensyon.." - binibini (ngiti)

"Uh.." - me

Napalingon ako sakanyang direksyon.. halata ba talaga ang aking pagdududa sakanila?? pano kaya nila nabasa yun?

"Buti at gising kana kumusta ang pakiramdam mo??" - binibini

Mahinahon niyang hinawakan ang mga kamay ni Therra na halatang kampante sa mga taong ito..

"A..ayos lang ako.. okay na ako.." - Therra

Napangiti ang binibini at halatang halata na nasisiyahan siyang makita si Therra..

"Buti naman kung ganoon!" - binibini

"Uh..ano bang nangyari.. at bakit kami naririto ng aking kasama?? sino po kayo?" - Therra

Naging sunod sunod ang tanong ni Therra sakanila.. hindi ko din naman siya masisi.. kalmado parin ang binibini at napangiti ng buong galak..

"Naku.. ipagpatawad mo.." - binibini

Napaharap siya saming dalawa si Therra..

"Ako nga pala si Rose Eighmman.. ipagpatawad nyo kung naging marahas kami at hindi na nasabi ang lahat.. wala kaming masamang intensyon sainyo.. gusto lang naming makatulong.." - Rose

Love Letters From a Prince - Love Beyond Time [Editing]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang