C h a p t e r - O n e

2.6K 58 5
                                    

Dedicated to her kasi po nagagandahan ako sa FF niya. Lalo na ang Trolled Heart. Na'inlove ako kay Chen doon! Myehehe :"> 

C h a p t e r – O n e

-Kristen-

 

 

‘Kristen tinatawag ka ni ma’am.”  Bulong ni Jackie sa akin kaya napa’angat ako ng tingin.

 

“Paki solve ang nasa harap.” Sabi ni ma’am. Napatingin ako kay Jackie at sinsabing kaya ko ito.

Tumayo na ako at naglakad papuntang harap para I’solve ang nasa blackboard. Pero biglang nagtawanan ang mga classmates ko kaya nilingon ko sila. Napatingin ako kay Jackie na kagat kagat ang ibabang labi. Tumingin ako sa nasa likuran ng upuan ko nakangise lang siya. May mali ba?

 

“Ms. Dimalanta I think nakalimutan mong may dalaw ka today?” nagkataas kilay na sabi ni ma’am. Biglang nanlaki ang mata ko sabay tingin sa likuran ng palda ko. Halos manlambot ang tuhod ko dahil may tagos ako at nakita nilang lahat iyon, pati siya.

Nakakahiya ako! Nakakahiya!!!

Nagexcuse ako kay ma’am at tumakbo na ako palabas ng classroom at nagtungo’ng cr. Anong gagawin ko? Paano ba ito! Aish! Tinanggal ko ang palda ko mabuti na lang at naka short ako. binasa ko ang part na may tagos at ni’rub iyon. Parang naglalaba lang. Kulay yellow kasi itong skirt namin kaya kitang kita ang pulang mantsa dito. Napatingin ako sa short ko. Nakakainis naman bakit diko alam na dadalawin pala ako ngayon?

Sinuot ko na ulit ang palda ko at nagtungo akong canteen para bumili ng pad. Nagtungo ulit ako ng c.r para suotin iyon.

Nakakahiya talaga ako! Nakita niya pa tuloy yung tagos ko. Nakakainis.

Padabog akong naglakad papuntang garden ng school. Hindi muna ako papasok ngayon sa next subject nahihiya pa kasi ako sa mga classmates ko. At tsaka ayoko muna ang umupo baka matagusan ulit yung palda ko galing sa tagos sa short ko.

Ilang oras kaya ako tatayo dito? Tss. Naglakad lakad muna ako ng may mapansin akong parang may nakasunod sa akin kaya napalingon ako at nakita ko siya nakatingin ng seryoso sa akin. Hala ano kaya ginagawa niya dito? Tinalikuran ko siya at naglakad ulit ako. Tumigil ako nung napansin kong wala na siya sa likod ko kaya nilingon ko ulit siya at tama nga ako wala na siya sa likod ko. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad pero pagharap ko halos mawalan na ako ng hininga.

 

“WaahhhHmpppp!”kasi naman eh nakakagulat yung pagtalikod mo bigla bigla na lang may nakatayong gwapo na lalaki sa harap mo at sobrang lapit ng mukha niyo?

Stranger [BTS-Jungkook FF] [Completed]Where stories live. Discover now