C h a p t e r - E l e v e n

1K 41 3
                                    

A very short and lame update. :3 Na’delete ko yung una kong nagawa para sa episode na ito. T_T And I tried my best para makagawa ulit. Kelangan ko ng tapusin ang Stranger para di siya ma stock na OG eh short story lang naman siya. At excited na akong I’post an gang Fanfic ni V eh. Hihi :D

 

C h a p t e r – E l e v e n

 

Nasa isang tahimik na lugar ako. tanging yung ingay ng machine na nagpapakita kung tumitibok pa ba ang puso niya. Nasa unconscious stage pa rin siya. Hinihintay ang 24 hours na lumipas at pag dipa rin siya gumigising tatanggalin na ang oxygen na siyang tumutulong para magkaroon siya ng hininga at kung mangyayari man iyon ay tuluyan na siyang hindi magigising. Malakas ang pagkakabunggo niya ng truck kanina. Tumilapon siya sa malayo mula sa kinatatayuan niya. At maraming dugo ang nawala sa kanya.

Yung feeling na parang nawalan ako ng lakas. Na parang gusto ko na ding magpasagasa. Pero hindi pwede dahil alam kong gigising siya. Gigising siya at magiging masaya kaming dalawa.

Hinawakan ko yung kamay niya. sobrang lambot nito. Hinalikan ko yun at tumingin sa mukha niya. ang himbing ng tulog niya. napansin ko yung gasgas sa may noo at pisngi niya pero kahit ganun maganda pa rin siya. Isa pa rin siyang anghel.

“Hijo, umuwi ka muna kelangan mo ding matulog. Gabi na oh.” Sabi ni tita sa akin. Pero umiling ako. kelangang nasa tabi niya ako. hindi ko siya iiwan baka kasi pagbalik ko dito hindi ko na siya maabutan pero hindi. Hindi pwede! Mabubuhay siya. May awa ang nasa taas.

“Dito na lang po ako tita. Babantayan ko po si Kristen. Hindi ako aalis sa tabi niya.” sabi ko.

Napabuntong hininga na lang siya tsaka humiga sa may extra na kama sa loob.

Nagalit siya sa akin kanina, sinisi ako sa mga nangyari pero tanggap ko naman. Dahil sa akin nangyari ito. Kung sana hindi na lang niya ako nakilala. :( Pero di naglaon pinatawad din ako ni tita. Mabait siya kagaya ni Kristen. Bakit kasi napakatanga ko at kelangan ko pa siyang masaktan?

*

Bigla akong nagising ng gumalaw yung malambot na kamay na hawak ko. At nakarinig ako ng mahinang ungol. Napatingala ako at nagkusot kusot pa ng mata. Nakita kong gising na si Kristen bumubuka yung bibig niya pero ungol lang ang lumalabas. Tumulo yung luha ko. Seeing her in pain makes my heart crushed.

Agad agad kong ginising sina tita at Jackie na natutulog.

“OMG gising na si bakla?” dali dali silang lumapit sa kama ni Kristen.

Nakita ko kung gaano kasaya sina tita at Jackie na makitang gising na siya. Umiiyak sila at pati na rin si Kristen may luhang tumulo sa mata niya “Don’t cry baby. Be strong okay? Andito lang si mommy. Andito lang kami.” Pagpapatahan ni tita kay Kristen. Napailing ng marahan si Kristen habang umiiyak.

“S-s-shi-shino s-s-sh-sha?” tanong niya tapos tumingin sa akin. T-teka h-hindi niya ako maalala?

Napatingin sa akin sina Tita at Jackie tapos tingin ulit kay Kristen. “Oh My God!” bulong ni Jackie sabay takip sa bibig niya tapos umiling iling pa.

“Jackie call the doctor.” taratang Utos ni tita sumunod naman agad si Jackie.

Lalapit sana ako sa kanya pero bigla niya akong pinahinto at wag palapitin sa kanya. Galit ba siya sa akin? Ayaw ba niya talaga akong makita?

Pumasok sa loob si Dr. Ramirez at yung nurse. Chineck up niya si Kristen. “Kelangan niyang magpahinga at mahaba habang panahon para maka recover sa mga tinamo niyang sugat. Sa ngayon mahina pa siya at hindi muna siya makakapagsalita ng maayos dahil sa pagka opera ng panga niya.” sabi ng doctor. Nagpasalamat ako sa diyos at nabuhay siya. Sa nangyari sa kanya hindi mo iisiping makakaligtas pa siya.

Inoperahan siya sa may panga niya dahil sa may nag crack doon at yung kaliwang paa niya sinemento nila pati yung kamay niya.

“Doc… B-bakit k-kanina hindi niya ako maalala? Tinatanong niya kung sino ako?” tanong ko sa doctor. Napatingin silang lahat sa akin. Napailing ang doctor.

“She has selective amnesia.” Sagot ng doctor na siyang nagpahina sa akin.

So ibig sabihin noon isa ako sa taong nakalimutan niya? “M-mare’regain pa rin po ba niya ang memory niya, Doc?” tanong naman ni Jackie.

“Dadaan pa siya some examination, hija.” Sagot ng doctor.

Tumingin ako kay Kristen na mahimbing na natutulog. Dapat lang siguro na makalimutan mo ako. Dapat lang na kalimutan mo ang isang tulad ko. Isang gago!

Kung sakaling hindi na niya mare’regain ang memory niya and if she’ll going to lost it forever magiging stranger na ako sa kanya. Yung tipong magsisimula akong maging isang stranger sa kanya.

“Hijo…” napatingin ako kay Tita at saka ngumiti. Tatatagan ko ang loob ko para kay Kristen.

Ipapa’aalala ko sa kanya kong sino ako. Na ako yung taong mahal niya at yung taong mahal siya. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Magiging masaya din kami.  I will never lose hope, Kristen. Magiging masaya ka din, tayo. Everything will be fine.

The biggest fear in love is to be forgotten by someone you love.

--

Aww.. :3 sooo may amnesia si Kristen? Ibig sabihin hindi niya maalala si baby Kookie natin? Magkakapalit na ba sila ng posisyon? At first si Kristen ang stranger, sa huli si Jungkook na ba ang magiging stranger? Hmm. Pigilan niyo ako sa gagawin kong ending. Hahaha loljk! VOTE, COMMENT and FOLLOW! :)) 1 more chapter and then epilogue na. waahhh! Matatapos na din to sa wakas. Nyahaha! Anyways, pa’read din naman po ng isa ko pang BTS FF. Lucky I’m Inlvoe With My Bestfriend J-Hope’s fanfiction. Yun lang. Hihi.

Stranger [BTS-Jungkook FF] [Completed]Where stories live. Discover now