C h a p t e r - E i g h t

1K 41 9
                                    

C h a p t e r – E i g h t

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay na maayos. Buti na lang at tulog na si Mama. Kung hindi tadtad ako ng tanong galing sa kanya.

Nagdiretso ako sa kwarto ko at agad na napaupo sa sahig. Wala na. hinang hina na ako. Nasasaktan ako emotionally and physically. Sobrang sakit ng paa ko.  Biruin niyo tinakbo-lakad ko ang school papuntang bahay? Hindi na kasi ako nag abalang tanggalin pa ang heels ko dahil nagmamadali na talaga akong umuwi. Basang basa na din ako ng ulan. Ang swerte ko talaga. sobrang swerte. /sarcastic laugh/

Tumayo ako at humarap sa salamin. ‘maganda naman ako ah? Mas maganda pa kay Jackie. Pero bakit hindi mo ako mapansin?” nababaliw na din po ako. kinakausap ang sarili sa salamin.

‘Hindi ba pwedeng ako na lang? Jungkook-ah! Ako na lang please!” nagumpisa na namang tumulo ang mga luha ko.

Kelan ba ako mauubusan ng luha? Unlimited lang ang peg? Natawa ako sa hitsura ko. Yung mascara ko nagkalat na sa paligid ng mata ko. Yung buhok ko gulong gulo na nabasa ng ulan at yung floral crown ko nakabitin na sa buhok ko.

“I wish I could forget you. Like I forget everything I’ve studied seconds before an exam.” I heave out a sigh. Napatingin ulit ako sa salamin.

Tandaan mo Kristen. Isa kang stranger sa kanya. Isang invisible na kahit kelan hinding hindi niya mapapansin.

**

Nagising ako na masakit ang ulo at katawan ko.

“Achooo! Ahh.” Hala may sakit ako? naman! Bumangon ako at humarap sa salamin. Ang ganda ko. Laki ng eyebags sobrang itim tapos mugto pa. great! Sobrang ganda ko.

Bumangon na ako at bumaba para mag almusal. Nagulat si mama sa hitsura ko. Nilait pa ako pero wala ako sa gana makipag biruan sa kanya.

‘You’re not okay anak. Wag ka ng—

“Ma! Papasok ako. okay lang ako. malakas ako. sige na papasok na ako.” kanina pa ako sinasabihan na nanghihina ako. Pero gusto kong pumasok.

Wala ng nagawa si Mama kundi pabayaan na lang akong pumasok. Habang papasok ako biglang lumapit sa akin si JB. “Oyy. Sama mo. Tinakbuhan mo ako kagabi.” Naka pout pa siya.

Tinignan ko siya na walang ekspresyon.

“S-sorry. Bigla kasing sumama yung tiyan ko kaya umuwi na ako. Jb sorry talaga.” pagsisinungaling ko.

Dahil sa pagmamahal natuto akong magsinungaling. >_<

“Ahh ganun ba? Hehe. Okay lang.” nilagpasan ko na siya. Wala ako sa mood makipag usap.

Pagpasok ko ng classroom agad akong niyakap ni V. Napasinghap ako. Narinig ko ang bulungan ng mga ka klase ko.

“V-v! H-hindi ako m-makahinga!” sabi ko. Agad naman siyang humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako sa mata. “I know you’re hurt.” Sabi niya. naguluhan naman ako doon.

“H-ha? Pinagsasabi mo—Achooo. Excuse me. sorry.”putspa naman oh. Panira tong sipon ko. Nagtakip ako ng ilong gamit ang panyo ko.

“May sakit ka? Nagpaulan ka ba kagabi?” tanong niya. dahil pina’alala na naman niya yung kagabi. Diko mapigilan kundi umiyak. Tumulo na naman yung luha na kahapon ko lang inubos. Ngayon naka refill na naman.

“H-hey! B-bakit ka umiiyak?” nag aalalang tanong niya. bago ko pa siya sagutin tinalikuran ko na siya. May nakasalubong pa ako sa may pinto pero tinulak ko sila para makalabas ako ng mabilis. Narinig ko yung boses ni Jackie pero diko siya pinansin. Nagtuloy lang ako sa pagtakbo. Pumunta akong Gym dahil ayoko sa Garden sa school. May maalala lang ako doon. Pero tang ina pati din pala dito may maalala lang ako.

Stranger [BTS-Jungkook FF] [Completed]Where stories live. Discover now