• 12 •

15.3K 445 6
                                    

Andie's POV

Naabutan ko si mommy na mag - isang kumakain sa mesa. Nasa harap niya ang mga bulaklak na ibinigay ni Mason kagabi. Naroon din ang note na nakalagay doon. Napahinga ako ng malalim. I know my mom will be emotional about this. Tingin ko ay pinipilit lang niyang maging okay kagabi sa harap ng mga kaibigan niya but deep inside her, she is missing my dad terribly.

"Good morning mom," bati ko sa kanya at humalik ako sa pisngi. Pinilit kong magmukhang lively para hindi na siya malungkot. "What's for breakfast? Huhulaan ko. Teriyaki 'no?" Umupo ako sa harap ng mesa at ngumiti sa kanya.

Nagtatakang tumingin siya sa akin. "Teriyaki? Wala naman akong handang teriyaki kagabi. Ayan ang tira. Ininit na liempo at shanghai. May menudo sa ref kung gusto mo." Sagot niya.

Natawa ako. "Si mommy talaga hindi marunong sumalo ng joke. Teriyaki. Tera kaygabi." Nakatingin lang si mommy sa akin. Parang ako lang ang natawa sa joke ko. Parang namumula pa nga ang mata ni mommy. Ganun ba ako ka-corny? Maiiyak pa siya sa joke ko?

"Tim gave me these flowers. My favorite. Your dad used to give me flowers all the time," nakangiti si mommy habang nakatingin sa mga bulaklak.

Ito na nga. I know she is about to cry. And I hate to see my mother cry. Ang tagal - tagal na niyang umiiyak sa pagkawala ni daddy.

"And even this note. Tim knows my favorite quote," tuluyan na siyang humagulgol. "Miss na miss ko na ang daddy mo."

Napabuga ako ng hangin. Sinasabi ko na nga ba.

"Mom, Tim told me it was just a random note na inilagay ng flower shop. I saw that last night. Sinabi ko na nga sa kanya na huwag na sanang isama ang note kasi alam kong maaapektuhan ka."

"I just miss your dad so much. Five years na Andrea. Five years ko ng hindi man lang nakikita ang daddy mo. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na titigil na akong umasa na babalik pa siya pero hindi ko kaya," tuluyan ng humagulgol si mommy.

"He left us. Without even saying goodbye. And yet you still miss him? Mom it's been five years. Move on please," hindi ko na napigil ang sarili ko na sabihin iyon.

Pinahid ni mommy ang luha niya.

"Hindi mo pa kasi nararanasan magmahal. Kapag nagmahal ka tatanggapin mo lahat. Magagalit ka sa kanya pero at the end of they day, you will still choose to love him. Your dad is my life and no one can replace him in my heart," malungkot na sabi ni mommy.

Para namang nakonsensiya ako sa sinabi ni mommy. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"I'm sorry mom. I didn't mean to hurt your feelings. I know how you love dad and it breaks my heart everyday seeing you like that. We don't know what happened to him. Hindi puwedeng habangbuhay ay naghihintay ka na lang sa kanya. You wasted five years waiting for him pero bumalik ba?"

Hindi sumagot si mommy. Marahan lang niyang hinahawakan ang petals ng mga bulaklak.

"Mom, its okay to have a life. It's okay for me if you want to go out. Have new friends, date someone. Okay lang sa akin."

Tumingin sa akin si mommy at natawa.

"Ako? Magdi - date? Sa tanda kong 'to? Nakakahiya na," sabi niya at pinahid ang mga luha niya.

"What's wrong with that? Mom, you are really pretty. You don't look your age. Puwede mo pa ngang talbugan si Alice Dixson sa ganda mo, eh. I am sure there are lots of guys who wants to have your attention," nakangiting sabi ko.

"Anak ba talaga kita? Pakiramdam ko binubugaw mo na ako."

Lakas ng tawa ko.

"I just want you to be happy that's all." Hinawakan ko ang kamay ni mommy. "Okay ka na?"

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableWhere stories live. Discover now