• 36 •

13.7K 531 53
                                    

Good mornyt!!! 😘😘😘

Mason's POV

Hindi ako puwedeng magkamali.  This is Andie.  And the way I see her, she is beginning to get drunk.  Kanina ko pa siya nakikitang panay ang inom sa shot ng tequila na ibinibigay sa kanya.  Makulit na rin siya.  Medyo maingay na habang nakikipagkulitan sa bartender. 

Kanina pa ako bantulot kung lalapitan ko ba siya o pababayaan ko na lang.  Pero nag - aalala din ako na baka may mambastos sa kanya at hindi ko mapigil, mapatay ko pa.  Bahala na.  Kung ipagtabuyan ako ni Andie, sige na lang.  Basta lalapitan ko siya.

Ilang beses pa akong nagbuga ng hangin bago ako naglakas ng loob na magsalita.

"Andie?" Muntik pa akong mabulol.  'Tang ina.  Pangalan lang niya ang sinabi ko nabubulol pa ako.

Nagtatanong na tumingin siya sa akin.  Kinikilala akong maige.

"Tim?" Naniniguro siya.  Kunot na kunot ang noo.

Napalunok ako sa kaba.  Ano nga bang sasabihin ko ?

"Well -"

"Fuck off.  You are not Tim.  You cannot be Tim.  That asshole was long gone," putol niya sa sasabihin ko at humarap siya ulit sa bartender at nagpapasalin uli ng alak.

"Mam Andie," tingin ko ay gusto ng umiyak ng bartender at tumingin sa akin.  Parang gustong magpasaklolo.

Tinanguan ko lang ang bartender.  "Sige lang.  Just pour some.  Ako na ang bahala sa kanya.  She's my sister in law." Sabi ko.

Alam kong labag sa kalooban ng bartender ang ginagawa niya pero wala siyang magagawa.  Napatingin ako sa mga papel na nakakalat sa ibabaw ng mesa at nakita kong mga kopya ng household bills iyon.  Bakit nakalabas ang mga ito?  At ano nga ang ginagawa ni Andie dito?

"Do you see this man?" Sabi ni Andie sa bartender at itinuturo ako.

"Opo." Agad na sagot ng bartender.

"He looks like the asshole that broke me into pieces." Humarap sa akin si Andie na namumungay ang mata.  Halatang lasing na siya.  "You look like the asshole that left all of us.  Gone.  Pffft." Nagmuwestra pa siya sa kamay niya ng parang nawala.

"Sir, lasing na si mam.  Tawagan ko na po si Mam Pam." Sabi ng bartender.

"No. No.  Leave her.  Ako na ang bahala.  Leave the bottle here.  Give me another double shot of Hennessy." Sabi ko at muling tiningnan si Andie.  Pababayaan ko na lang na ibang tao ang tingin niya sa akin.  Sigurado akong hindi siya maaasiwa kung hindi niya ako nakikilala.  Alam ko naman malasing 'tong si Andie.  Nagkakaroon ito ng lapses.  Siguradong bukas, limot na niya ang ibang mga kaganapan ngayong gabi.

I am just looking at Andie while she is drinking the shot of tequila.  After five years of not seeing her she still looks the same.  She got matured a little bit but still pretty as ever.  Nakakapanibago lang kasi parang hindi na siya nag - aayos tulad ng dati.  Wala kahit na anong make - up sa mukha.  Naka-clamp lang ang mahabang buhok.  She looks like a plain housewife.  Kaya hindi ko maisip na nandito siya at lumalaklak ng alak.

"Andie, do you have a problem?"

Muli niya akong tiningnan.  "You know my name?" Natawa siya.  "Of course everyone here knows my name." Ang lakas ng boses niya at ilang mga tao doon ang napatingin sa amin.

"You're drunk.  Come on.  I'll bring you home." Tumayo na ako at inalalayan ko siya.  Puwede ko naman siyang ihatid sakay ng taxi at hindi na lang ako magpapakita kay Sebi.

LOVE BETWEEN THE LIES (SELF-PUB) Reprints of Physical book still availableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon