Thirteen

2.6K 93 15
                                    

Kabanata Tresē:

SUEY (3)

NAIINIS na pinasadahan ko ng aking mga daliri ang nagulo kong buhok. Masamang tingin ang pinukol ko sa mga babaeng mag-aaral na humarang sa akin sa daanan.

"Totoo ba ang nabalitaan namin na muling nabuhay si Dahlia?" Nakapamaywang na usisa ni Siera, ang nangunguna sa grupo.

"Totoo nga sabi, nakita kong buhat ni Venus ang katawan ni Dahlia! Sinabi ko na sa inyo, 'di ba?" Asik ni Monette sa kaibigan nito.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano ngayon kung buhay ang kapatid ko? At ano ang karapatan niyo para tanungin ako nang ganyan?!"

Napaatras sila sa pagsigaw ko, dahilan kung bakit nagsitahimik ang ibang grupo ng mag-aaral na nasa Valorì na abalang nag-uusap tungkol sa muling pagkabuhay ng aking kapatid. Umismid si Siera nang makabawi sa kabiglaan.

"Paano siya nabuhay? Or should I say, sino ang bumuhay sa kanya?" Pangungulit ni Siera.

"Bakit ko sasabihin?" Umirap ako bago ako nagpatuloy palabas ng Valorì Stacìon.

'Di pa ako tuluyang nakalagpas sa kanilang grupo nang may humila sa aking braso sabay sabunot sa aking buhok mula sa likuran. Sa bilis ng pangyayari, nakita ko nalang ang sariling nakahandusay sa malamig na sahig.

Umuubong pilit akong tumayo at sinamaan ng tingin ang babaeng may gawa. She's from class H, the lower division. Basta na lamang ito sumulpot sa likuran ko at ibinalibag ako. Gulat din ang ibang nakakita sa ginawa nito sa akin.

If I'm not mistaken, her name is Mirida. Tahimik lang ito at hindi nakikihalubilo sa ibang mag-aaral, maliban sa miminsan ay nakikita kong kasama niya si Mikasa.

"I'm gonna kill you!" Puno ng galit na sigaw ni Mirida at muling sumugod sa akin.

Nagsiatrasan ang ibang mag-aaral habang maarteng nagtilian naman palayo sa gulo sina Siera at Monette. Umatras din ako paiwas sa pagsugod ni Mirida, she's raging mad. Galit na galit siya sa hindi ko malaman na dahilan.

She's desperate to hit me. Kakaiba ang lakas ni Mirida, hindi pa ako nakare-cover sa pagbalibag niya sa akin kanina. Ang tanging magagawa ko lamang ngayon ay umiwas sa bawat suntok na pinakawalan niya.

Mabilis ang reflexes ko kasi ito ang isa sa aking abilidad. Nakikita at nasusundan ko ang bawat atake na tatama sa akin. Nang mapagod sa kakaiwas, nagpakawala na ako ng mga kadena para pigilan si Mirida sa pagsugod.

"Anong problema mo, Mirida?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanya.

"Pakawalan mo ako, Suey!" Mirida ignored my question. Pilit na kumawala sa mga kadena na gumapos sa kanyang katawan. "Magbabayad kayo! Magbabayad kayo!" Umiiyak na siya sa pagwawala.

Naguguluhan man, hindi ko parin maiwasan ang makaramdam ng awa kay Mirida. Dunno why she's acting like this. Gusto ko man siyang tanungin sa lahat ng ito, mukhang wala rin naman silbi.

Bumaling ako kay Stella na namamangha sa kinauupuan habang nakatingin kay Mirida. Hindi lang si Stella ang may ganoong reaksyon, halos lahat ng mag-aaral na narito ngayon sa Valorì para kumain.

"Pakalmahin mo siya, Stella." Sabi ko sa kanya.

Gulat na tumango si Stella at nagsimula nang ibuka ang bibig para kumanta ng isang awit. Subalit....

"Hindi na kailangan, Stella." Pigil ni Mirida na mariing tumititig sa akin. Mula sa maamong mukha, naging malupit ang emosyon na nababakas sa kanya.

Napalunok ako ng laway. 'Di ko alam kung bakit bigla akong kinilabutan sa kinatatayuan ko. Wala akong masabi!

"Isang sumpa ang iiwan ko sa'yo, Suey. Isang sumpa na alam kong mahihirapan ka. Isang sumpa na alam kong magiging sanhi ng iyong kamatayan," madiin bigkas ni Mirida.

Vampire's GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon